CHAPTER 20

2.5K 57 2
                                    

CHAPTER 20

 

SEB’S POV

 

“Hoy Kebs, tara na!” Halanghiya ang Kevin na ‘to, nagi-inarte pa, parang bakla! Ayy, baka pala hindi lang parang, baka bakla talaga? Haha. Tinignan niya ako ng masama at ini-snob. See! Sabi na bakla siya eh, nababakla sa ka-gwapuhan ko. Hahahaha!

Hinahatak ko siya ngayon papunta sa gilid ng stage, wala akong pakelam kahit na ang dami kong nababangga, pero t*ngina eh, ang arte, nagpapabigat pa. Aish!

“Ano ba?! Sayang yung p-inractice natin kung di natin ipapakita!”

 

Ahh, ganito kasi yun, diba debut ni mentos ngayon? Kilala niyo yun? Yung magandang babae na sobrang taray na girlfriend ni Jared babes? Haha, mentos tawag ko sakanya, kahit kasi ang ganda, ang tapang naman. Secret lang ah, pag nalaman nun lagot na naman ako. Di ako pumapatol sa mga babae... well, hindi nananakit to be exact. Hehe.

“Bakit ba kasi kailangan pa ‘to? Hinahanap ko pa si Reina eh!” Nagmamaktol na sabi ni Kebs.

“Gagu ka ba? Tama nga yan eh! Kung kasama mo siya di natin magagawa yung p-inrepare natin.” Ako.

“Ulul mo! Ikaw lang ang nag-prepare. Daig mo pa nga ang may girlfriend eh.” Sabi ni Kebs habang sumasama na sakin. Kanina pa kasi kami tinatawag ni Troy eh.

“Syempre dude! Madaming chickas.” Nag-grin ako sakanya. Oo nga, ang daming chicks ngayon, ilan kaya masasama ko mamaya? Haha.

“Chickas mo mukha mo! Magka-STD ka sa ka-adikan mong yan, tatawanan ka lang namin.” Kebs. Nasa side na kami ng stage, hinihintay si Troy.

“Dude, ano pang silbi ng protection? Kaya nga ginawa diba?” Tama naman diba? Bakit pa ginawa ang mga condom at pills kung di rin naman gagamitin? Dapat ginagamit, para happy life. Haha.

“Bahala ka sa buhay mo!” Mukhang hindi mapakali si Kebs ah, nangha-haba ang leeg. Hinahanap nga niya si Reina, mukhang tinakasan siya ah. Haha.

Tinignan ko lang siya ng matagal. Hahahaha! Grabe, ang epic ng mukha niya. Aha, alam ko na!

“Dude.” Hindi niya ako pinapansin. Ah, ganyanan ah? “Dude, si Reina oh!” Pagka-banggit ko sa pangalan ni Reina, bigla siyang humarap sakin. Sabi na eh! Hahahaha. Under na kasi, wala pa man. Kaya ayaw ko ng commitment eh.

“Nasan?” Kebs. Tinawanan ko lang siya. Ang sama ng tingin niya sakin, bigla niya akong binatukan. “T*ngina mo, wag mo kong niloloko!” Lalo akong natawa.

“Sino ba kasing nagsabing niloloko kita? Ayun nga oh!” Tapos ngumuso ako.

“Nasan?” Kebs.

“Nakikita mo ba ang nginunguso ko?” Ako.

Bitch For A PurposeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon