Chapter 12

47 1 0
                                    


Chapter 12

Mataas ang araw ngayon pero nanatili lamang ako sa aking kwarto. Satotoo lang ay nagugutom na ako pero ayoko munang makasabay si Jett. Hindi ko rin alam pero ayoko muna siyang makasabay. Ayokong lumalim yung nararamdaman ko dahil pareho lang kaming masasaktan.

Naghihintay sa kanya ang babaeng mahal niya kaya pilit siyang lumalaban. Sapat na pruweba kung gaano niya kamahal ang babaeng iyon. Wala, wala akong laban. Parang itinutusok ang puso ko sa nararamdaman ko, yung puso ko na sinisigaw pero ayokong pakinggan. Hindi. Hindi pwede.

Masasaktan lang ako, dahil baka ako lang ang nakakaramdam nito. Jett seems so normal. I guess ako lang talaga nakakaramdam nito kaya habang maaga pa kailangan ng buhusan ng tubig ang apoy bago pa ito lumaki ng lumaki at mahirap ng apulahin.

Tinignan ko ang aking sarili sa salamin. Putlang putla ang mukha ko dahil hindi nasisilawan ng araw. Yung labi kong tuyo't pero nangingibabaw pa rin ang pagkapula. Nakakamiss pala talaga yung pag aayos ko sa sarili ko. Passion ko ang Make up at Styling pero walang kwenta iyon para kila Daddy. Hindi nila ako sinuportahan dahil sabi ni Daddy ay ako ang heiress ng company.

Sa totoo lang wala namang akong pakielam sa company na yun eh. Ipanaubaya ko na kay ate iyon, pero mapilit si Daddy.

Tinuloy ko pa rin ang gusto ko, sa mga kaibigan ko sila ang inaayusan ko. Mahilig silang sumali sa pageant nun kaya ako ang nag aayos sakanila. Pinipilit nila akong bayaran daw nila ako pero hindi ako pumayag nun kasi ginagawa ko iyon bilang kaibigan nila. Sabay sabay pa silang tatlo nun ng makuha sila para sa isang international competition. Sabay nila akong niyakap at nagpasalamat.

Nagtubig ang mata ko sa naalala ko. Miss ko na silang tatlo, sila ang naging sandalan ko noong iniwan ako ni Renzo. Sila yung sumugod kay Ate nun nang pagbintangan niya akong inagaw ko ang boyfriend niya. Sila ang naging partner in crime ko.

Tuluyang nang nanlabo ang paningin ko habang nasa harap ng salamin. City of Zombies. Kailan ba ako makaka-alis sa impyernong lugar na ito? Ayoko na. Nanikip ang dibdib ko kaya napahawak ako dito. Too much emotions. Pinunasan ko ang luha ko at nakitang naka bukas ang pintuan at nakita si Jett do'n na nakatingin lang sa'kin. Kanina pa ba siya dyan?

Dahan dahan kong pinunasan ang luha ko at ngumiti ng tipid sa kanya. Ngiting hindi ko alam kung totoo.

"Kanina ka pa ba dyan, Jett?" Inayos ko ang sarili ko at pumunta na sa pintuan para lumabas na.

"Medyo. Kumain na tayo." Tinignan niya ako nang mapanuri at Jet black na mata niya. Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya. Iniwas ko ang tingin ko sa mata niya at nauna na sa kanya. Dammit! Yung mata niya... Ayokong tinitignan iyon... Parang may sinasabi sa akin iyon ngunit hindi ko mawari kung ano.

Nakita ko sa lamesa ang pagkain. Processed foods lang ang lagi naming kinakain dahil iyon lang ang safe na kainin dito. Araw-araw na ganito ang pagkain. 'Di naman ako maarte sa pagkain pero namimiss ko na yung luto ni manang sa condo ko.

Nakaupo na si Jett sa harapan ko at kanina pa ako tinititigan. Pilit kong iniwas ang tingin sa kanya at inabala ang sarili sa pagkain.

"Pumunta ka mamaya sa kwarto ko, may papakita ako sa iyo. Tumango nalang ako. Siguro'y may nakita nanaman siyang makakatulong sa plano namin.

"Tasia?"

"Hmm?"

"Paano pag naka alis tayo dito? Kapag nagtagumpay tayo sa plano natin. Anong mangyayari sa'tin sa labas ng lugar na ito?" Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko ipinahalata iyon.

Ano nga bang mangyayari sa amin kung sakaling maka alis nga kami rito? Makaka alis kaya kami? Kung maka alis nga kami... anong mangyayari sa'min? Tinutusok nanaman ako sa puso nang maisip na babalikan na niya ang taong mahal niya at hindi na kami magkikita. For sure, my heart will be shattered in pieces. Hindi ko din alam pero ganito ba talaga ang Infatuation o iba na ito?

Ngumiti ako sakanya. "Magiging magkaibigan pa rin tayo Jett. Yung babaeng mahal mo hindi ba hinihintay ka niya? Sobrang magiging masaya ako kapag nakita ko na kayong magkasama." I faked my smile to him. Ayokong makita niyang nasasaktan ako. Nag-iwas siya ng tingin sa'kin. 'Di ko alam kung imahinasyon ko lang pero nakakita ako ng pain sa mga mata niya nang sinabi ko iyon. Bakit Jett?

"About your sister, sigurado ka bang siya ang nagpadala saiyo dito?"

• JET POV •

Nang tinanong ko iyon kay Tasia ay walang mabasa sa mata niya. Magkapatid sila ni Tasia at alam ni Beatrix na may zombies dito kaya sigurado akong sinadya ni Trix iyon. Dati, puro pagmamahal ang nararamdaman ko kay Beatrix, pero ngayon hindi ko alam.

Ang makitang si Tasia na nahihirapan ngayon ay sobrang nakakabiyak ng puso ko. Ang nakita kong umiiyak siya kanina sa harap ng salamin ay sobrang sakit sa akin. Alam kong gusto na niyang umalis dito. Kung kaya ko lang inalis ko na siya sa lugar na ito. Pero naisip ko, anong mangyayari sa amin kapag nakalabas kami sa lugar na ito? Maghihiwalay na ba kami ng landas? Babalikan na ba niya ang fiance niya? Dinudurog ang puso ko kapag naiisip ko iyon.

Pero mas lalong nadurog ang puso ko nang sabihin niyang mas magiging masaya siya kapag nakita niya kami ni Beatrix na magkasama at magiging magkaibigan nalang kami.

Shit Tasia, ayokong hanggang kaibigan lang tayo. I want us to be... be a lovers.

• enjoy •
Share your thoughts on the reply box, i'd love to hear it!

City of ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon