Chapter 2

85 3 0
                                    

Jett

A-a-no to? Nanaginip lang ako 'di ba? Hindi totoo 'to! Sa sobrang bigla nahulog ko purse na binigay sakin ni Ate kanina at laking gulat ko nang lumabas ang laman at nakitang isang baril iyon.

Dali dali kong kinuha iyon at inalis ang kamay sa akin ang kamay ng panget na zombie na kanina pa ngumangawa sa harapan ko. Mabilis akong lumayo sa zombie at pikit matang binaril.

Dahan dahan ko nang binuksan ang mata ko at nakitang nakabulagta ang zombie sa sahig.

Ngunit, pagtingin ko sa likod halos maiyak na ako sa nakita ko. Dahil sobrang dami pala nilang zombies dito. Dali dali na akong lumabas at mabilis na tumakbo. At ganoon na lamang ang gulat ko nang makitang tumatakbo ang mga zombies at hinahabol ako.

Zombies?! Tumatakbo?! Updated na ba ang mga zombies dito!?

Tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo hanggang nakarating na ako sa labas ng hotel na iyon. May nakita akong parang mansion at mukhang malinis iyon, tumakbo ako papunta roon. At hindi napansin ang isang lata ang nakaharang sa dadaanan ko. Ending, ayun nadapa.

Dali dali akong tumayo, pilit na tumatayo kahit masakit ang paa ko. Ngunit, yung mga zombies sobrang lapit na sa akin. Kailangan ko na yata talagang tanggapin na dito na ang katapusan ko. Pumikit nalang ako at hinintay na mamatay na. Ngunit nabigla ako nang may bumuhat sa akin at pinagbabaril ang mga zombie na sobrang lapit na sa akin.

Binuhat ako ng lalaki sa kanyang bisig at tumakbo na rin papunta sana kung saan ko balak pumunta kanina. Mabilis na pumasok siya at nilock ulit ang pintuan.

Inupo niya ako sa isang kulay red sa sofa do'n. At ngayon lang nag sink in ang mga nangyari at nakita ko.

"Zombies? Nanaginip ako hindi ba? Paano nagkaroon ng zombies dito? 2018 na may zombies pa rin? At tumatakbo pa sila? Bakit do'n sa mga napanuod ko na mga zombies movie, lumalakad lang sila?" Kausap ko sa sarili ko. Dahil alam kong ang kasama kong lalaki ngayon ay hindi ako naiintindihan. Siguro'y taga Ukraine to.

"Miss, paano ka napunta rito?" Laking gulat ko nang nagtatagalog pala siya. Pilipino pala siya!

"Pilipino ka din?!"

"Oo. So, paano ka nga napunta dito?" Sabi niya gamit ang malamig na boses. Tch, naalala ko tuloy sakanya ang ate ko. Pareho silang seryoso. Teka, yung Ate ko?! Plinano niya ba ito?! Alam ba niyang may mga zombies dito kaya niya ako pinapunta dito? O baka hindi niya talaga alam?

"Hindi ko alam, basta ang sabi ni ate ko ay kailangan kong pumunta dito dahil pinaguutos ni Daddy." Naisip ko yung babae kanina sa airplane. Hinawakan ko nang mahigpit ang binigay niyang baril. At yung lalaking driver kanina. Kaya pala parang takot na takot sila. Bakit hindi nila sinabi sa akin!?

Pumunta sa harapan ko ang lalaki at lumuhod sa harapan ko, akala ko kung ano ang gagawin niya. Mimamaseha lang pala ang paa ko na sprain yata. Tinitigan ko ang lalaki. Matangos ang ilong, jet black ang kulay ng mata, napaka habang mga lashes, manipis at kissable na lips. Hindi ko napansin kanina na, gwapo pala ito. Hindi lang gwapo. Sobrang gwapo.

"Stop drooling. Alam ko ang nasa isip mo. Na ang gwapo ko diba?"

Binabawi ko na yung sinabi ko kanina na gwapo siya. Mayabang pala.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nagtanong nalang.

"Anong meron sa lugar na ito? Bakit may zombies? Bakit nandito ka? Bakit hindi ka pa zombie? Baka naman infected ka na?" Tanong ko sakanya. Lumitaw ang konting ngisi sa labi niya.

"Andami mong tanong. Una, ang lugar na ito ay abandonado na. Pangalawa, noon ang sabi nila may naganap na pagpapasabog dito at namatay lahat ng tao. At pangatlo, hindi ako zombie. Magdadalawang taon na ako sa impyernong lugar na ito, at hanggang ngayon hindi ko pa rin nahahanap ang lugar palabas." Aniya

"Ako! Alam ko! Galing ako dun kanina!" He chuckled.

"Ganyan din ako noon nung bago pa lamang ako dito. Akala ko alam ko ang daan ngunit nung binalikan ko. Wala na. Hindi ko na nakita ulit kung saan ako nanggaling nun."

"Ha? Panong nangyari yun?"

"Hindi ko din ala-" Naputol ang sinabi niya nang may narinig kaming kalabog sa bandang likod. Nakita kong may pintuan doon. May kumakatok doon at habang patagal ng tagal ay palakas ng palakas ang katok. Kinuha ng lalaki ang baril niya at sinabing dito lamang ako. Hinigpitan ko din ang hawak sa baril ko.

Hindi alam ng lalaking nasa likuran niya lang ako. Yung pinto! Konti nalang masisira na! At laking gulat ko nang biglang tumumba ang pinto at nagulat ako nang nakitang ang babae na nakausap ko kanina! Yung sa eroplano!

City of ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon