LOURD’S POV
Walanghiya talaga ang abnormal na Sebastian na yun! Ang kapal ng mukha niyang magfeeling na may gusto ako sakanya! Like, hello? Magugunaw na ba ang mundo? Eh kahit magunaw ang mundo hindi ko papatulan ang isang yun eh. Grr!
Isa pang dahilan bakit asar na asar ako sakanya ay dahil siya lang naman ang may kasalanan bakit ako nakasalampak ngayon sa shower at may pasa sa tuhod. Bwisit talaga! Paano na ang magaganda kong legs?! Magbi-bikini two-piece pa ako mamaya eh. Paano nalang kung makita ako ni Carl? Yung cute guy na na-meet ko last night sa pool?
“GAGO KA TALAGANG SEBASTIAN!!! ABNO!!! MUKHA KANG UNGGOY!!!” Sa sobrang pikon ko sakanya, naisigaw ko yan. Sigurado akong narinig niya yan dahil kulang nalang pati small intestines ko ilabas ko sa sigaw ko.
Humawak ako dun sa railing na nakadikit sa pader at dahan-dahang tumayo. Walangya, ang sakit talaga ng tuhod ko! Sa bawat galaw ko, napapapikit nalang ako at napapakagat-labi sa sakit. Magbabayad ka saking Seb ka!
Ganito kasi yung nangyari, hinabol ko si Seb kasi paano ba naman, biglang tumakbo pagkatapos akong asarin. Sinundan ko siya hanggang dito sa banyo at hindi ko napansin yung rag sa semento kaya nag-slide ako dun ng una ang tuhod. Kaya eto ako ngayon, basang basa sa ulan. Chos! Hahaha. Kaya eto ako ngayon, may pasa sa tuhod.
Hindi naman ako tanga diba? Kung tutuusin naman kasi pwede naman akong saluhin nung gagong Seb na yun pero iniwasan lang niya ako. Take note, tinawanan pa ako ng loko imbes na tulungan!
Napatingin ako sa tuhod ko. Grabe, laslas na ‘to! Nagsisimula na siyang magkulay violet. Nakakaiyak. Huhuhu.
“Napano ka alien?” Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Chas na nakatayo sa may pinto at nakatingin sakin. Grabe, magugunaw na ba ang mundo? Concern si Chas sakin? O baka naman may sakit siya?
Tinignan ko siya ng nagpapaawa at tumingin ako sa tuhod ko. Tumingin din siya at nakita kong napanganga siya.
“Who...” Sabi niya habang nakatingin siya sa tuhod ko. Tapos tumingin siya sa mukha ko. “Ano na namang katangahan yan alien?” Nganga. Akala ko pa naman concerned na talaga. Haay, asa pa talaga ako.
“Hindi ako yung tanga, si Seb ang may kasalanan nito.” At kinwento ko sakanya yung nangyari.
“Ahh... kasalanan pala nung rag.” Natanga ako sa sinabi niya. Yung rag ang may kasalanan? Yung rag na walang kamalay-malay? “Kasalanan niya na lumabas katangahan mo. Eh kung tinitignan mo muna kasi yung dinadaanan mo, hindi yung nakikipagharutan ka lagi kay Seb. Tss. Look at your knees now, paano ka niyang magtutwo-piece?”
Napangiti ako sa sinabi niya. Kahit kelan talaga, hindi showy ang pinsan kong ‘to. Alam ko naman na concerned siya kahit hindi niya ipakita, dahil nararamdaman ko.
Inalalayan ako ni Chas hanggang sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Bitch For A Purpose
Novela JuvenilHow is being bad is being good at the same time? Where will her colliding better side and worse side take her? "Yes, I am a bitch, a good one. And because I am a good bitch, I'll make you REGRET this for GOOD."
