Chapter 10
Naalimpungatan ako nang may narinig na kung ano sa labas. Nilibot ko ang mata ko paligid at nakitang wala na si Jett dito. Tulog na kaya siya? Ano yung maingay sa labas. Kinutuban ako kaya inayos ko ang damit ko at kinuha ang baril ko. Pumunta ako sa kwarto ni Jett at nakitang tulog na siya. Hindi niya ba naririnig?
Niyugyug ko nang bahagya ang balikat niya.
"Jetttt" mahinang bulong ko sakanya
"Hmmmm?" Namumungay pa niyang sabi.
"Hindi mo ba naririnig? May maingay sa baba." Tumayo siya at pumunta sa bintana sumunod naman ako sakanya at paunti unti niyang binubuksan iyon para walang makarinig. Nakita namin ang mga zombies na pinagtutulak ang gate. Bakit nila tinutulak iyon? May nakita kaya sila?
"Shit! Napatay mo ba ang kandila sa baba?!" Napasigaw si Jett kaya narinig siya ng mga zombies at tumingin sa taas. Lagot! Ngumangawa ngawa sila at lalong kinalabog ang gate namin. Oh no!
"Ayan! Bunganga mo kasi!" Asik ko sakanya.
"Maghanda ka, magttraining ulit tayo." Sabi niya at mukhang natutuwa pa. What the?!
"Ughhh, inaantok ako!" Umupo ako sa kama niya at unti unting humiga. Hindi ko alam anong nangyari pero nakatulog agad ako.
Pagkagising ko ay maliwanag na. Naalala ko ang nangyari kagabi. Anong nangyari? Shit! Ba't ba kasi nakatulog ako? Nilibot ko ang mata ko sa silid ni Jett pero 'di ko siya makita! Nasaan yun? Siya lang magisang nakipag laban sa mga zombies kahapon! Hindi kaya? Umiling ako. Hindi! Hindi!
Tumatakbo akong lumabas at tinignan lahat ng kwarto sa taas pero wala siya! Bumaba ako at tinignan ang banyo at kusina pero wala talaga si Jett. Nanlamig ako. Nasaan siya? Hindi pwede yung iniisip ko di ba? Hindi pwede yun! Sanay siyang makipag laban sa zombies kaya hinding hindi mangyayari ang iniisip ko!
Kumuha ako nang baril at madaming bala at walang atubiling lumabas ng bahay.
Wala na akong pake sa mga zombies, kailangan kong mahanap si Jett! Lumabas ako at pinagsisipa ang mga zombies na lumalapit sa'kin. Palayo ako nang palayo ay padami sila nang padami! Pero wala akong pake! Kailangan kong mahanap si Jett!
Bumubuhos na ang luha ko pero patuloy pa rin ako sa pagbaril, sipa, at pagbali sa buto ng mga zombies. Punong puno na ng dugo ang damit ko.
Ang layo na nang nalakad ko pero wala akong makitang bakas ni Jett. Patuloy pa rin ako sa pag iyak. Napasandal ako sa puno. At lalong napahagulgol.
"Jett, nasaan ka?" Patuloy ko lang binubulong ang pangalan ni Jett. Wala na ako sa katinuan!
Sumandal ako sa puno at nilagay ang kamay sa tuhod ko at niyuko ang ulo ko doon.
Si jett, nasaan siya? Hindi siya naging zombie sa nangyari kagabi 'di ba? Hindi! Magaling siya! Kayang kaya niya iyon. Pero naalala kong madaming zombies yung nasa labas ng bahay namin kagabi.
Kahit magaling si Jett hindi niya kaya yung ganong kadami...
Patuloy lang ako sa pag iyak at wala nang pakielam sa paligid. Ano nang gagawin ko kapag wala na si Jett? Hindi ko kaya iyon! Baka magpakagat nalang din ak-
Natigilan ako nang may pumutok na baril at bumulagta sa harapan ko ang zombie. Hinanap ko agad kung saan nagmula ang baril at nakita ko iyon sa harapan ko. Lalo akong napahagulgol sa nakita ko.
Halos wala na akong makita sa sobrang daming luha sa mata ko at siguradong pugtong pugto na ang mata ko.
Lumapit siya sa'kin at niyakap ako nang mahigpit. Lalo akong napaiyak sa ginawa niya.
"Tahan na"
"Jett" At niyakap siya nang mahigpit, akala ko hindi ko na siya makikita ulit...
•enjoy•
BINABASA MO ANG
City of Zombies
Mystery / ThrillerIn a city full of zombies, will Anastasia survive?