CHASTENE’S POV
“Bitchyyyyy!!!! Ano ba? Hindi ka talaga magigising ha?” I woke up dahil sa pag-alog ni Reina sa balikat ko. Pero binuksan ko lang ang isa kong mata at in-snob siya. Oha, pati sa pagtulog, ramdam ang pagiging mabait kong kaibigan.
“Ano ba yan, tulog na, bitch parin? Like OMG, push mo lang yan and we’ll be late na.” LATE? Bigla akong napaupo.
“May quiz tayo ngayon, right?” Me.
Reina rolled her extra large eyes. Ano ba yan, nilalabas ba niya ang eyeballs niya? Ano, umagang-umaga, magpi-pingpong kami? *Corny mo Chas* Napa-sigh nalang ako sa eksena ng brain cells ko.
“Duh? Obvious ba? Bakit ba ako nandito?” Mataray na sagot ni Reina.
“To make sure na makakapasok ako dahil wala kang kokopyahan ng sagot.” Binuka niya ang bibig niya but hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya. “Hold it bitchy, I won’t believe your lies.”
Habang namimili ng damit, napatingin ako sa wall clock. Two hours pa naman bago yung time so may one hour pa ako para mag-ayos. Bahala ngayon ang bitch na nasa kwarto ko, maghintay siya ng isang oras. Harhar!
Paglabas ko ng closet ko, well actually, small walk-in closet, sabunot ang sumalubong sakin.
“WHAT THE EFF?!”
“What lie are you talking about? Seriously? Anong hugot na naman yan bitch?” Tumatawang tanong ni Reina.
Oh, yeah. Gusto ko na rin matawa sa sinabi ko pero pinigilan ko. Oo nga no? Hugot nga naman ang “I won’t believe your lies” ko. Harhar.
“Paki mo ba?” In-snob ko siya at naligo na.
After kong naligo, nagpatuyo muna ako ng buhok bago lumabas ng CR. Wala na si Reina sa kwarto ko, maybe she’s raiding my kitchen again. You know, patay-gutom kasi ang isang yun.
Nag-aayos na ako nung biglang pumasok si Lourds. “Bruha, matagal ka pa?”
“Bakit?”
“Uhm...” Tinignan niya ako na para bang tinatantya kung sasabihin ba niya yung sasabihin niya. Tinaasan ko siya ng kilay.
“Alien, napipikon na ako. Ano na?”
“Kasi si Seb...” Napakunot ang kilay ko. “Sasabay nalang ako sakanya papasok.” What? Si Lourds at Seb? Sabay papasok? As in sasakay sa iisang kotse ng sila lang? Wait, hindi kaya mababasag ang windshield ng sasakyan ni Seb sa pikunan nila?
Hinawakan ko ang noo ni Lourds. “May sakit ka ba?”
“Wala no! Kailangan lang kasi maaga ako sa school ngayon.”
Sinalat ko naman pati leeg at braso niya. “OMG, kailangan na ata kitang dalhin sa hospy!!!”
Kumunot ang noo niya at tinabig ang kamay ko. “Ano bang pinagsasabi mo?”
“Ikaw, maagang papasok? Wait ah, let me check.” Tumingin ako sa taas. “Diba muntik ka ng ma-drop sa isa mong class noon dahil sa kakaabsent mo? Then kung papasok ka naman, lagi ka namang late. Tapos I remember one time na pinapasok ka sa school ni tito ng hindi naliligo at nagtu-toothbrush. Tapos ngayon, papasok ka ng maaga? As in MAAGA?”
BINABASA MO ANG
Bitch For A Purpose
Teen FictionHow is being bad is being good at the same time? Where will her colliding better side and worse side take her? "Yes, I am a bitch, a good one. And because I am a good bitch, I'll make you REGRET this for GOOD."
