"Wait. Hindi ba si Ate Mildred ito?" Tanong ni Jett. Teka. Si Ate Mildred? Kinuha ko sa kamay niya ang litrato at tinignan ang mukha ng babae.
"Shocks! Si Ate Mildred nga! Kaya pala pamilyar ang mukha niya!" Sigaw ko.
"Pero anong ginagawa niya dito?" Tanong ko sa sarili at tinignan si Jett. Tinignan niya lamang din ako at nagkibit balikat. 'Di kaya si Ate Mildred ang Mommy namin? Pero bakit ganon? Wala akong maramdaman na lukso ng dugo?
BEATRIX POV
Nakaupo ako ngayon sa office ko. Tinigtignan ang mga files na kailangan kong pirmahan. Tinitignan ko pa lamang ito ay sumasakit na ang ulo ko sa dami. Pero nabigla ako nang biglang bumukas ang pinto at nakitang si Daddy iyon na mukhang galit na galit. Wait, ano nanaman 'to? Don't tell me...
"Beatrix! Nakatawag si Tasia sa akin nung isang araw." Sabi ni Daddy. What the ?! Seriously? Buhay pa ang babaeng iyon?! I can't believe this... Sana ay wala siyang sinabi tungkol sa akin.
"And, sasabihin niya na sana kung nasaan siya nang biglang namatay ang tawag. Pinatrace ko ang cellphone niya at nalaman kong... Nasa pripyat si Tasia. " sabi ni daddy na matalim ang mata sa'kin. Umupo siya sa sofa at sumunod ako sakanya at umupo rin doon.
"Alam nating dalawa na doon tayo nakatira noon. At alam din natin na may zombie don. So, walang ibang maguutos kay Tasia na mapunta don kung hindi ikaw lang!" Tumaas ang boses ni Daddy at sumama lalo ang tingin sa'kin. Wala na... Ano nang gagawin ko? Buking na ako ni Daddy. Urghh, that bitch! Bakit napaka swerte niya?!
"Tell me Beatrix. Ikaw ang nagpapunta sakanya roon hindi ba?" Madiin na sabi ni Daddy sa'kin. Damn! What am I going to do? Ayokong matakwil! Hell freaking no!
"Mr. Fleur it's me. Ako ang nagpapunta kay Tasia sa Pripyat." Nagulat ako nang bigla nalang sumulpot si... Wait. Shit! Is this Renzo?! What the hell?
"Renz!" Akmang lalapit ko na siya pero nagsalita si Daddyz
"What are you saying? Wag mo nang pagtakpan si Beatrix dahil alam mo kung anong kaya kong gawin Renzo..." Ani Daddy.
"Ako po talaga iyon, sir. Hindi ko pinagtatakpan si Beatrix. That day, tinext ko si Tasia na pumunta siya sa Pripyat para magsama na kami. At plinano ko po iyon para mapunta siya doo-" hindi na natapos ni Renzo ang sasabihin niya nang bigla na siyang sinuntok ni Daddy.
"DAD!"
"HOW DARE YOU DO THAT TO MY TASIA?!" kinwelyuhan ni Daddy si Renzo. Lumapit ako sakanila at pilit na hinihiwalay si Daddy kay Renzo.
"Lumayo ka Beatrix! Narinig mo ba ang sinabi ng lalaking ito? Kasalanan niya kung bakit nandon si Tasia sa impyernong lugar na iyon!" Sigaw ni Daddy sa'kin. Lumapit na ang mga body guard ni Daddy at pilit na pinapakalma si Daddy.
"Dad, please calm down." Sabi ko kay Daddy at pinaupo siya sa sofa.
"Give my Daddy a water! Faster!" Sigaw ko sa mga body guard.
BINABASA MO ANG
City of Zombies
Mystery / ThrillerIn a city full of zombies, will Anastasia survive?