Chapter 26

36 0 0
                                    


Chapter 26

Hawak ko ang rosas na binigay ni Jett kanina bago kami nagkahiwalay. Unti unting umiitim ang mga edges nito. Natural lamang sa mga bulaklak yon pero kinakabahan ako. Nasaan ka na Jett?

Satotoo lang ay galit ako kay Jett. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dun sa nangyari kanina. Yung paghawak niya kay Jess. Yung akala ko iiwan niya na 'ko. Inayos ko ang pagkakaupo ko sa sofa at italukbong ang mukha ko sa tuhod. Pakiramdam ko wala akong gana sa lahat. Bakit? Anong nangyayari sa'kin? I feel so empty...

Nagtaas ako nang ulo nang marinig ang yapak ng paa. Si Jett. Nakatingin lang siya sa'kin. Masaya ako na bumalik siya. Pero hindi ko alam pero hindi ko magawang ipakita yun. Lumapit siya sa inuupuan ko at umupo rin.

Tahimik lang kaming dalawa at nagpapakiramdaman. Hanggang sa basagin niya ang katahimikan.

"Kumain ka na?" Umiling ako. Kanina ay nakatulog na agad ako kaya hindi pa ako nakakain. Hinarap niya ako at hinawakan ang kamay ko para tumayo at dinala ako papunta sa kusina. Same feels. Parang may kuryente pa rin pag hinahawakan niya 'ko. Siguro kung hindi niya lang hinahawakan ay bumagsak na ko kanina pa.

Pinaupo niya ako sa usual sit ko at pumunta sa may stock namin ng pagkain. Nakatalikod siya sa'kin kaya kitang kita ko ang dugo mula sa damit niya. Ano kaya yung binalikan niya? Humarap siya kaya dali kong iniwas ang tingin ko.

"Kain na tayo." Sabi niya at umupo sa harap ko. Amoy na amoy ko ang dugo sakanyang damit.

"Gusto mo munang maligo?" Sabi ko nang seryoso at nagsimulang ayusin ang kutsara ko para magsimula nang kumain.

"Hmmm, sige." Sabi niya nang mahina na halos hindi ko na marinig. Tumayo siya at pumunta sa kanyang kwarto.

Nanatili lamang ako sa upuan ko at hinihintay siya. Mas lalo yata akong hindi gaganahan kapag wala akong kasamang kumain. Gusto ko talagang malaman kung ano ang binalikan niya at parang napaka importante non.

• JET POV •

Nakaupo na ako ngayon sa harapan ni Tasia pero mukhang napakalalim ng iniisip nito kaya hindi niya ako napapansin. Hawak niya lang ang kutsara at nakayuko.

"Tasia." Ilang beses ko siyang tinatawag pero hindi siya sumasagot. Lumapit na ako sakanya at hinawakan ang balikat niya. Nabigla ako nang itunuro niya sa'kin ang tinidor.

"Ta-tasia." Hindi ko magawang mabigkas ng diretso ang pangalan niya dahil sa gulat. Unti unting umamo ang mukha niya at binaba ang tinidor na hawak niya. Inilapit ko ang upuan ko malapit sakanya.

Nakatulala lang ulit siya. Anong nangyayari sayo, Tasia?

"Tasia? Anong nangyayari? Bakit mo 'ko tinutukan ng tinidor?" Tinignan niya ako at unti unting namamasa ang mata hanggang tuluyan ng tumulo ang mga luha mata niya. Linapit ko lalo ang upuan ko at hinarap siya sa'kin.

"Hush, tasia." Pinunasan ko ang luha niya at niyakap siya. Ano ba talagang nangyari? Ba't umiiyak siya? Nagaalala nanaman ba siya sa'kin? Ganito rin ang nangyari nun kaya hindi ko maiwasang magalala...

Naririnig ko ang hikbi niya kaya hinigpitan ko lalo ang yakap sakanya. Hinayaan ko muna siyang umiyak sa braso ko. Mamaya ko nalang siguro siya tatanungin kapag tumahan na siya.

"Je-jett. Ay-ayaw ko na d- dito." Humihikbi niyang sabi at halos hindi na mukhang makahinga ng maayos kaya pinatahan ko muna siya.

"Malapit na Tasia. Stop crying, please. 'Di ko kayang nakikita kang ganyan." Tumahan siya at nakatulala nalang pero tumutulo pa rin ang butil ng luha.

"Jett kanina habang wala ka, tinatanong ko yung sarili ko. Bakit pakiramdam ko wala akong gana sa lahat? Why I feel so empty? Then it hits me. Nung dumating ka. Natutok ko yung tinidor sayo. Kasi akala ko may zombie nanaman." Her lowers lips trembled. Pinakikinggan ko lamang siya at nanatiling tahimik.

"Takot ako. Pero ngayon ko lang narealize. Sa sobrang dami nangyari sa araw na to ngayon ko lang naramdaman. Nagiging paranoid na 'ko. Hindi ko na alam." Yumuko siya sa lamesa at nilagay ang dalawang kamay sa kanyang buhok.

"Gusto ko nang umalis dito..."

• enjoy •

Sorry late update. Sorry short update. 😢

City of ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon