Chapter 5

67 4 1
                                    


Pagkagising na pagkagising ko tinignan ko ulit ang nahagip ng mata ko bago ako makatulog kagabi. Akala ko namamalik mata lang ako. Pero nang tignan ko ulit yun, totoong totoo siya. Sinulat siya gamit ang dugo. Shit! Sinong nagsulat nito?

Lumabas nalang ako at pinuntahan ang kwarto ni Ate Mildred. Binuksan ko iyon at nakita siyang nakaupo sa kama nang nakatulala. Nang mapansin niya ako ay ngumiti siya nang tipid sa akin at tinapik ang gilid ng kama. Umupo naman ako doon.

"Alam mo ba kung anong nangyari dito sa lugar na ito iha?" Tanong niya sa akin ng nakatingin sa bintana.

"Dito kami nakatira nun kasama ko ang mga anak at asawa ko. Dati pa lamang ay may nakukutuban na ako sa lugar na ito. Batid ko na may mangyayaring masama, pero hindi ko alam kung ano. Hindi ko alam kung kailan mangyayari. Kaya pinagsalawang bahala ko ang nararamdam kong iyon noon. Napakagandang lugar noon niyong Pripyat. Buhay na buhay ang mga bulaklak, masarap sa balat ang hangin. At yung mga tao dito parang magpapamilya lang." Napangiti siya sa ala-ala.

"Isang araw noon, kailangan kong bumalik sa Pilipinas dahil sa mama ko. Iniwan ko doon ang mga asawa ko at hindi ulit pinansin ang masamang pakiramdam dahil mas kailangan ako sa Pilipinas. Noong araw na yun, nabalitaan ko nalang..." Tuluyan ng umiyak si Ate Mildred kaya niyakap ko siya at lalo naman siyang napa hikbi.

"Nalaman ko nalang ang pagpapasabog sa lugar namin nang nasa eroplano ako. Binalita doon na walang nakaligtas. Natulala ako non. Hindi alam ang gagawin. Pero iha alam mo ba ang nakakapagtaka? Lumipas ang ilang araw may kumalat sa internet na picture ng mga zombies dito sa Pripyat. Pero kinabukasan din, nabura lahat iyon, at hindi na kailanman binalita ang nangyari sa Pripyat. Pakiramdam ko'y sinadya iyon." Napatakip nalang ako nang bibig sa sinabi ni Ate Mildred. Shit! Sinadya?! Sinong taong walang puso na gagawa sa napaka gandang lugar na ito noon?!

Natigil ako sa pag iisip nang bumukas ang pinto at nakitang si Jet iyon.

"Kumain na tayo, hali na kayo sa baba." Bumaba nalang kami ni Ate Mildred.

Nang nakaupo na kami bigla kong naamoy ang sarili ko at nangasim ang mukha. 'Di pa pala ako naliligo simula kahapon.

"Uhmmm, Jet? May cr naman siguro dito diba? Sabon tsaka Shampoo? Kailangan ko na kasing maligo hehe" sabi ko nang nahihiya napatawa nalang ng mahina si Ate.

"Meron. Mamaya ka na maligo at kumain ka muna." Tumango nalang ako. Napaka lamig talaga ng lalaking ito.

"Nga pala, wala na tayong pagkain. Kailangan ko na ulit maghanap ng makakain."

"Sasama ako." Sabay naming sinabi ni Ate Mildred.

"Sigurado ba kayo? Hindi ba kayo natatakot? Hindi pwedeng sumama kayo!"

"Pero kailangan kong makita ng araw at makalanghap ng sariwang hangin Jet!" Sabi ko at tinignan siya nang nagmamakaawang mata. Tinignan naman niya si Ate Mildred.

"Gusto ko lang makita muli ang bahay namin." Aniya. Napabuntong hininga na lamang si Jett.

"Kung ganoon. Maghanda na kayo at pumunta na kayo sa kwarto ko pagkatapos niyong maghanda. Sabi niya at tumayo na. Pupunta na yata sa kwarto niya.

Pagkatapos kong maligo ay pumunta muna ako sa kwarto ko at tinignan ang sarili sa salamin. Nakasuot ako nang Black fitted sando na pinatungan ko nang black jacket at nagpantalon lamang ako at nagboots.

Nakita ko ulit yung nakasulat na 'City of Zombies' kinikilabutan ako pag nakikita iyon. Mamaya tatanungin ko kay Jett kung siya ba nagsulat nun. Pumunta nalang sa kwarto niya at nakitang nandoon na rin si ate Mildred halos pareho lang kami nang suot ang pinagkaiba lamang ay puti ang sando niya. Di mapagkakailang maganda pa rin ang katawan kahit nasa 40s na.

"Okay, sunod kayo sa'kin." Sumunod kami kay Jett at nakitang papunta siya doon sa salamin. May pinindot siya dong parang button at bigla na lamang bumukas ang salamin na kasing laki ng tao at nakitang parang secret room ito. Wow. Pumasok kami doon at lalong namangha nang nakitang napaka daming armas don.

"Kumuha kayo Baril, kutsilyo at mga bala. Sana'y marunong kayong gumamit nyan."

"Marunong ako. Pinagtraining kami nun ni Daddy." Masigla kong sabi.

"Good." Tumingin naman siya kay Ate Mildred

"Panalangin nalang natin na kaya ko." Ani Ate Mildred.

Binubuksan na ni Jett ang pinto at nakitang may mga zombie pa rin doon. Pinagbabaril ni Jett iyong mga zombie at lumabas na kami. Nasa likod lamang kami ni Jett.
Sa totoo lang, parang maiihi na ako sa kaba dito. Pinalupot ko ang kamay ko sa kamay ni Ate Mildred. Napatawa nalang siya sa'kin.

Tahimik ang dinadaanan namin ilang zombies na rin ang nakasalamuha namin. Nang may nakita na kaming convenient store ay pumasok kami doon. Muli, may zombies nanaman kaya binaril ulit namin iyon. Linabas na namin ang bag na dala namin at naghiwahiwalay na para kumuha ng mga pagkain.

Nang matapos na ang tatlong malaking bag namin ay puno na. Sabay sabay kaming lumabas doon at naglakad na patungo sa Mansion.

Nang malapit na kami ay napasigaw ako nang may nakahawak sa kamay ko at handa na sana akong kagatin nang zombie ay bigla akong tinulak ni Ate Mildred at tinutulak na niya ang zombie nang bigla itong nakagat sa kamay.

SHIT! SHIT! HINDI PWEDE ITO!
SI ATE MILDRED!

•enjoy•
Share your thoughts!

City of ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon