Chapter 17

38 2 0
                                    

Chapter 17


"Darn. Pinag alala mo ako."

Napahalakhak nalang ako sa sinabi ni Jett. Satotoo lang ang sarap pakinggan ng sinabi ni Jett. Nag aalala siya. Parang tumatambol ang puso ko sa kilig.

"Bakit ka tumatawa?" Sabi niya at naka ngiti din sa'kin.

"Yung mukha mo kasi. Para kang natatae kaninang pagkapasok mo!" Sabi ko at lalong natawa.

"Tumingin ka kaya sa salamin ngayon? Tignan natin kung hindi ka din matawa sa sarili mo." Sabi niya at mas lumawak ang ngiti. Huh? Anong meron sa mukha ko? Napawi ang ngiti ko at tumakbo papuntang banyo. Naramdaman kong sumunod si Jett sa'kin.

Dugo. Puro dugo yung mukha ko lalo na sa ilong. Kaya pala kanina ko pa naamoy yung dugo!

"URGHHHHHH JETTTTTT!" Narinig ko ang napaka lakas na tawa niya galing sa labas. Dali dali akong naghilamos at lumabas na. Nakita ko si Jett na umiinom ng tubig at nakangiti pa din.

"Ganda mo pa rin." Ughhh pwede ba Jett?

"I know right." Sabi ko at ngumiti sa kanya nang mapang akit. Bigla naman siya nabulunan sa iniinom niya at nag iwas ng tingin. Ako naman ngayon ang napatawa ng malakas.

"Pulang pula ang mukha mo, Jett!" Sabi ko at malakas na tumatawa.

"Huh? Ano, mainit kasi no? Parang umiinit na yata ngayon." Sabi niya at binuksan ang bintana pero pagkabukas niya ay sumalubong ang mukha ng zombie. Napatawa ako nang malakas nang magulat siya. Sinarado niya agad iyon.

"Talaga ba Jett? Bakit parang hindi naman? Kanina pa nga ako nilalamig eh." Sabi ko at nakangiti ng magiliw sakanya.

"Ah, ah, ge. Ligo lang ako Tasia. Maligo ka na rin. Baho mo!" Sabi niya at tumakbo na sa kwarto niya.

"Hoy! Hindi ako mabaho no!" Sigaw ko sakanya sa taas. Narinig ko ang malakas na halakhak niya sa taas. Napatingin ako sa salamin at nakitang napakalaki ng ngiti ko. Parang ngayon nalang yata ako ngumiti ng totoo dito. Hay, Jett.

Bakit kapag nandyan ka lagi mo 'kong napapangiti?

Napangiti nalang ako ulit at napa iling iling. Wala na, malala na 'ko.

Nakaupo ako ngayon sa kwarto ko katapos kong maligo at mag ayos. Nakatingin ulit ako sa album. Hanggang ngayon ay isa pa ring malaking katanungan sa akin kung paano ito napunta dito.

Teka, posible kayang dito nakatira sila Daddy dati? Pero paano? Posible, pero walang naman akong naalalang binanggit ni Daddy.

Binuksan ko ang album at nakita ulit ang mukha ng babae. Wari ko'y nasa middle 20's na ito. Maganda at maganda ang pangangatawan.

Pinakatitigan ko iyon at kamukha siya ni Beatrix. Posible kayang ito ang mama namin? Pero, kahit saang anggulong tignan ay wala akong makitang pagkakapareho namin. Posible kayang kay Daddy lang talaga ako nakamana ng mukha? Dahil dati pa lamang ay sinasabi na nila na kamukha ko daw ay si Daddy. Umo-oo nalang ako dahil hindi ko naman alam ang mukha ng Mommy ko.

Pero, siya ba 'to? Siya ba ang mama namin? Bakit gano'n? Wala akong maramdamang kahit ano. Walang lukso ng dugo. Sigurado ako. Hindi siya ang Mommy ko. Pero bakit kamukha niya si Ate?

May naramdaman akong umupo sa tabi ko. Napatingin ako at nakita si Jett. Napalalim yata ang iniisip ko at hindi ko namalayan na pumasok si Jett. Gaya ko ay bagong ligo din siya. Medyo basa pa ang buhok at amoy na amoy ko ang katawan niya.

"Ano 'yan?" Tanong niya at tinignan ang album na hawak ko.

"Album. Nakita ko 'to sa kwarto mo habang naglilinis ako. At Jett. Itong mga taong ito" turo ko kila Daddy at Ate sa litrato. "Si Daddy to at Ate Beatrix, paano napunta ang album nila dito?" Tinignan niya ako nang nagtataka at kinuha ang album. Sinusuri niya ang mga litrato.

"Wait. Hindi ba si Ate Mildred ito?"

• enjoy •


Share your thoughts!


City of ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon