Chapter 30

39 2 1
                                    



"JET!" Tinawag ko pa ng ilang beses si Jett ngunit hindi siya sumasagot. Pupuntahan ko na lamang siya sa kabilang kwarto. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay at lumabas na.

Kumatok muna ako sa pintuan bago iyon buksan. Nakita kong nakahiga si Jett ngunit hindi ako sigurado kung natutulog siya dahil nakatalikod ito sa'kin. Pumunta ako kung saan siya nakaharap at umupo doon. Tulog nga siya. Puyat nanaman siguro 'to.

Mukha siyang anghel. Paano napunta ang isang gwapong anghel dito sa impyernong lugar na ito?

Naalala ko yung pakay ko talaga sakanya. Dang, oo nga pala. Nawawala nanaman ako sa sarili ko. Kaya ayaw kong tumititig sakanya eh. Yung helicopter! Baka mawala na!

"Jett." Mahinang kong sabi sakanya habang sinusundot ang pisngi niya.

"Huyyyy" Patuloy ko pa ring sinusundot ang pisngi niya pero ayaw talaga niyang magising. Hayy. Ano ba tong lalaking 'to? Tulog mantika. Tumayo muna ako at tumingin sa bintana. Nakita kong wala na yung helicopter. Siguro ay dumaan lang talaga dito iyon. Umasa pa naman ako na sila Daddy iyon.

Nagbalik nalang ako ulit sa kinauupuan ko kanina at tinignan ulit si Jett.

"Bakit kaya si Ate pa ang minahal mo? Pwede namang... ako."

"Ang swerte ni Ate. Pero ang malas mo sakanya." Napangiti nalang ako sa sinabi ko. Totoong ngiti. Bakit parang pakiramdam ko unti unting bumabalik ang sigla ko?

Kung nakakamatay lang siguro ang pagtitig sa tao ay malamang kanina pa pinaglalamayan si Jett. Siguro ay dalawang minuto ko na siyang tinititigan. Ang sarap lang niyang panuorin kapag natutulog.

"Jett..." I whispered. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon pero pagkasabi ko nun ay biglang bumukas ang mata ni Jett. Nabigla ako kaya agad kong nilayo ang mukha ko sa mukha niya dahil ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Tinignan niya lang ako sa mata. Para bang may sinusuri siya sa mga mata ko.

"Uhh, Jett, a-ano buti gising k-ka na kanina pa kita ginigising eh." Hilaw akong ngumiti sakanya. Nagkakanda bulol na 'ko. Siguro naman wala siyang narinig 'di ba?

Bumangon siya at umupo. Sinandal niya ang ulo niya sa head board ng kama at seryosong nakatingin sa'kin. Anong problema nito? Bakit nakatitig siya nang ganyan?

"B-bakit?" Mahina kong sabi.

"Is that true?" Shit!

"Wha-what?" Nagkakada untal kong sabi. Narinig niya?! Lagot ako neto!

"Ang sabi mo ay bakit ang ate mo pa pwede namang ikaw..." Tumingin siya nang diretso sa mata ko.

"A-an-"

"ANASTASIAAA!" Nabigla ako nang may sumisigaw sa labas. Shit! Sino iyon? Tinatawag ako?! Yun kaya yung mga nasa helicopter?! Familiar ang boses niya! Napatingin ako kay Jett at nakitang tumayo siya at may kinuha sa side table niya. Dalawang baril iyon. Binigay niya sa'kin ang isa. Tumingin siya sa mata ko. Alam ko na ang nais niyang sabihin.

Pero bago iyon ay hinila niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa dibdib niya. Naramdaman ko ang hininga niya sa tainga ko. Oh my, what is he doing?

"Sana nga ikaw nalang..." Mahina niyang bulong at pinakawalan na 'ko. Nginitian niya ako. Sa ngiti niyang iyon parang nawala lahat ng lungkot na nararamdaman ko kanina. Nawala yung bigat ng pakiramdam ko.

Hinila niya ulit ako palabas ng kwarto niya at hawak ang kamay kong bumaba kami sa hagdan. Nang makababa kami ay hinarap niya ulit ako.

City of ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon