Jett and Tasia time
Chapter 6
Jett and Tasia Time
Pagkapasok na pagpasok namin sa bahay napaupo agad ako sa sahig. Si ate mildred! Zombie na siya! Ano nang gagawin ko? Shit!
"Wala na. Wala na akong kasama" sabi ko sa sarili ko at nakatulala
Lumapit sa'kin si Jett at lumuhod sa harap ko para magpantay ang mukha namin.
"Nandito lang ako, 'di kita papabayaan." Sabi niya at napahagulgol na ako. Niyakap naman niya agad ako. Ba't ganito nangyayari sa buhay ko? Si Ate Mildred nalang yung parang Ate ko kahit kaonting oras lang na magkasama kami sobrang napalapit na yung loob ko sakanya. Ano na ngayon?
Nagising nalang ako nang naramdamang may nakatitig sa'kin. Si Jett. Nakatulog pala ako kanina. Nasa kwarto na ako ngayon. Bumangon na 'ko.
"Gabi na ba?" Tanong ko
"Oo. Hinihintay lang kitang magising." Aniya
"Kailangan ba habang hinihintay akong magising, tititig ka pa? Staring is rude dude." Sabi ko sakanya at ngumiti. Ngumiti din naman siya nang tipid sa'kin.
"Okay ka naba?" Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya. Hindi pa ako okay, pero kailangan kong maging okay. Kasi walang mangyayari sa akin dito kong magmumukmok lang ako.
Tumayo na ako at nakita muli ang salamin. Naalala ko may tatanong nga pala ako sakanya.
"Jett? Alam mo ba kung sino ang nagsulat don sa salamin? Yung City of Zombies?" Napatingin mu na siya sa salamin bago ako sagutin.
"Siya. Yung babaeng mahal ko."
"Ahh, yung babaeng iniwan ka?"
"Hindi niya sinasadyang iwan ako, Tasia." Madiin niyang sabi sa'kin. Sus, ganon din yun. Bumaba na siya at sumunod nalang din ako sa baba.
Nakaupo na kami sa dining table, sa totoo lang nakakailang sanay akong kasama si Ate Mildred. Kumakain lang kami. At naalala yung cellphone ko. Malas kasi nandon siya sa luggage nun.
"Jett, wala ka bang telepono dito?"
"Wala." Tipid talagang magsalita.
"Ohh, eh paano ka nabuhay dito? Grabe, sobrang nakakainip." Sabi ko.
"Lumalabas ako." Nabigla naman ako sa sinabi niya.
"Huh? Lumalabas ka? Anong ginagawa mo sa labas?"
"Pumapatay ng zombies, umaasa na kokonti sila."
"Hindi ba delikado iyon?"
"Hindi naman, lalo na at pag sanay ka na." Aniya
"Kung ganoon, pwede mo ba akong turuan?" Magiliw kong sabi sa kanya. Tumitig naman ang malamig na mata niya sakin.
"No. Ikaw nalang ang mayroon ako dito. I can't lose you." Tumitig pa siya lalo sa'kin. Napapikit pikit ako sa mata. Shit! Bat ganon yung mata niya? Parang may something na hindi mo maalis yung mata mo pag tumitig siya.
"Ah ah, okay sige sige hehe. Pero pwede mo ba akong turuan kahit magbaril lang? You know, incase of emergency 'di ba?" Sabi ko at ngumiti. Tumango naman siya.
Nandito ako sa kwarto niya ngayon, dito sa tagong pintuan. Meron din palang parang Shooting something dito. Kumuha ako nang riffle, dahil maruno na ako doon sa baril. Pumwesto na ako ngunit naestatwa ako nang sobrang lapit ni Jett sa likod ko at hinawakan ang kamay ko at pinuwesto iyon.
Mabuti na lamang at nakatalikod ako sa kanya kaya hindi niya na kita ang pagkatigil ko. Sigaradong para na akong kamatis ngayon sa pula. Lumayo na siya at tinignan ako. Napahalakhak naman siya.
Sumimangot naman ako."Why are you so red Tasia?" Sabi niya at tumawa pa din.
"Akala mo ba yayakapin kita sa likod?" Sabay ngiti sa'kin.
"Gusto mo ba?" Sabi niya ulit with devilish smile.
·♥·
Short update. Sorry!
BINABASA MO ANG
City of Zombies
Mystery / ThrillerIn a city full of zombies, will Anastasia survive?