Chapter 24

32 2 0
                                    


Chapter 24

"Sige, sasama ako sayo." Parang nabingi ako sa sinabi ni Jett. Seryoso ba siya? Iiwan niya 'ko dito at sasama siya sa babaeng ito? Sumulyap siya sa'kin ngunit nagiwas din ng tingin. I knew it. Ni hindi niya man lang ako matignan ng diretso. Wala naman talaga siyang pakielam sa'kin. Ang nasa isip niya lang ay makakaalis na siya dito. Siguro ako lang tong tanga na umasang kahit papaano o kahit kaibigan lang ay may nararamdaman siya. Pero hindi umaasa lang talaga ako. Napangisi ako sakanya. Hinding hindi ko hahayaan na malaman niya na nasasaktan ako.

"Good choice Jett. I guess nagkamali ako ng husga sainyong dalawa." Tumingin siya sa'kin at ngumisi.

"Poor, Tasia. Maiiwan ka dito kasama nila." Sabi niya sakin at tumingin sa kulungan ng mga zombies. Napangisi naman ako pero nanatili lamang akong tahimik. Talaga lang ah? Tignan natin kung sinong maiiwan dito. Tumingin ako kay Jett at nakitang nakatitig siya sa'kin. Tinignan ko siya gamit ang malamig na mata. Kung kailangan na realize ko na ikaw talaga ang gusto ko ay ngayon pa nangyari ito.

"I thought you're better than this Jett. Pero hindi. Gaya ka lang ng Ate ko. Bagay na bagay kayo. Pareho kayong makasarili." Sabi ko sakanya at humarap kay Jess.

"Hindi pa ba kayo aalis dito? Sige na umalis na kayo. Kasura mga mukha niyo." Hinila ko mula sa mahigpit na pagkakahawak niya ang kamay ko. Pumunta ako sa sofa at prenteng umupo doon. I crossed my legs. Nawala lahat ng takot at pangamba ko sa lugar na ito.

Para bang pakiramdam ko ay nawala ang kalahati ng pagkatao ko. At si Jett yon. Pero hindi. Pride nalang ang meron ako. Naninikip ang dibdib ko pero hinding hindi ko hahayaang makita nilang nasaktan nila ako. Nginitian ko sila.

"Go. Alis na." Pangtataboy ko sakanila. Tumayo ako sa inuupuan ko at lumapit sa kulungan ng mga zombies. Nakita kong lumapit si Jett kay Jess.

"Anong gagawin mo?!" Sigaw ni Jess sa'kin. Lumawak ang ngiti ko. Scared huh?

"Don't worry. Hindi ko sila papakawalan. Hindi ako tanga para pakawalan sila habang nandito ako." Tumalikod ako sa kulungan at pumunta sa bandang lamesa. Nakita kong hinawakan ni Jett ang balikat ni Jess. Nginitian niya ito at may binulong sakanya. Ilang sandali lamang ay binigay ni Jess ang baril niya kay Jett. Boom. Hindi ko alam na ganyan siya ka uto uto. Dahan dahan kong kinuha ang baril sa mesa sa tinago sa likuran ko.
Tumingin si Jett sakin. May plano ba siya?

Nagulat ako nang may kinuha si Jess sa likod niya at nakitang dalawang baril iyon. Pareho niya iyong tinutok samin ni Jett. Tumawa siya nang malakas.

"Nakakatawa kayo. Satingin niyo ganon ako katanga para maniwala sa mga kinikilos niyo?!" Sigaw niya samin. Magkunwari ka pa, halata namang dalang dala na siya sa acting ni Jett. Ngayon ko nga lang din napansin na may plano pala siya. Hinusgahan ko agad siya. Paano ba naman kasi magpaplano siya lang magisa 'di ba? Paano ko malalaman yun?

Tangka siyang lalapit sakin ng nilabas ko din ang baril ko ay tinutok yon sakanya.

Humalakhak siya nang malakas.

"One more step Jess." Madiin kong sabi sakanya.

"Nakakatakot naman." Nakangisi niyang sabi sa'kin. Nabigla ako nang bigla niyang ipaikot ang kamay ko at tinapon ang baril sa malayo. Shit! Di ko inaasahan yon! Tinignan ko si Jett at nakita sa mata niyang sumabay lang ako sa gagawin niya.

"What now, Tasia?" Masyado siyang naka focus sakin kaya hindi niya napapansin na pumupunta si Jett sa likod niya. Ngumiti ako sakanya.

"Is that it? Mas mahina ka pa pala sa inaakala ko." Nakangisi kong sabi sakanya. Nagalab ang tingin niya sa'kin. Sige, kalimutan mong kasama natin si Jett.

"How dar-" Hindi na niya naituloy ang sinasabi niya nang niyakap ni jett si jess at inilock ang mga kamay nito. Lumapit naman ako kay Jess at kinuha ang mga baril sa kamay niya. Pilit siyang nagpupumiglas pero mas malakas si Jett. Kinuha ko ang upuan sa tabi ko at pinaupo dun si Jess. Kinuha ko din ang tali at ipinalupot yon sa mga paa niya. Kinuha ko ang telang nakita ko at itinali yon sa kamay niya. Tinangan ako ni Jett habang ginagawa yon. Hindi ko siya tinitignan. Pilit pa ring sumisigaw si Jess at nagpupumiglas kaya nahihirapan kami.

Nang sawakas ay natapos na ay tumawa ng malakas si Jess.

"Akala ko niyo ganon nalang yon? May dalawang alas pa ako Tasia. Gusto mo bang malaman ang sikreto ng lugar na ito at ang sikreto na rin ng Daddy mo?" A-ano? Tinignan ko si Jett at nakitang umiling siya sa'kin. Anong sikreto?

° enjoy °

City of ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon