Chapter 21

35 2 0
                                    


"Tasia, bilisan mo na. Kanina ka pa dyan!" Sigaw ni Jett sa'kin sa labas. Lalabas kasi kami ngayon. Wala na kaming pagkain. At ang mainiping Jett na ito ay pinagmamadali na ako. Kanina pa daw ako, parang sampung minuto pa lang akong nagaayos.


"Nagmamadali? Gusto mo mauna ka na?!" Sigaw ko nang naiirita sakanya. Hindi ko na siya narinig nagsalita kaya nagpatuloy nalang ako sa gingawa ko. Kasalukuyan kong inaayos yung mga gamit ko sa luggage. Naghahanap ako ng plastik na paglalagyan ng mga pagkain mamaya. Ang sabi ni Jett ay medyo malalayo kami dahil wala ng laman ang dating pinuntahan naming convenience store. Mula kanina din ay may masama akong nararamdaman. Nakakapanibago dahil dati naman kapag lalabas kami ay parang normal na sa'kin.


Nang matapos ko nang ayusin ang mga gamit ko ay kumuha na ako ng damit ko at maliligo na. Ang kinuha ko ay black pants with black fitted sando. Sigurado ay mapupuno nanaman kami ng dugo kaya mabuting magblack na lang. 


JET POV


Nakaupo ako ngayon dito sa sofa hinihintay si Tasia. Yung babae na yun, napaka tagal. Naliligo pa lamang yata siya. Maliligo pa, mangangamoy dugo rin naman siya mamaya. Kanina ay hinanda ko na ang mga baril namin at bala. Balak ko ay maghahanap muna kami ng pagkain bago pumunta sa lawa. 


Napahiga na ako sa sofa dahil sa inip. Ba't ba ang tagal nun? Lagi siyang ganyan kapag lalabas kami. Akala mo pupunta ng date sa sobrang tagal. Hmm, naalala ko tuloy yung sinabi niya kanina. Mahilig daw silang magtravel ni Renzo. Satotoo lang ay wala akong hilig sa mga ganon. Tsaka yung date sa rooftop? Sus, kabaklaan!


Kung kami ang magddate ni Tasia ay baka dalhin ko siya sa isang garden namin. Maaliwalas dun at masarap ang simoy ng hangin. Namiss ko tuloy ang bahay namin. Lalo na yung garden. Mahilig kasi ako sa mga halaman. Bakla man pero anong gagawin ko? Yung ang hilig ko eh. Alangan naman pilitin ko yung sarili ko sa isanmg bagay na hindi ko naman gusto.


Naalala ko nun na ayoko naglalaro dun si Arianne. Yung kapatid kong babae. Kapag kasi dun siya naglalaro ay lagi siyang may nasisirang halaman kaya pinagbawalan ko na siyang pumusok doon. Ako din halos ang lahat na nagaasikaso dun. Simula sa mga bulaklak, ornamental plants. At yung mga iba pa. Kapag kasi ibang tao ang nagdidilig at humahawak sakanila ay namamatay sila.


Inaantok na ako sa katagalan ni Tasia, umidlip muna kaya ako? Lalo lamang akong napahikab.



Naalimpungatan ako nang maramdamang may tumititig sa'kin. Naamoy ko si Tasia kaya alam kong siya yun. Hindi ko muna minulat ang mga mata ko. Naramdaman kong tinutusoktusok niya nang bahagya ang pisngi ko.  Nagpatuloy lamang ako sa pagkukunwaring tulog.


"Jett... Uy..." Dinig kong sabi niya. 


"Tulog mantika ka talaga." Banayad niyang sabi at naramdamang mas lalong lumapit ang mukha niya sa'kin. Anong balak nito?


"Ang haba ng mga lashes mo, bakit kaya ganon? Kaming mga babae gustong gusto ng mahabang pilik mata pero kayong mga lalaki ang may mahabang lashes? Unfair." Natawa nalang ako sa  isip ko. Baliw talaga.


"Sana ay hindi nalang si Ate. Ang swerte swerte niya."

"May mabait pero masungit minsan, protective, loyal at gwapo pa na boyfriend. Napaka swerteng babae. Pero hindi niya deserve si Jett." Dinig kong sabi niya. Tama ka Tasia, ikaw ang deserve ko.

City of ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon