Chapter 14

40 2 0
                                    

Chapter 13

Nakaupo ako ngayon kami ni Jett at hinihintay siyang lumabas sa training room namin. Naisip ko iyong sinabi ni Jett kanina, si Ate, sinadya ba niya talaga na mapunta ako dito? Pero, ayokong mag isip ng ganyan ng walang kasiguruduhan. Hindi kayang gawin ni ate iyon.

Lumabas si Jett at laking gulat ko nang makita ko yung luggage ko nung pumunta ako dito! Shit! May kung ano sa akin na naexcite nandyan lahat ng gadgets ko! Magtatawagan ko na sila Daddy!

"Sayo ito 'di ba?" Dali dali akong lumapit sa kanya at niyakap siya

"Makakatulog sa atin to Jett" bumitaw ako sa kanya at dinala ang pink na luggage ko sa kama ni Jett. Binuksan ko iyon at nakita ang mga damit, gadgets, at mga skin care products ko.

Ipinakita ko kay Jett ang cellphone ko at ngumiti ng magiliw sa kanya. Finally! Sinuklian lang ako ng tipid na ngiti ni Jett, bakit parang hindi siya masaya?

Sinindi ko ang aking cellphone at nagpasalamat na hindi dead bat iyon. Walang kuryente dito kaya hindi ko iyon macha-charge. Nang sinindi ko iyon ay unti unting lumabas ang mga messages. Pero ang napansin ko ay ang hina lang ng signal rito. Halos manlumo ako sa mga nakita kong mensahe.

Daddy:

Tasia, where are you?

Tasia nag aalala na kami sayo. Please answer my calls

Tasia saan ka nagpunta? Bakit wala ka sa condo mo at wala din ang mga gamit mo?

Bakit may nagsabi na nakita ka daw nila sa airport? Anong nangyayari Tasia?

I miss you my baby please come back... Your daddy already miss you.

Iyon na ang huling mensahe ni Daddy and that was two days ago. Shit! Hindi ko maintindihan. Hindi ba siya ang nagpadala sa'kin dito? Bakit wala siyang alam kung nasaan ako? Si ate... Unti unting nag sink in sa akin ang lahat.

"Tasia, about your sister. Siya iyon. Ang babaeng mahal ko." Shit! Mas lalo akong nanlamig sa sinabi niya at napasandal sa headboard ng kama. Si ate ang mahal ni Jett? Bakit? Ganon na ba kaliit ang mundo?

Kung si Ate ang kasintahan nun ni Jett, hindi ba sinabi ni Jett na napunta rin siya dito? Shit... Ibig sabihin sinadya niyang mapunta ako dito! Walang alam si Daddy sa plano ni Ate. Unti unting umusbong ang galit ko. Nanginginig ang kamay ko.

"That... that bitch, plinano niya lahat to!" Bulong ko.

"Ate, Beatrix, bakit? Paano mo nagawa to sa sarili mong kapatid? Ano bang ginawa kong kasalanan bakit ganito na lang kalaki ang galit mo sa akin at nagawa mo akong papuntahin dito sa lugar na ito? All this time, inaalala kita, namimiss kita. Pero ikaw pala ang gumawa sa akin nito? Bakit?" Sabi ko sa sarili ko at unti unting tumulo ang luha ko. Nanlalabo nanaman ang paningin ko. Ang sakit sa dibdib na yung mahal mo sa buhay ang mismong gagawa sa iyo nitong ganitong bagay. Ang sakit sakit. Parang pinagpipiraso nanaman ang puso ko.

Naramdaman kong niyakap ako nang mahigpit ni Jett at hinayaan lamang ako umiyak. Umiyak lang ako sa dibdib niya hanggang maubos ang luha ko. Jett... Bakit ngayon mo lang sinabi ni si Ate pa lang girlfriend mo noon? Mas lalo lamang naging kumplikado ang lahat para sa atin.

Tumahan na ako at hinarap si Jett.
"Salamat Jett." Sabi ko sakanya. Hindi ko din alam kung ano ang ipinagpapasalamat ko sakanya pero gusto ko lang sabihin sakanyang
"Maraming maraming salamat, hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag wala ka. Baka nagkagat nalang ako sa mga zombies dyan sa labas." Biro ko at ngumiti na. Hindi kailangang magmukmok. Kailangan kong gawin ang lahat para maka alis dito at patunayan kay Ate na hinding hindi niya ako kayang patumbahin. Pasensiya siya pero dahil magkapatid nga kami, pareho kaming palaban.

Kinuha ko ang cellphone at tumingin pa ng mga mensahe lahat iyon ay galing sa mga kaibigan ko at mga relatives ko. Pero isa ang pumukaw ng atensyon ko. Ang mensahe ni Ate. Sa gilid ng mata ko ay nakita kong tinignan din iyon ni Jett.

Ate Beatrix:

My dearest sister, kamusta dyan sa Pripyat? Napaka gandang tanawin, right? Enjoy your self there sis."

Oh, hindi ka nagrereply, zombie ka na siguro. Finally.

May isa pa siyang huling voice message. Pinindot ko iyon at tumingin muna kay Jett.

Narinig ko ang boses ni Ate na mukhang lasing.

"Hello my sister. How are you? Alam ko naman na by this time na zombie ka na but who knows na isa kang napaka swerteng babae at pinalad ka. Pero isa lang ang sasabihin ko. You deserve to be there bitch! Inagaw mo ang lahat sa akin! Ang atensyon! Si Renzo! Okay lang naman sana na kuhanin mo na ang lahat e tasia, pero bakit kailangang pati si Renzo? Siya nalang ang natitira sa akin Tasia pero kinuha mo pa. Kaya bagay na bagay ka dyan! Ngayon akin na lahat ng sa- Naputol na ang linya do'n.

Napangisi ako sa narinig ko. My sister Beatrix, alam ko na ngayon. You're a big insecure bitch. At tama ka, ako na ang pinalad na babae at hanggang ngayon buhay pa rin ako. Maghanda ka Beatrix, babawiin ko lahat ng akin.

Napatingin ako kay Jett nang makitang nakatingin siya sa akin at nawirduhan siguro sa pag ngisi ko. Lalo lamang lumawak ang ngiti ko.

"I can't believe it, nagmahal ka ng ganitong klaseng babae Jett?" Sabi ko sakanya. Nagiwas siya ng tingin.

"Such a insecure. Hindi ko alam na may ganito palang galit sa akin si Ate. Dapat sinabi niya na lamang iyon at buong buo kong ibibigay sa kanya ang gusto niya."

"At si Renzo, hanggang ngayon mahal niya pa rin?" Sabi ko at napatingin kay Jett kung ano ang epekte sakanya ngunit blangkong emosyon lang ang nakita ko sa mata niya.

Hindi ka ba nasasaktan Jett?

• enjoy •

City of ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon