SEB’S POV
“Wow dude! Nasa langit na ba ako?” Ang ganda naman pala sa pupuntahan namin, hindi ako na-inform!
“Gago! Imposibleng mapunta ka sa langit dude.” Kontrabidang sagot na naman ni Kevin sakin. I feel it, may insecurity talaga sakin ang asong ‘to. Wala eh, gwapo kasi ako. Haha.
“Pero sa impyerno, welcome na welcome ka dun.” Kampi naman ni Reina sakanya.
Ano kaya ang pwede kong itawag kay Reina? Hmmmm... ah! Alam ko na! B2 nalang, meaning bitch number two. Tapos kay mentos naman tawag ko B1 as in bitch number one. O diba, talino ko? Imagine, naisip ko yun! Haha.
“Wa—” Di ko tinuloy sasabihin ko dahil nakita kong humarap yung alien na kasama nila sakin. Hinintay ko munang sabihin niya sasabihin niya pero di naman siya nagsalita.
“Wal—”
“Oo nga, welcome ka dun, kahit ilang beses ka pang bumalik.” Sabay wiggle ng kilay niya sakin. T*ngina naman! Kaninang binibigyan ng chance magsalita, di nagsasalita. Talaga bang iniinis ako ng alien na ‘to?
“May gusto ko ba sakin Lourds?” Diretsong tanong ko kay alien.
Nag-iba bigla yung itsura niya. “Asa ka naman! Wala pa akong balak mamatay ng maaga.”
“So sinasabi mo bang, handa kang mamatay para lang sakin?” Grabe! Mahal na mahal pala talaga ako ni Lourds, di ako na-inform. “Pero sorry ka, hindi kita type.” Ayoko ng alien, baka mamaya bigla siyang mag-transform sa tunay niyang itsura at kainin ako.
“Ang kapal naman ng mukha mo! Kung hindi mo ako type, mas lalong di kita type! Ayoko sa mga abnormal na katulad mo!” Pfffft—hahahaha! Nakakagigil yung itsura niya, mukhang alien! Hahahahaha! “At oo, handa ako.” Biglang nawala yung urge ko na matawa.
“HANDA AKONG PATAYIN KA!!!!” Sigaw niya kaya tumakbo ako. T*ngina! Sabi na may sapi ang alien na yun eh! Tumingin ako sa likod ko at t*ngina time two! Hinahabol niya ako! Mas binilisan ko ag pagtakbo.
Tumingin ako sa langit at nag-sign of the cross. *Mahabaging ama, iligtas niyo po ako sa masamang nilalang na humahabol sa akin ngayon, kawawa po ang mga babaeng iiyak pag nawala ako!* Huhuhu!
Habang tumatakbo ako, nakita ko yung swimming pool sa kabilang side ng resto. *Ting!* I got a bright idea. Tumwa ako. Akala siguro ng alien na ‘to huh.
Nilingon ko siya para asarin lalo. “Aminin mo nalang kasing patay na patay ka sakin!”
“Oo, kaya papatayin kita pag nahuli kita!”
Pagdaan namin sa resto, pinagtitinginan kami ng mga tao pero wala akong pakelam. Dire-diretso ako sa may pool at dumaan ako dun sa manipis na bridge sa gitna na walang harang. Alam ko sobrang bilis ng takbo ni Lourds kaya bigla akong tumigil sa gitna.
BINABASA MO ANG
Bitch For A Purpose
Teen FictionHow is being bad is being good at the same time? Where will her colliding better side and worse side take her? "Yes, I am a bitch, a good one. And because I am a good bitch, I'll make you REGRET this for GOOD."