CHASTENE’S POV
“B1! Tara double date tayo!” Excited na sabi sakin ni Seb.
Wait. Double date? So date kasama siya? “Bakit, may pumayag makipag-date sayo?”
Um-acting siyang parang nabaril sa dibdib with matching OA na expression. Napa-smile ako ng hindi ko namamalayan. Naalala ko si Hans nung pinagdala niya ako ng lunch.
“Aray naman B1! Ikaw lang ang walang tiwala sa kagwapuhan ko eh.” Hindi ko siya pinansin at nagkibit lang. Tinalikuran ko siya ng pinipigilan ang ngiti ko na lumapad.
Which is a wrong move—I think. Dahil pagtalikod ko, ang nagtatakang mukha ni Troy ang sumalubong sakin. Natigilan ako at agad tinanggal ang smile sa sexy kong mga labi.
“Why are you smiling?”
Kinunot ko ang kilay ko at nagmaang-maangan. “I wasn’t.”
“Yes you are.” Troy.
“No.”
“Yes.”
Tuloy-tuloy lang kami hanggang sa tumikhim ng malakas si Seb. “Ang gulo niyo!”
“Para kayong buhok na hindi nasuklayan!” Lourds/Seb. Nagkatinginan sila.
“Bakit ka ba nanggagaya ng sasabihin?” Lourds.
“Para we’re match.” Banat ni Seb. Napatingin ako kay Lourds at nakita kong natigilan siya kasabay ng pagbu-blush niya. Ilang sandali din ang lumipas bago nagsalita ulit si Seb. “Wag kang feeling, hindi libre ang banat ko.” Natawa ako sa sinabi ni Seb. Ano na naman kayang trip ng abno na ‘to?
Siningkitan ni Lourds ang mata niya at tinignan si Seb. “Sinabi ko bang bumanat ka?” BOOM! Pahiya si Seb dun ah.
Hindi agad nakapagsalita si Seb. Bubuksan niya ang bibig niya pero maya-maya isasara din naman niya. Alam niyo yung itsurang natatae pero pinipigilan at pinipilit na wag ipahalata? Ganun na ganun ang itsura si Seb. Shit lang. Harharharhar!
“Oh, napano si Basti?” Tanong ni Kevin pagdating nila ni Reina. Nasa isang KTV bar kami ngayon na pag-aari nina Seb. Nag-rent kami for free—courtesy of Seb—ng isang VIP room.
Parang natauhan naman si Seb at nagsalita. “Aish! Pasalamat ka nga binanatan pa kita eh!”
Nilagay ni Lourds sa beywang niya yung dalawa niyang kamay. “So anong gusto mong palabasin?”
Lahat kami ay nag-aabang sa isasagot ni Seb. This time, para naman siyang nakalunok ng bato at anytime ay sisigaw na siya ng Darna. Sarap picturan ng mukha niya at i-post sa insta with caption like this: ‘Sebastian Prieto: Possesed’. Harhar.
Kumamot siya sa batok at nahihiyang sinabi na... “Date tayo.”
Pucha! His face is so epic! It’s priceless! Hahaharhar. Sina Seb at Kevin mukhang hindi in-expect ang sasabihin ni Seb kaya naman natawa sila ng malakas. Habang pinapanood ko sila, natawa din ako lalo. Paano pa naman, para silang may dance steps habang tumatawa. Hindi sila mapirmi sa isang lugar. Like, ganun na ba talaga nakakatawa ang mukha ni Seb? Natawa din naman ako pero grabe lang, ang OA ng dalawang ‘to.
“Ano?! Asa ka naman!” Sa sinabing yun ni Lourds, bigla siyang sinabunutan ni Reina ng mabilis.
“Konting pilit ka pa!” Reina.

BINABASA MO ANG
Bitch For A Purpose
Ficção AdolescenteHow is being bad is being good at the same time? Where will her colliding better side and worse side take her? "Yes, I am a bitch, a good one. And because I am a good bitch, I'll make you REGRET this for GOOD."