Chapter 20
Umagang umaga ngayon ay nakahilata lamang ako sa kama. Iniisip ko sila Ate. Sana nabasa niya yung messages ko. Minessage ko lang naman siya para ipaalam sakanila na buhay na buhay pa ako. Buti at kagabi ay nakita daw ni Jett iyon sa may paso malapit sa pintuan namin. Naalala ko na tinapon ko pala iyon noon.
At sakto namang nagkakalkal ako ng mga gamit ng nakita ko power bank ko. Malimit ko nga lang gamitin iyon dahil ayaw kong ma lowbatt yon.
Kinuha ko ang cellphone ko dahil sa kainipan. Aksidenteng napindot ko ang gallery kaya bumungad halos lahat ng picture namin ni Renzo. Halos mukha niya at mukha lang naming dalawa ang nandito. 'Di kasi ako masyadong mahilig mag selfie, kapag kailangan lang talaga. At kapag nandyan lang si renzo dun lang ako nagseselfie.
Nagsscroll up ako at natawa nang puro wacky faces ni Renzo ang mga nakita ko. Naalala ko to noon na nagdate kami nun sa isang resort. Halos siya lang ang humahawak ng cellphone ko at bubuksan ang camera. Photographer kasi siya kaya mahilig siyang mag picture.
Nang nagscroll up pa ako ay nakita ko ang mga stolen shots ko. Naka two piece ako nun dito. Malamang ay si Renzo nanaman ang kumuha ng mga to. Napangiti nalang ako. Kahit kailan talaga, Renzo.
Kamusta na kaya siya? Nakauwi naba siya? Hinahanap niya kaya ako? Miss ko na siya...
Sa totoo lang ay gulong gulo na ang isip at puso ko. Hindi ko alam kung sinong gusto ko. Si Renzo ba na miss na miss ko na o si Jett na 'di ko kayang mawala sa'kin. Hindi ko alam. Pero ang alam ko ay mahalaga silang pareho sa'kin. Hindi ko sila kayang dalawa na mawala sa'kin.
"Tasia, tayo ka na dyan. Kain na tayo..." Tinignan ko si Jett na nakasilip sa siwang ng pinto. Tipid na nginitian ko siya.
"Sunod nalang ako." Tumango siya at umalis na. Tumayo na ako at tumingin sa salamin para ayusin ang mukha ko. Nag toothbrush at naligo na ako kanina. Humiga lamang ako ulit dahil sa katamaran. Hinawakan ko ang labi ko na namamalat dahil sa lamig dito. Siguro ay dapat ko nalang ipagpasalamat ang lamig kaysa naman sa mainit. Kasi kung mainit dito ay malamang kawawa kaming dalawa ni Jett.
Naabutan ko si Jett na inaayos ang hapagkainan. Bakit parang matamlay nanaman ang lalaki 'to? Umupo nalang ako.
"Tamlay natin ah." Sabi ko at kumuha ng pagkain at nilagay ko plato ko. Ipinagkuha ko din siya nilagay yon sa plato niya. Nakasanayan ko nang gawin yon, noon pa man ay sanay akong ginawa yon. Kila Daddy kay Ate. Gusto ko ako nagseserve ng pagkain nila. Tsaka parang nasanay nalang din sila sa'kin. Si Jett din nasanay na siguro.
"Nakakainip. Teka, gusto mo bang lumabas?" Parang nakakita siya ng magandang gagawin.
"Punta tayo dun sa may lawa." Nakangiti niya nang sabi. Napatawa nalang ako sa mood ng lalaking to. Parang kanina lang ang tamlay niya.
"Hmmm, baka sugudin tayo ng mga zombies."
"Syempre, susugurin talaga nila tayo. Magtaka ka Tasia kapag tinitigan lang nila tayo." Napatawa nalang ulit ako sa pagiging sarkastiko niya. Sumubo ako ng pagkain ng uminom ng tubig nang malasahan na parang maasim ang nakain ko.
"Ba't parang ang asim nito Jett?" Tanong ko sakanya at tinuro ang ulam ko. Ibang de lata ang kinakain ko sa kinakain ni Jett kaya malamang ay iba ang lasa ng kanya.
Nagtataka niya akong tignan at kinuha ang plato ko at kutsara. Tumikim siya gamit ang kutsara ko. What the?! Uminit ang pisngi ko sa ginawa niya. Hindi ba niya alam ang indirect kiss?
"Maasim na to. Baka expired na, eto nalang ang sayo. Hindi naman maasim tong akin." Aniya
"Pero, anong kakainin mo?" Tanong ko sakanya. Ngumiti lang siya sa'kin at parang may naisip nanaman.
"Share nalang tayo, okay lang ba? Huli na tong kinakain natin. Kailangan na talaga nating lumabas dito." Sabi niya at umupo sa tabi ko. Tumango nalang ako.
Nailang ako dahil sobrang lapit niya sa'kin. Pakiramdam ko'y lalong nagiinit ang mukha ko. Ako lang kaya nakakaramdam nun? He seems so normal. Tahimik lang akong sumusubo.
"Jett, kamusta kayo nun ni Ate ko nung magkasama pa kayo?" Tanong ko sakanya.
"Kamusta? Anong kamusta?"
"I mean, anong mga madalas niyo gawin, mga ganoong bagay. Okaya kung madalas ba kayong mag away o sobrang lambing niyo sa isa't isa."
"Bat mo natanong?"
"Wala. Basta. So, ano nga?"
Inalis niya ang tingin sa akin at parang may inaalala.
"Hmmm. Mahilig kaming manood ng sine. The usual dates ng mga couples. Tapos sobrang minsan lang kung mag away kami. Bilang ko pa nga sa kamay ko ang away namin eh." Aniya at ngumiti. Napasimangot naman ako. 'Di niya ba alam na kung hindi kayo nag aaway ng syota mo ay walang pagmamahal?
"Ah, talaga ba?" Sabi ko sumubo nalang ulit ng pagkain. Nakakainis. Nagtatanong tapos nagseselos. Really, Tasia? Nakita ko sa gilid ng mata ko na lumawak ang ngiti niya. Anong ngini-ngiti neto?
"Kayo ba ni Renzo? Anong ginagawa niyo madalas?" Napangito naman ako nang maalalang mahilig kaming magtravel.
"Madalas kaming magtravel okaya mag hike. Tapos ivvlog namin yon. Nasa cellphone ko parin lahat ng mga vlog namin. Tapos mahilig kaming kumain sa roof top. Tapos, ano pa ba? Ah! Mahilig kaming magselfie selfie ganon. Photographer kasi siya eh. Tapos ano pa ba? Hmm, wala na yata, yon lang." Sabi ko at ngumiti ng malawak sakanya.
"Hindi ba ang tinanong ko lang ay anong ginagawa niyo madalas? Parang kinwento mo na lahat tungkol sainyo eh." Aniya at naiirita g tumingin sa'kin.
"Problema mo? Nagtatanong ka, sinasagot ko lang naman ah." Sabi ko. Uminom na ako ng tubig ng maramdamang busog na ako. Patagal ng patagal ay pakiramdam ko lalo akong pumapayat sa pagkain dito.
"Photographer din ako nun, alam mo ba?"
"Talaga? Okay..." Sabi ko at tumayo para mag unat unat. Nakita kong lalong sumama ang mukha niya. Napahalakhak ako sa mukha niya. Ano naman kasi kung photographer siya 'di ba? Kung sanang magagamit namin yung dito...
"Anong problema mo at ganyan ang mukha mo?"
"Nagseselos ako..." May sinabi siya ngunit hindi ko narinig yon dahil bulong lang. Ano daw?
"Ha?"
"Wala, sabi ko ang panget mo. Mag ayos ka na, lalabas na tayo."
• enjoy •
BINABASA MO ANG
City of Zombies
Mystery / ThrillerIn a city full of zombies, will Anastasia survive?