Chapter 15

39 2 0
                                    

Chapter 15

• JET POV •

Tinititigan ko lang ngayon si Tasia na nakahiga sa sofa. Nakatulog siya kanina dito kanina habang naguusap kami. Kumuha ako ng kumot sa taas at ibinalot iyon sakanya malamig nanaman kasi dito.

I stared at her. Hindi ko alam pero gusto kong imemorize sa ulo ko ang buong mukha niya. Nagalala lang ako na baka kapag naka alis kami dito ay hindi na kami magkita muli. Satotoo lang, hindi ko din sigurado kung paano ko siya ilalabas dito. Pero isa lang ang sigurado, hinding hindi ko siya hahayaan na magaya sa'kin na umabot pa ng taon dito.

Kita din sa mga mata niya kanina ang kasabikan na umalis dito sa lugar na ito. Ilang beses ko na siyang nakitang umiyak. Kaya ayokong magtagal pa siya dito.

"Renzo... Please bumalik ka na..." Mahinang bulong ni Tasia habang natutulog siya pero rinig na rinig ko iyon. Parang sinasaksak nanaman ang puso ko sa sakit. Ang bakla nito pero ngayon ko lang din naramdaman ito. Hindi ko ito naramdaman kay beatrix. Kay Tasia lang.

Renzo. Renzo pala ang pangalan niya. Tawagin niyo na akong masama at selfish pero dapat ko siguro siyang pasalamatan dahil iniwan niya si Tasia. This may sound selfish but ayokong makita sa ibang lalaki si Tasia.

Pero kung si Tasia mahal niya pa si Renzo hahayaan ko siya don. Basta masaya siya okay na ako don. Wag ko lang siyang makitang umiiyak. Dobleng sakit ang balik nun sa'kin.

Nang araw na iyon napagdesisyunan kong bumalik sa pinakaharap ng lugar na ito at hanapin muli ang labas. Umaasa akong sana ngayon makita ko na iyon.

Pero si tasia, baka lumabas nanaman siya.

• TASIA POV •

Nakita ngayon sa harapan ko si Renzo. Nakangiti at napaka saya ang mukha. Sobrang miss ko na ang mukha niya na masaya. Ngumiti din ako at lumapit sakanya. Niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit pero habang nagtatagal ay nawawala siya.

"Renzo... Renzo..." I missed you. Please bumalik ka na.

"Tasia..." Boses ni Jett. Napamulat ako nang mata ng narinig ang boses niya. Bumungad sa akin ang nakangiti niyang mukha. Nanaginip nanaman ba ako?

"Aalis lang ako. Please, hintayin mo lang ako dito. Wag kang magalala dahil babalik ako agad agad." Sabi niya at inupo ako. Aalis siya? Saan siya pupunta?

"huh? Sama nalang ako please." Ayokong maiwan mag isa dito.

"No. Hindi pwede, dito ka lang. Please wag nang makulit Tasia." Sabi niya at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay niya.

"Ang gulo pa ng buhok mo." Sabi niya at tumawa. Napalabi nalang ako.

"Aalis na ako." Sabi niya at tumayo na. Pero tumingin lang ako sakanya at umaasang isasama niya ako. Baka mapaano siya sa labas. Paano kung makagat na talaga siya at iwan na niya akong magisa dito?

Bumuntong hininga siya at lumapit ulit sa'kin.

"Babalik din ako agad. Wag ka nang magalala." Sabi niya at hinalikan ang ulo ko. Pagkasabi niya non ay umalis na siya pero nang nasa pintuan na siya ay nginitian muna niya ako. Saan ba kasi siya pupunta? Ano nang gagawin ko dito?

Tumayo nalang ako at pumuntang banyo para maghilamos at magtooth brush. Nakita ko ang sarili ko sa salamin na namumula. Bakit ako namumula? Naalala kong hinalikan niya ang ulo ko kanina. Dahil ba don? Ngayon ko nalang nakita muli yung sarili kong namumuli ulit. Napangiti nalang ako.

Napaka swerte ko na kahit napunta ako sa lugar na ito ay may nakilala akong Jett. Hinding hindi ko pagsisihan na nakilala ko siya. Kahit na dito kami nagkakilala.

Pwede ba talagang umusbong ang pag ibig sa ganitong klaseng lugar? Mali eh. Maling lugar. Maling oras. Maling pagkakataon.

Pero bakit ko nga ba ito iniisip? Baka ako lang ang nakakaramdam nito. Hindi ko dapat iniisip to. Ang dapat iniisip ko ay kung paano kami makakalabas dito.

At si Renzo. Napaniginipan ko siya. Anong ibig sabihin nun? Nung niyakap ko na siya at unti unti siyang nawawala.

Bumaba na ako at pumunta sa kusina kung may makakain ba. Nakita kong nakahanda na doon ang pagkain siguro ay hinanda muna ni Jett bago siya kumain.

Saan kaya talaga pumunta si Jett? Sana talaga kasi sinama nalang niya ako. Nakakainip dito. Matamlay lang akong kumakain.

Kamusta na kaya sila Daddy? Gumagawa na iyon ng paraan. Sigurado. Lalo't na ay tinawagan ko siya. Tama! Baka ipatrace niya ang lugar ko! Bakit ngayon ko lang naisip yon? May pag asa pa kami...

Nang tapos na ako ay naligo nalang ako. Nasa harap ako ngayon ng malaking salamin tinitignan ang sarili ko. Pansin kong pumapayat yata ako. Medyo maluwag kasi sa'kin itong fitted na black sando ko ngayon. Pinagsawalang bahala ko na lamang iyon at nagjacket na. Malamig kasi.

Naisipan kong maglinis nalang sa kwarto ko at kwarto ni Jett. May nakita akong vacuum dito pero dahil wala ngang kuryente ay naghanap nalang ako ng walis.

Inuna ko na ang kwarto ni Jett at nakitang napaka alikabok na nun. Sinisilip silip ko ang drawer na nakita ko pero puro papel lamang iyon.

Nakita ko ang side table sa kama niya at binuksan ko iyon at nakita ang isang album na maalikabok. Umupo ako sa kama at binitawan ang walis. Kumuha ako ng mapunas at pinunasan ang photo album. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Siguro ay photo album ito ng mga dating nakatira dito.

Binuksan ko ito at nakita ang isang litrato ng isang babae. Wari ko ay nasa middle 30's na siya. Maganda at napaka classy kung tignan. Nilipat ko ulit ito at halos mabitawan sa nakita ko.

Si Daddy... Tsaka si Ate... Bakit nandito ang litrato nila?

• enjoy •

City of ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon