Chapter 31

75 1 3
                                    

Jett POV

Natunganga ako nakita. Parang biglang tumigil ang mundo nang makita ang katawan ni Beatrix na nakahandusay sa sahig. Duguan. Lumapit ako dun. Lalapit sana ako kay Beatrix nang biglang humagulgol si Tasia. Lumapit siya sa'kin at hinablot ang baril ko. At binaril si Jess. Kitang kita ko ang nag aalab na galit sa mga mata niya. Humandusay din ang walang malay na katawan ni Jess. Tinignan ni Tasia ang Ate niya at doon ay nakita kong nawala lahat ng galit sa mata niya. Pumalit doon ay napaka raming luha. Tasia...


Lumapit siya sa kapatid niya at kinandong iyon sakanyang kamay. "Ate, wake up please," garalgal ang boses ni Tasia dahil sa pagiyak. Nakita kong nahihirapang dumilat si Beatrix at ngumiti kay Tasia.


"Tasia..." Nahihirapang sabi ni Beatrix. Lalo lamang napaiyak si Tasia at niyakap ng mahigpit ang Ate niya.


"Ate bakit mo ginawa yun?! Ako dapat ang mababaril eh! Ate... ako dapat! Bakit? Bakit mo ginawa yun..." Nanghihinang saad ni tasia. Nakita kong may pumatak na luha sa mata ni Beatrix.


Tinaas si Beatrix ang isang kamay niya at pinunasan ang luha ni Tasia. "Hi-hindi ako nagsisi sa ginawa ko Tasia. Kasalanan ko lahat ng 'to. Dapat lang sa'kin 'to." Nahihirapang sabi ni Bea at napahawak sa dibdib niya. Iniinda ang sakit.


"Ate, hindi... Pinapatawad na kita... please wag kang bibitaw. " Patuloy ang  dumadaloy ang luha ni Tasia. 


Ngumiti si Beatrix sa kanyang kapatid. "Masaya akong naka-survive ka dito, Tasia. Okay na, tapos na ang paghihirap mo. Nandito na kami ni Daddy. Patawarin mo ang Ate sa nagawa ko sayo. Sobrang nagsisi na ako." Pinunasan niya ang luha ni Tasia. Nakita kong pumikit siya sa sakit ngunit pinilit ibukas ang mata. " Aalagaan mo si Daddy ah? Alagaan mo ang sarili mo..."


"No, Ate! Wag mong sasabihin iyan! Hold on! " Pag kasabi ni Tasia nun ay may nakita akong dalawang lalaking tumatakbo papunta sa'min. Ang isa ay medyo matanda na at ang isa naman ay wari ko'y kaedad ko lang. Ito na siguro ang Daddy nila. May mga humahabol sakanilang zombies kaya kinuha ko ang baril na inatsa kanina ni Tasia sa sahig at tumakbo papunta doon, tinulungan ko silang pagbabarilin ang zombies. Nakita kong tinignan ako ng tatay ni Tasia ngunit inalis din ang tingin sa'kin. Patuloy dumadami ang zombies kaya nahihirap na kami. Nakita kong nais nilang pumunta sa lugar nila Tasia pero meron ng mga lalaking parang bodyguard at tumutulong sa pagbabaril habang pinuprotektahan ang magkapatid. 


Inatsa ko ang baril ko nang mawalan ng bala. Sa inis ko ay nabalibag ko yon. Ngunit nakita ko ang baril sa kamay ni Jess na nakahandusay ay kinuha ko iyon at lumapit sa pwesto nila Tasia nakita kong wala sa sarili si Tasia kaya hindi niya napapansin ang iilang mga zombies sa harapan nila. Pinagbabaril ko ang mga iyon pero patuloy sila sa pag dami. Shit!


"Hello! Ibaba niyo anh chopper ngayon din! Bilisan niyo!" Narinig kong sabi ni Daddy nila Tasia habang binabaril ang mga zombies. Patagal ng patagal ay dumadami sila!


"Tasia! Pumasok kayo sa loob ng Mansyon! Bilis!" Sigaw ko kay tasia habang nakatalikod sakanya pinagbabaril ko ang mga zombies na pilit pumupunta sa pwesto nila Tasia.


Mabilis kong sinulyapan ang likod ko at nakitang parang walang narinig si Tasia. Patuloy lamang siya sa pagiyak habang nakatingin sa Ate niyang walang malay. "Tasia!" Sigaw ko ulit. Ngunit wala pa rin.


Napatingin ako sa taas ng marinig ang ingay. Nakita kong may bumababang chopper. Paunti unti pero habang nasa taas sila ay may mga lalaking may dalang Riffle kaya habang nasa taas sila ay binabaril nila ang mga zombies sa itaas. Tumingin ako sa Dalawang lalaki at nakitang napaka daming zombies ang parating ang tumatakbo dito! Shit! Hindi na namin kaya ito!


Nakita kong tuluyan nang nakababa ang chopper kaya bago pa makapunta ang napaka daming zombies ay pinuntahan ko na si Tasia.


"Tasia!" Tumingin siya sa'kin at nakita ang pugto niyang mata na patuloy pa rin sa pag iyak. "Tara na! Sumakay na kayo sa chopper!" 


"Si Ate..." Binuhat ko ang katawan ni Beatrix na walang malay. Nararamdaman ko pa ang paghinga niya kaya buhay pa siya. Dali ko siyang sinakay sa chopper at tinulungan naman ako ng mga lalaki doon.


Bumaling ako kay Tasia nang akma niya sanang lalapitang ang Tatay niya ngunit hinablot ko ang kamay niya at hinili siya papunta sa chopper. "Sandali! Si Dad, Jett!" Hinawakan ko ang baywang niya at inangat siya para makapasok sa chopper. Pilit siyang bumaba pero hinahawakan siya nang lalaki sa loob ng chopper. Nakita kong pinasok nila siya sa mga upuan kasama ang Ate nito 


Tinignan ko ang dalawang lalaki na nakikipag laban sa mga zombies. "Sir! Tara na po!"  Sigaw ko. Tumingin ang dalawa sa'kin at tumakbong papunta sa'kin. Tumakbo din papunta dito ang mga zombies ngunit pinagbabaril sila ng mga naka riffle.


Tumingin ang matanda sa'kin. "Nasaan sila Beatrix?" Sigaw niya dahil napaka ingay na dahil sa putok ng baril. "Nasa loob na ho ng chopper." Tumango sila. Nakita kong nakatingin sa'kin ang isang lalaki. Hindi kaya si Renz ito na fiance ni Tasia? 


Umakyat na ang tatay ni Tasia sa chopper at mukhang nahihirapan dahil may mga sugat siyang natamo sa paa. Tinulungan ko siyang umakyat kaya nakaakyat din siya. Nagpasalamat siya at pinuntahan na ang dalawa niyang anak. Nakita ko ang gulat sa mata niya nang makita si Beatrix na walang malay. 


"Umakyat ka na." Dinig kong sabi ng lalaki. Tinignan ko siya ang umiling.

"Mauna ka na muna." Tumango siya at umakyat. Nang aakyat na sana ako at nakapasok na ang katawan ko sa chopper ay hinakawan ng isang zombies ang paa ko. Naramdaman kong unti unting tumataas na ang chopper. Kaya inalog ko ang paa ko at nahulog na sa baba ang zombies. Tuluyan na akong pumasok sa loob. Tinignan ko ang zombies sa baba namin. Napaka rami nila. Tuluyan nang mataas ang lipad nang chopper. Nasa harapan ako kaya tumingin ako sa likod at nakita si Tasia at ang lalaki na magkayakap umiiyak si Tasia kaya pinapatahan siya. Tama nga ako. Si Renz iyon. Ang fiance niya. Nakita kong nakatingin sa'kin ang Daddy ni Tasia habang hawak sa bisig niya beatrix. Binalik ko ang tingin ko kila Renz at Tasia na magkayakap. Shit, ang sakit na makita siyang may kayakap na iba.


Ibinalik ko na ang tingin sa harap. Tumingin ako sa salamin ng chopper at tumingin sa baba. 


Tapos na. Tapos na ang paghihirap namin si Tasia...


• enjoy •

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

City of ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon