CHAPTER 33

1.5K 29 2
                                        

CHASTENE’S POV

 

“Seb, nasan si Troy?”

“Tanungan ba ako ng nawawalang boyfriend?”

 

“Sasagot ka ng maayos o gusto mong ilayo ko na ngayundin mismo si Lourds sayo?” Nanghahamon na tanong ko sakanya.

“Ay, ay, ay,” Umiiling na sabi niya habang tumatawa ng nakakaloko. “Hindi mo magagawa yan.”

 

Tinaasan ko siya ng kilay. Bakit ba kasi hindi nalang niya sabihin sa akin kung nasaan si Troy? Ang dami pa niyang satsat eh. “You challenging me?”

 

Tumayo siya at nakipag-face to face sa akin. “You challenging me too?”

 

Aish! What the eff is the problem of this moron? Trip na naman niya ako, ganun? Hinampas ko siya ng malakas sa braso niya. “Nasaan na nga kasi siya?!” Napipikon ng tanong ko sakanya ulit.

“Malay ko ba kasi! Bakit ba kasi pinipilit mong alam ko kung nasaan siya eh hindi ko nga alam.” Sabi niya habang hinihimas niya yung braso niya na hinampas ko.

“Hindi ka kasi kapani-paniwala. Bahala ka na nga dyan!” Ibinagsak ko yung dala kong box ng donuts sa mesa at umalis na sa cafeteria. Hindi ko pinansin si Kevin na nakatingin lang sakin ng seryoso.

Bakit ba kasi ang hirap hagilapin ni Troy these past two days? Magte-text lang siya sakin three times a day and that’s just to say ‘good morning’, ‘eat your lunch’, and ‘good night’. Wala ni isang I love you o tanong man lang kung buhay pa ba ako o maganda pa ako. Pati nung gabing umalis ako ng walang sabi-sabi sa bar noon, hindi man niya ako hinanap.

Naisip ko nga, baka sinabi ni Kevin yung nakita niya sa phone ko pero nung tinanong ko naman si Kevin, hindi naman daw niya sinabi. Hindi ba nakakaloko? Hindi ko naman siya mapuntahan sa condo niya dahil doon muna siya sa bahay nila nags-stay. Haaayy, *Where are you Troy?* I sighed and dialled his number.

[Hello?]

 

“Where are you?”

 

[Sa bahay, bakit?]

 

“Bakit hindi ka nagpapakita sa akin? Gohd, Troy! It’s been two days, narealize mo ba yun? Hindi ka rin pumapasok.” Naiinis na sbi ko sakanya. Ano ba kasing feeling niya? Hello, girlfriend yata niya ako. Grr.

 

[I’m sorry. Busy lang talaga, nagpapasama kasi lagi sa akin si ate.] Busy?! Seriously? Eh kung ako kaya ang hindi magparamdam bigla?!

 

“Oh really? Bakit ngayon mo lang sinabi? Eh kung ako kaya ang gumawa niyan? Gohd, you were not even answering my calls!”

Bitch For A PurposeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon