Mildred
Chapter 3
Nakaupo kaming dalawa ni Ate sa sofa at yung lalaki naman inaayos yung pinto.
"Ate ano po pangalan mo?" Tanong ko. Hindi ko kasi natanong kanina.
"Mildred. Pasensya ka na hindi ko sinabi kanina yung tungkol sa lugar na ito ah? Sobrang natakot kasi ako pero hindi rin kinaya ng konsensiya ko kaya sinundan kita dito. Pasensya na talaga..." Sabay tingin niya sakin.
"Anastasia po. Tasia nalang. Ayos na po yun pero sana po sinabi niyo agad kanina para hindi na po tayo napunta dito."
Pinaakyat nung lalaki si nanay Mildred para doon magpahinga dahil mukhang takot na takot ito.
"Mag pahinga ka na rin."
"Mamaya na, hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyayari sa'kin ngayon. Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong ko.
"Jet." Aniya
"Salamat jet sa pagligtas sa akin kanina. Pwede bang magtanong? Buti kinaya mong mabuhay dito nang mahigit dalawang taon?"
"Pinipilit kong mabuhay para sa babaeng mahal ko. Kailangan kong manatiling buhay kasi naghihintay siya sa'kin."
"Oh. Nasaan ba siya ngayon?"
• JET POV •
"Oh. Nasaan ba siya ngayon?" Tanong ni Anastasia. Kapangalan niya yung kapatid ni Beatrix. Nakwento sa akin nun ni Trix na may kapatid siyang babae na sobrang kinaiinisan niya kasi na sakanya daw lahat ng atensyon ng Daddy niya. Simula nung namatay ang Mommy nila, hindi na siya gaanong pinapansin ng Daddy niya. Kamusta ka na kaya Trix?
"Napunta din siya dati noon dito. Kaming dalawa, magkaibigan kami at kailangan naming pumunta dito sa Pripyat dahil ang sinabi nila ay Abandoned city ito. Mahilig kami nun sa mga adventure, kaya napunta kami dito. Takot na takot siya nun. Gustong gusto na niyang umalis, hanggang isang araw may dumating na Helicopter. Sobrang tuwa namin noon. Kaso paakyat kami ng bigla may humawak na zombie sa kamay niya. Madaming zombie pumunta sa malapit sa amin kaya dali dali kong pinaakyat na siya at walang nagawa kung hindi magpaiwan nalang dahil nagmamadali ang tao sa chopper."
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Agad kong pinanusan ang luha ko at umiwas ng tingin kay Tasia. Nakakahiya na umiyak pa ako sa harapan niya."Magpapahinga na ako. Pag may kailangan ka puntahan mo lang ako sa taas. Pahinga ka na rin."
Umakyat na ako sa kwarto ko. Pumunta ako sa tagong pintuan dito. Ginawa ko ito noon para kung may makapasok man na zombie dito at nandito din ang mga baril at pagkain. Noong bago pa lang ako dito meron isang covenient store walang katao tao, iilang mga zombies ang pakalat kalat kaya kailangan ko nang mga baril o kung ano mang panangga.
Ngayon na may kasama ako hindi ko alam kung matutuwa ba ako o nagkaroon ng pabigat. Hindi ko naman pwedeng iwanan yun si Tasia dahil hindi kaya ng konsensiya. Sa totoo lang nakikita ko sakanya si Beatrix, magkamukha sila. Kapangalan pa niya yung kapatid niya at sinabi niya na pinapunta siya dito ng Ate niya. Hindi kaya? Umiling iling ako sa iniisip ko baka dahil nagkataon lang.
"JETTTTTTTT!" Nagulat ako nang may sumigaw. Si tasia yon diba? Shit! Baka may nakapasok na zombies!
BINABASA MO ANG
City of Zombies
Mystery / ThrillerIn a city full of zombies, will Anastasia survive?