CHASTENE’S POV
Ang bilis naman lumakad ng araw *Duh, may paa ba ang araw?* Whatever brain, I won’t mind you. *The eff? Eh what, you’ll heart me?* Iiiih, stop talking to me brainy. Para akong crazy pag sumisingit ka. Huhu. Before I continued, hinintay ko muna kung sisingit nanaman ang mga magaling kong brain cells. Good thing hindi na. Okay game, continue! Harhar.
Ilang araw na rin ang lumipas mula nung dumating si Reina for me. Thirty days to be exact. In short, in one month’s time, mangyayari na ang bitchcraft na matagal kong inaral. Grabe yun, ilang gabi akong di nakatulog sa Paris para lang mabuo ang bitchcraft na yun because I made sure that it won’t backfire. Na maraming side effect sa taong paggagamitan ko. And it feels good that in a few days, it will take place. I will be giving myself the best birthday gift ever. Harharhar!
Tumunog ang phone ko. I checked out who’s calling. It’s Miss Charlotte. The event planner we hired. Actually, ang magaling ko lang na kuya ang nag-hire. Hindi ko alam saan niya ‘to nahagilap pero magaling naman siya.
“Yes hello?”
[Good afternoon Chastene! I called to say na nakaschedule tomorrow yung fitting mo sa gown and food tasting.]
“Oh really? That’s good to hear Miss Charlotte! I’ll be there. What time pala?”
[You can come any time Chas.]
“Okay. Tell the designer I will be there at four PM.”
[Okay, Chas. I can’t wait to see you! For sure mukha kang dyosa sa gown mo!] I sensed excitement in her voice.
“I know right? And duh Miss Charlotte, sa gown lang ba?!”
[Oh! My wrong, sorry. I mean, MAS magmumukha kang dyosa sa gown mo!]
“Harhar. I really like you Miss Charlotte! No doubt, my brother hired you.”
[There’s no reason for me to not like you Chastene. Mabait ka naman eh, para na kitang kapatid din.]
“And what’s that suppose to mean?” My bitchcraft is starting to ignite.
[Oh! N-nothing! S-sige, I have to--]This time, I can sense panic in her voice. Parang kapatid? O baka naman gusto niya din akong maging kapatid?
“Wait! Do you and my brother share something?” Hindi siya sumagot
[What do you mean?]
“I mean, something romantic, special?”
[HELL NO! Your brother is irritating!]
“Chill! Are you yelling at me?!”
[Oh, sorry sorry. Anyway, I really have to hang up now. Bye Chas. See you tomorrow!]
“Okay. See you!”
I ended the call and stared at the ceiling. Sunday ngayon at wala akong pasok. Si Reina naman, nasa family niya kaya hindi ko maistorbo. Si kuya, malay ko ba dun kung nasaan siya. Baka nambabae nanaman.
I don’t have friends here in the Philippines. Why? I can’t consider them as my friends because I only know them by their names. Marami akong kakilala, pero wala akong kaibigan. *Talaga bang wala Grets?* I sighed when my brain suddenly entered the scene again. Oo nga, wala ba talaga akong kaibigan dito? Well, actually, meron naman. I HAD a bestfriend back then. Pero wala eh, tinaboy ako. Ang masakit lang, sa maling reason. Hindi niya kasi alam ang lahat. Hindi niya inalam ang lahat. Sayang lang ang ininvest ko sakanya. Lahat ng interest, tumalbog. I smiled bitterly at my thought. Hindi ako magiging okay hangga’t hindi ako nakakabawi.
I decided to go swimming nalang. May sariling pool kasi lahat ng condo tower namin—ng family namin. Six in the morning palang naman kaya hindi pa naman gaanong mainit ang araw. Araw? I remembered something. Harhar. I let that thought slip out my mind while choosing what bikini to wear.
I walked towards the nearest lounging chair near the pool at tinignan ang nakakarelax na architecture ng pool area. Ang ganda. Isang malaking swimming pool lang ang meron pero para na rin itong dalawa kasi may nagcoconnect sakanila na maliit na part ng pool na hanggang ankle lang yung tubig. Gets niyo ba? Then sa right side, which is bigger, merong platform na magliliead sayo sa pinakagitna ng pool kung saan nandoon yung parang gazebo na may mini garden set. Hmmm, parang mas masarap yata dun kaya pumunta ako dun at naupo.
After awhile, I decided to swim na so I removed my top, which is a white see through, to reveal my black bikini. Simple lang ang napili kong bikini pero alam ko na bagay ito sakin. Iniwan ko yung see through ko sa gazebo at bumaba na sa pool. Pagbaba ko, diretso langoy. Haaayyy, how I missed this. Swimming alone in a peaceful place.
THIRD PERSON’S POV
Nakaupo lang siya malapit sa pool area at hindi niya maalis ang kanyang tingin sa babaeng nasa pool ngayon. Habang tinitignan niya ito, hindi niya lubos maisip na kaya niya iyong gawin. The heck, the girl looks so innocent. Hindi makabasag pinggan pero nakakaintimidate ang dating. He’s wondering why is she here? What is she doing here? Pero wala, kahit anong isip niya ay wala siyang clue. Malamang para magswimming pero bakit dito? Wait, does this mean na dito din nakatira ang babaeng yun?
Tahimik lang ang buhay niya noon pero mula nang makilala niya ang babae, hindi na niya ito naalis pa sa isip niya. Lagi nalang out of nowhere eh bigla nalang niya itong maiisp. Kung paano siya nito tignan, kung paano siya magtaray, kung paano siya nito tinulungan. Natawa nalang siya sa naisip.
Hindi nakuntento sa pagtingin, lumapit na siya sa pool area at pumunta sa gazebo kung saan niya nakitang iniwan nung babae yung pamatong niya. Umupo siya dun at nagtaka siya bakit wala yatang dalang towel ang babae. Ano? May balak ba itong lumakad sa loob ng tower na basang basa?
Ah teka, bakit nga ba nandito din siya ng ganitong oras? Simple lang, dahil gusto din niyang magswimming at kapag sinuswerte nga naman siya, dito pa pala niya ulit makikita ang babaeng laging gumugulo sa isip niya. Kaya sa halip na magswimming, iniwan niya ang dala niyang robe sa upuan kung saan nakapatong ang pamatong nung babae at bumalik sa pwesto niya kanina kung saan hindi siya nakikita. Mukhang hindi naman siya nito napansin.
CHASTENE’S POV
After several laps, nakaramdam na ako ng pagod so I decided to get up. Oh sheesh! I forgot my robe! Paano ako aakyat with water dripping from my gorgeous body? Arg! Di bale, magpapatuyo nalang siguro muna ako sa gazebo bago ako umakyat.
As I got back in the gazebo, I was a bit shocked to see that there’s this robe waiting for me beside my see-through top. Huh? Wala talaga akong natatandaan na may dala akong robe. Pero dahil nilalamig na ako, kinuha ko na ang robe at binuksan. Wew! Bakit ang laki? Well, obviously, lalaki ang may ari nito kasi if not, lumba-lumbang babae siguro. Harhar. Before wearing it, I scanned the area to see if someone’s with me. Wala naman eh. I waited for awhile at nang wala talaga, sinuot ko na talaga yung robe at umakyat na.
Whoever lend me this robe, ibabalik ko din.
----------------------------
AN: Waaaah! Who's the third person kaya? Hmmmm.. hulaan XD

BINABASA MO ANG
Bitch For A Purpose
Roman pour AdolescentsHow is being bad is being good at the same time? Where will her colliding better side and worse side take her? "Yes, I am a bitch, a good one. And because I am a good bitch, I'll make you REGRET this for GOOD."