CHAPTER 34 (Part 1)

1.6K 32 3
                                    

CHASTENE’S POV

 

            How could he do this? How could he lie to me? Ang laki ng tiwala ko sakanya. Kung ma-guilty ako pag nagsisinungaling ako sakanya, para akong nagco-constipate ng tatlong araw tapos mahuhuli ko siyang niloloko ako? I don’t want to conclude something negative but what I am seeing right now with my bare eyes is enough.

Troy and the witch are now cuddling each other in the cinema. Nasa pangatlong row sila at ako naman ay nasa bandang gitna. Now tell me, what should I think? Wag niyang sabihin sa akin na si Mitchie ang ate niya dahil para na rin niyang sinabi sa akin na magkapatid pala si Davit at Goliath.

I watched them and when I say ‘watched’, I mean observe. Horror movie ang pinapalabas ngayon sa cinema pero ang nakakaloko lang ay hindi ako natatakot sa movie. Mas kinikilabutan ako sa kababalaghang ginagawa nila. Walanghiya, kailan pa kaya nila ako niloloko? Ang sakit eh. Alam niyo yung feeling na pinagkatiwalaan mo yung isang tao tapos mahuhuli mong niloloko ka? Ang sarap lang ipakain sa mga pating eh. Tawagin ko kaya yung kaibigan ni Hans? Tsk.

*Troy Bernardino, you don’t know me that much. Yes, I am good at being good but I’m also good at being bad.* Sa naisip ko, Agad akong tumayo at lumabas na ng cinema.

            “BRUHA KA! SAAN KA NAGPUNTA?!” Lourds. “YOU BITCH, WHY DID YOU LEAVE?!” Reina.

Bigla akong na-stress sa sabay na sigaw sa akin nina Reina at Lourds pagsakay ko ng kotse ko. Yeah, I left my bag sa table namin kanina sa sobrang pagmamadali kaya siguro nabuksan nila itong kotse ko. Umupo na ako ng maayos sa driver’s seat at in-start ang engine.

“Don’t ask me. Hindi niyo magugustuhan ang sagot ko.” Yun lang ang sinabi ko pero knowin them, hindi nila ako titigilan.

“Kailan ka ba may sinabing nagustuhan namin?” Reina.

“So anong pinaglalaban mo niyan?” Me.

“Nakita kasi namin si Troy—” Napalingon ako sa backseat dahil nandoon si Lourds.

“What did you see?” Mabilis na tanong ko sakanya.

Nanlaki naman ang mata ni Lourds at tinaasan ako ng kilay. “Nagmamadali?”

 

“OH MY GOSH BITCHY!” Napatingin ako bigla sa daan sa sigaw ni Reina at parang slowmotion ang sunod na nangyari.

May isang babae ang bumangga sa hood ng kotse ko at natumba kasabay ng pag-break ko ng malakas. I heard my tires screech before it stopped. Ang bilis ng heartbeat ko. What have I done? Napatingin ako kay Reina at mukhang on-state of shock parin siya. Dali-dali akong bumaba ng kotse to check the girl.

I saw the girl crying and shouting in pain while holding her left leg. “Oh my gosh! Are you terribly hurt?” Agad akong lumapit sakanya at hahawakan ko sana ang balikat niya nang bigla siyang humarap sa akin.

I wasn’t able to move. Para akong naging bato sa kinatatayuan ko. My brain isn’t functioning well. I am just staring at her face that’s full of tears. No one dared to speak. Nakatingin lang kami sa isa’t-isa.

“Oh-my-god.” Dahan-dahang sabi ni Reina nang bumaba siya at nakita kung sino ang nabunggo ko.

“Anak ng...” Sabi naman ni Lourds habang halata ang gulat sa mukha niya.

Ibinalik ko ang tingin ko sa babae at inalalayan siyang tumayo. “Aaaah...” Daing niya habang dahan-dahan ko siyang inaalalayang tumayo.

“Bitchy, what are you doing?” Nagtatakang tanong ni Reina sa akin.

Bitch For A PurposeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon