Chapter 22

35 2 0
                                    



Nasa harap ako ngayon ng falls dito sa lawa. Bakit kaya ngayon lang ako sinama ni Jett dito? Ang ganda ganda dito! Somehow, meron pa rin talaga langit sa imyernong ito. Balak ko sanang maligo sa falls kaso wala akong dalang damit kaya nakababad lang ang paa ko sa tubig. Sobrang linaw ng tubig dito na nakikita na ang sa baba nito. Yun nga lang, walang mga isda. O baka meron nagtatago lang? Takot din siguro silang makain ng zombies. Kahit sino naman siguro matatakot sa zombie eh. Hindi ko nga alam kung paano ako nakakasurvive sa bawat araw dito. Siguro dapat talaga akong magpasalamat kay Jett, kasi kung wala siya dito malamang isa na rin ako sa mga zombies dito.


Tumayo ako at pumunta sa falls hindi naman ganon kalaki itong lawa at hindi rin malalim ang tubig. 'Di bale na kung mabasa ang pants, susulitin ko na 'to. Inilapit ko ang kamay ko sa tubig na umaagos pababa. Sobrang lamig ng tubig. Patuloy lang ako sa ginagawa ko nang may gumalaw sa mga halaman sa gilid ng falls. Umalis ako don at kinuha ang baril ko. Bakit ang tagal naman ni Jett?


Patagal ng patagal ay lalong gumagalaw ang mga halaman. Nilapitan ko na ito ng dahan dahan. Nakatutok din ang baril ko sa gumagalaw na halaman na yon. Hahawiin ko na sana ang halaman ng may humila sa kamay ko at tinakpan ang bunganga ko gamit ang kamay niya. Sino 'to?! Nagpupumiglas ako nang biglang hinampas niya sa'kin ang baril na hawak niya. Nandidilim ang paningin ko pero nagawa ko pa ding sumigaw kahit nahihirapan.


"JETT.." 




Pagkamulat ko ng mata ko ay kadiliman ang bumungad sa'kin. Teka, nasaan ako? Unti unting nag sink in sa utak ko ang nangyari kanina. Shit! Sino yung kumuha sa'kin?! At may ibang tao pa pala dito bukod sa amin ni Jett? Anong kailangan niya sa'kin? Nasaan si Jett? Naiwan siya don sa lawa kaya siguradong nagaalala na ng sobra yun. Napapikit ako nang biglang may liwanag na sumilaw sa'kin. Bumukas ang pintuan at nakita kong nakatali ngayon ang paa at kamay ko sa isang upuan. Dammit! Sinong kumuha sa'kin at anong kailangan niya?!


"Gising na ang prinsesa." Malamig at matigas na sabi sa'kin ng kakapasok lang na nakahoodie at natatakpan ang mukha.


"Sino ka?! Anong kailangan mo sa'kin?!" Sigaw ko sakanya. Unti unti niyang tinanggal ang hoodie niya at nakita ang mahaba niyang buhok. Babae siya... may malalim na eyebags at putlang putlang mukha. Para siyang hindi nasinagan ng araw sa loob ng isang linggo. At parang hindi siya natutulog sa itim ng eyebags niya. Gayunpaman ay kitang kitang ang tila papel niyang kutis. Payat at defined cheek bones. Anong kailangan ng babaeng ito sa'kin at paano siya napunta dito?


"Jess. Call me, jess. At anong kailangan ko sayo? Wala naman, trip lang kitang ipalapa sa mga zombies." Sabi niya ng malamig ang boses. Nakakatakot ang boses niya. Parang kahit anong segundo ay kaya niya akong patayin. Pero hindi ko pinakita sa kanya ang takot. Hindi pwede sa lugar na ito ang takot.


"Ano?! Sino ka ba ha?  At paano ka napunta sa lugar na ito?!" Sigaw ko sakanya. Pero ikanagulat ko ang pagtawa niya. Baliw ba to?


"Nakakatawa. Makapagsalita ka ay parang napakatagal mo na rito. Tasia, tasia. Napaka tagal ko na dito. Wala pa mang zombie dito ay naririhan na ako dito. At natutuwa ako nang makita kayong dalawa ni Jett. " aniya at umupo sa harapan ko.


"Bakit kilala mo kami?"


"Matagal ko na kayong minamanmanan. Hinihintay kong mahirapan muna kayo sa lugar na ito gaya ng paghihirap ko dito araw araw. At nakakatawa na sa lugar na ito ay pwede palang mahulog ang loob niyo sa isa't isa? Nakakatawa yon! Para kayong mga batang ipinagkaitan ng pagmamahal kaya sa isa't isa kayo kumukuha ng lakas. Sa lugar na ito, hindi ka mabubuhay kung nakadepende ka sa isang tao." Matigas na sabi niya sa'kin. Pati iyon alam niya?!


"Anong nahulog sa isa't isa, pasensiya miss pero mali ka yata ng iniisip." Sabi ko at matapang na tumitig sakanya. Totoo naman. Oo, may nararamdaman ako kay Jett. Pero ako lang iyon kaya walang nagkahulugan sa isa't isa na nangyari. Humalakhak siya nang malakas.


"Oh, Tasia. Hindi ko alam na may pagka manhid ka pala. Alam kong may nararamdaman ka sa lalaking yon. At ganoon rin siya sa sayo."


"No! Mali ka! Pwede ba pakawalan mo na 'ko?! Hinahanap na ako ni Jett!" Sigaw ko sakany.


"Don't worry, magkakasama din kayo. Pero bago iyon, may ipapakita muna ako sayo." Nilapitan niya ako at tinanggal ang pagkakatali sa paa ko.


"Don't you dare to run, Tasia. Baka bago pa kayo magkita ni Jett ay basag na ang bungo mo." Aniya ng malamig na tinig at tinutok sa'kin ang baril na hawak niya. Napalunok nalang ako. Tumango ako. 


"Good girl." Hinila niya ako palabas ng kwarto na yon nang mahigpit ang hawak at nakatutok pa rin ang baril. Pagkalabas ng kwartong yon ay simpleng bahay lang ang nakita ko. Hinili niya ako sa isang madugong pintuan. Bakit ang daming dugo dito?


"Ready?" Sabi niya nang nakangisi. Nakakakaba ang ngisi niya na yon. Hinila niya ako at pinasok don. Laking gulat ko sa nakita ko. Parang nagbara ang lalamunan ko.


Shocks! Zombies na nasa kulungan! At... napaka dami nila. Para silang mga sardinas na nagsisiksikan. Mahaba at malaki ang kulungan pero masikip pa dahil sa dami nila. Nang makita nila kami ay ngumawa ngawa sila at nilabas ang mga kamay nila. Napaatras ako. Nakakatakot ang dami nila.


"Siguro ay noong mga nakaraang araw ay nagtataka kayo ng kasama mo kung bakit parang wala ng zombies. Ito ang sagot, kinulong ko silang lahat dyan. Amazing, right?" Humarap siya sa'kin at ngumisi.


• enjoy •


Share your thoughts! ❤️

City of ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon