• CONTINUATION •
"Run!" Pagkasabi nun ni Jett ay doon lang ako natauhan at tumakbo. Iniwan naman si Jess don. Hindi ko pa rin mapasok sa utak ko ang mga sinabi niya. Tumakbo lang kami. Tumingin ako sa likuran ko at nakitang nakasunod na sa'min ang napaka raming zombies!
"Shit! Shit! Napaka dami nila!" Sigaw ko at binilisan pa ang takbo. Nakalabas na kami sa bahay na iyon at lalong binilisan ang takbo. Tama nga ako. Napakalapit lang namin sa lawa. Pumasok kami sa masukal na lugar na yon. Hinila ako ni Jett papunta sa may lawa. Nakita kong nakasunod pa rin sila samin. Bumibilis ang takbo nila!
Nakarating kami ni Jett sa lawa at dinali niya sa likod. Hinarap niya ako.
"Dumaan ka sa kanan nito. Malapit na dun ang mansion Tasia. Pumasok ka dun. Make sure na hindi ka makakagat ha? May kailangan akong balikan sa lugar na yon. Magkita nalang tayo dun." Mahinang sabi ni Jett sa'kin habang hawak ang dalawang balikat ko. Umiling iling ako.
"Hindi, Jett! Sasama ako sayo! Masyadong delikado! Gaano ba kaimportante yung babalikan mo?! Sumama ka na sa'kin!" Umiling din siya at napapikit ang mata.
"Tasia, makinig ka please. Wag matigas ang ulo. Sobrang importante nung bagay na yon. Makakatulong yon sa atin para makalabas sa lugar na yon. Kaya mauna ka na at hintayin ako sa bahay." May kinuha siya sa likuran niya at nakitang baril yon at isang piraso ng bulaklak na rosas. Binigay niya yon sa'kin. Tinanggap ko yon at tinignan siya. Unti unti na siyang tumayo ng dahan dahan at iniwan ako. Pero bago yon at nginitian niya muna ako nang tipid at may sinabi.
"Babalik ako." Pagkasabi niya non ay umalis na siya. Sana nga Jett. Hindi ko makakaya kung hindi ka babalik. Narinig ko na ang mga yapak ng zombies at ang ingay nila. Tumayo ako nang dahan dahan at pumunta sa lugar na itinuro ni Jett kanina. Marahan ang pag hakbang na ginagawa ko dahil baka marinig nila ako.
Nakita kong malapit na akong lumabas sa gubat na iyon ng makita ako nang dalawang zombies. Ngumawa sila at pumunta patakbo sa'kin. Binaril ko silang dalawa kaya nakagawa ng ingay at nakitang tumatakbo na papunta sa'kin ang napaka raming zombies!
"Oh, dammit!" Sigaw ko at tumakbo nang napaka bilis palabas sa gubat na iyon. Nang makalabas ako ay nakitang napaka lapit na nga lang ng mansion. Tanaw ko na iyon mula sa malayo. Narinig ko ang ingay ng napaka raming zombies na nasa likuran ko. Shit! Lalo ko pang binilisan ang takbo ko. May mga ilan na nakakalapit na sa'kin pero binabaril ko sila agad sa ulo.
Napaka lapit ko na sa mansion kaya pinagbabaril ko na ang malalapit sa'kin. Pagkatapos ay lumapit ako sa gate namin at binuksan yon agad agad at sinara pero ang mga kamay ng mga zombies ay humaharang! Shit! Paano ito? Magisa lang ako?! Nakadagan ang katawan ko sa gate at pinipigilang mabuksan yon bago barilin ang mga kamay ng mga zombies. Shit! Pilit kong binaril ang mga kamay nila nang maubos na ang bala ng baril ko!
Dala dalawang kamay na lamang iyon kaya pinagpuputol ko ang kamay nila at tuluyan nang isinara ang gate. Shit! Tumakbo na 'ko papunta sa pintuan nang mansyon at nilock na yon. Alam naman ni Jett ang pintuan sa likod kaya malamang ay doon nalang siya dadaan.
Napaupo ako sofa at naramdaman ang napaka tinding pagod. Napaka daming nangyari ngayon.
"Mahal na mahal ko ang lugar na ito. Pero anong ginawa ng Daddy mo?! Napaka sama niya! Namatay ang mga magulang ko nang dahil sakanya! Kaya ikaw! Dapat ka ring mamatay!" Naalala ko ang sinabi ni Jess. Anong ginawa ni Daddy? Namatay ang mga magulang niya dahil sakanya? Hindi kayang gawin ni Daddy yon. Buong buhay niya ay ginawa niya ay tumulong sa mga tao. Tumatulong sa mga charity at mga street childrens.
"Hindi magagawa ni Daddy yon." Pagkasabi ko nun ay pumatak ang luha ko. Hindi ko rin alam kung bakit. Sa sobrang pagka miss siguro kay Daddy. At sa pagod.
Tumayo ako at siniguradong sarado lahat ng pintuan at mga bintana. Pumunta ako sa banyo at nilinisan ang katawan ko. Amoy na amoy ay dugo sa buong katawan ko. Nasaan na kaya si Jett? Sana ay bumalik agad siya...
Umakyat na ako sa kwarto ko at nakaramdam ng ginhawa. Pahiga akong bumagsak sa kama. Unti unti kong naramdaman ang antok. Unti unti na ring bumabagsak ang mga mata ko.
"Daddy! Daddy! Laro tayo plea-" naputol ang sinasabi ko nang makitang may kausap sa telepono si Daddy. Ang sabi niya sa'kin ay bad daw ang sumama sa usapan ng iba kaya tumahik nalang ako. Si ate kasi eh. Napaka antukin. Wala tuloy akong kalaro ngayon. 'Di bale, mamaya kukulitin ko ulit siya.
"Yes. Sunugin niyo ang lugar na yan at isama niyo ang drugs na sinasabi ko sainyo sa gas. Naiintindihan niyo ba? At siguraduhin niyong walang makakaalam nito. Wag niyong hahayaang lumabas ito sa media. Kung hindi kayo ang mananagot. Naiintindihan niyo ba?"
Napamulat ako at pawis na pawis. Umupo ako. Hindi totoo yon. Panaginip lang yon, Tasia. Hindi magagawa ng Daddy yon. Napapikit ako nang mariin. Hindi.
Tumingin ako sa orasan at nakitang gabing gabi na. Teka, si Jett? Nakauwi na ba siya?
Lumabas ako sa kwarto at tinignan ang kwarto ni Jett ngunit wala siya doon. Dali dali akong bumaba at inikot na ang buong mansyon.
Pero... hanggang ngayon ay wala pa rin si Jett. Babalik siya sinabi niya hindi ba? Babalik siya...
• enjoy •
BINABASA MO ANG
City of Zombies
Mystery / ThrillerIn a city full of zombies, will Anastasia survive?