Chapter 25

31 2 0
                                    

Chapter 25

"Anong sikreto?" Matapang ko sabi sakanya. Ngumisi siya.

"At bakit ko naman sasabihin? Pagkatapos mo 'kong itali dito sasabihin ko? Ano ka sinuswerte?" Nagtagis ang bagang ko sa sinabi niya. Tumingin siya kay Jett.

"Ibang klase ka Jett, ipapalit mo nalang si Beatrix sa kapatid pa niya." Nakangisi niyang sabi pero kita ko sa mga mata niya ang sakit. Hindi niya ako pinagpalit kay Ate dahil hanggang ngayon pakiramdam ko ay si Ate pa rin ang gusto ni Jett.

"Jess pwede ba?! Walang gusto si Jett sa'kin! Wag mo ding idamay si Ate dito!" Sigaw ko sakanya. Humalakhak siya.

"Why are you so numb Tasia? At bakit naman hindi ko idadamay ang ahas mong ate?" Tumalim ang titig niya sa'kin. Nagalab ang galit ko sinampal siya nang malakas. Napahawak siya sa pisngi niya at ngumisi ulit.

"What?! Wag mong tatawagin na ahas ang ate ko!" Galit na galit ang tingin ko sakanya. Hinawakan ni Jett ang balikat ko pero hinawi ko yon. Sobra na ang sinasabi mg babaeng to. Oo, galit ako sa Ate ko, pero kahit papaano kapatid ko pa rin siya. Ako lang ang pwedeng umaway sakanya.

"Hindi ka pa rin pala nagbabago, Tasia. Hanggang ngayon, ikaw ang ang lumalaban para sa Ate mo." Sabi niya. Kumunot ang noo ko.

"Anong sinasabi mo?"

"'Di mo na talaga ako naalala. Ako to. Yung kaibigan ng Ate mo noon. Yung sinampal mo at sinabihan mo kung totoo ba ako sa Ate mo." Ngumisi siya sa'kin. Siya pala yon. The plastic bitch. Napakaliit talaga ng mundo.

"Pero hindi mo ba alam? We're bestfriend Tasia. Until pinakilala ko sakanya ang bestfriend ko. Si Jett." Tumingin siya kay Jett pero iniwas si Jett ang tingin niya.

"Alam ni Beatrix na may gusto ako kay Jett. Pero anong ginawa niya? Pinatulan niya pa rin. Pero alam mo ba ang mas masakit? Ako ang naging tulay nilang dalawa. Ako ang tumulong sakanila na maging sila. Pero si Beatrix, siya kaibigan ko pero hindi niya man lang naramdaman na nasasaktan na ako. O siguro, alam niya pero hindi niya pinapansin dahil wala siyang pakielam sa'kin." Tumulo ang butil ng luha sakanyang mata.

"So, I decided to revenge. Sinabi ko sakanila na pumunta kami sa lugar na ito. Ang lugar na kinalakihan ko. " Tumawa siya. Tumingin sa'kin ng matalim.

"Mahal na mahal ko ang lugar na ito. Pero anong ginawa ng Daddy mo?! Napaka sama niya! Namatay ang mga magulang ko nang dahil sakanya! Kaya ikaw! Dapat ka ring mamatay!" Pagkasabi niya non ay unti unting bumukas ang kwadra ng mga zombies. Tumawa ng napaka lakas si Jess. Shit! Shit!

"Mamatay tayong pare pareho dito!" Sigaw niya at tumawa ng malakas. Natulala ako. Nakita ko ang mga nagwawala na zombies. Konti nalang at tuluyan na silang makakalabas. Rinig na rinig ko ang malakas na ngawa nila. Naramdaman kong hinawakan ni Jett ang kamay ko at hinila.

"Run!"

City of ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon