REINA’S POV
Oh Em Geeee!!! May quiz kami ni bitchy mamaya sa first subject. Gosh, di ako nakapagreview... wait, kelan pa ba ako nagworry dahil lang hindi pa ako nagreview? Haha.
Ngapala, I’m Reina Guzman, eighteen years old. Mas matanda lang ako ng four months kay Chas but since mas matanda ako, MAS maganda ako sakanya. Haha. Model din ako, pero mas sikat sakin si bitchy since mas motivated siya nun eh, you know, nagagawa ng mga sawi sa pag-ibig. Grabe lang, napaka-showbiz (adj. arte, drama) lang ng motivation niya. Pang-MMK lang ang peg. Sabagay, kung ako din naman yung nasa lugar niya, hindi LANG yun ang magagawa ko. Baka pinasalvage ko na yung gagong Hans na yun. Walanghiya eh, ang kapal ng balat.
Pumunta na ako sa school, classmate ko si bitchy sa halos lahat ng subjects ko since pareho lang naman kami ng college, and fortunately, classmate ko din siya sa first subject. Hihi. Kahit na may stock knowledge ako, iba na ang may back-up. Effortless ang talino nung bitch na yun eh. Edi siya na ang pinagpala! Unfair lang. Buti nalang talaga mas maganda ako sakanya. Hahaha.
Pagpasok ko sa room, nakatingin na naman lahat ng mga kaklase namin sa akin. Wew! I know I’m gorgeous pero naman guys, wag masyadong obvious. Napapanganga kasi yung iba eh, kaya lumalala lalo ang global warming. Save mother earth dapat!
Nakita ko si Chas na papasok na rin sa room kaya hinintay ko na siya sa pinto.
“Ang aga mo?” I asked her. Madalas late ‘tong bitch na ‘to eh. Nadadala kasi ng performance ang attendance kaya lagi lang siyang chill. Tsk.
“Paki mo?” In-snob niya ako at hinila ako papunta sa seat namin. Tignan mo ‘tong bruhang ‘to, ini-isnob ako tapos bigla akong hihilahin?
Paglapit namin sa seat namin, hinayaan ko lang siyang umupo at nag-stay akong nakatayo sa harap niya. “Hoy bitchy! Anong nahithit mo at mukhang expired yang mukha mo?” Nakabusangot kasi siya eh. Maga pa ang mga mata.
“Again, paki mo?” She rolled her eyes on me. Aba’t! “Umupo ka na nga, harang-harang ka sa maganda kong mukha. Tss.” Pagkasabi niya nun, hinila ko ang buhok niya pababa. Nakita ko namang tinignan niya ako ng masama. Hinila niya ako paupo at sinabunutan din ako.
“Anong trip mo? Nananabunot kang bitch ka?” Grabe lang, ang sungit talaga! Ano, nagme-menopause na?
“Eh ikaw, anong trip mo? Haggard lang ang look?” Hindi siya sumagot at tumingin lang sa bakanteng teacher’s table. She’s hiding something, I know. Hmmmmm...
“Pak—”
“Don’t ever use that line again on me Grets, baka gusto mong ipatapon kita sa Nigeria kasama yang gagong ex-bestfriend mo.” As I reffered to Hans, agad siyang tumingin sakin ng seryoso.
“Why not?” Her.
What the heck did she just say?! Why not?! “Gaga ka din eh noh? What why not? Eh kung why-not-in ko yang buhok mong kulot ngayon?”
BINABASA MO ANG
Bitch For A Purpose
Подростковая литератураHow is being bad is being good at the same time? Where will her colliding better side and worse side take her? "Yes, I am a bitch, a good one. And because I am a good bitch, I'll make you REGRET this for GOOD."
