CHASTENE'S POV
Troy and Mitchie witchy are engaged. Yeah right, THEY ARE ENGAGED FOR F*CKING SAKE!
Wala namang magiging problema sa akin kung sinabi sa akin ni Troy ng maaga eh, as in wala. Kasi diba, for all I know they were just engaged for business--for their damn family business and not their own monkey business!
"Chas, alam kong mahirap paniwalaan ang sinabi ko pero ito lang ang alam kong paraan para man lang makabawi ako sayo." Tiffany looked at me with sincerity in her eyes. "Hindi ako masamang tao. I only want the best for the ones I love... like Hans." Bulong niya.
Pinilit kong mag-smile sakanya para naman gumaan ang pakiramdam niya. "Honestly Tiff, I never thought that this day would come, that you'd admit your mistakes and ask for my forgiveness." Nalungkot siya bigla. "But believe me, I forgive you. Naiintindihan na kita ngayon.
Dati nagagalit lang ako sayo dahil hindi ko alam bakit. But now that I know why, it's already water under the bridge. Anyway, how's your mother now?"
"The biological one? I don't care. But my real mom, she's dead." Malungkot na sabi niya.
"Sorry to hear that." Sincere na sabi ko sakanya.
"You bitch!" Mahinang sigaw--eto na naman ang mahinang sigaw--ni Tiffany. What the?! Nagsor-- "How can you be so bad and then one second so good?" Natatawang tanong niya.
I shrugged. "Because I'm better version 2.0." Yeah right, who could pull out such an act but me? Harhar.
---
Nasa condo na ako ngayon at nandito din si Hans... lumalamon sa kusina. Tss, patay-gutom talaga ang yagit na yun. *A hot yagit. Hihi.* yeah, whatever brainy.
"Hansel, baka gusto mo akong tirhan ng pagkain KO?" Sigaw ko habang nakaupo sa sofa.
"Ano? Pagkain NATIN? Oo naman, titirhan kita." Sagot naman niya habang may laman ang bibig. Yuck! Please remind me anong nagustuhan ko sa kutong lupa na 'to.
---
"Hans, may tatanong ako." Mahinang sabi ko kay Hans habang nanonood kami ng movie. Si Lourds kasi natutulog na kaya kaming dalawa nalang ang naiwan.
"Hm?"
"Anong nagustuhan mo sakin?" Me.
Tinignan niya ako bigla na para bang hindi kapani-paniwala ang tanong ko. "Wala. Asa ka namang may gusto ako sayo, ang pangit mo lang."
WHAT THE F*CK?! So anong gusto niyang palabasin ngayon? Na ako lang itong assumera? Eh kung isampal ko kaya sa mukha niya ang stilettos ko nang magising siya?!
"Anong sinabi mo?!" Me.
Umiling-iling siya. "Ayan pa. Bingi ka rin kaya imposible talaga ang sinasabi mong may gusto ako sayo."
"Can you just please stop beating around the bush?" I stopped pero nang marealize ko na hindi parin siya seseryoso, sumabat ako ulit. "Not the literal bush you idiot! Kung hindi mo ako gusto, lumayas ka na ngayundin. Ayaw ko din sayo!"
BINABASA MO ANG
Bitch For A Purpose
Novela JuvenilHow is being bad is being good at the same time? Where will her colliding better side and worse side take her? "Yes, I am a bitch, a good one. And because I am a good bitch, I'll make you REGRET this for GOOD."