Chapter 7
"Just kidding. Ituloy mo na." Sabi niya pero nakangiti pa rin. Ugggh, bakit ba kasi siya nakangiti? Pang-asar eh! Tinutok ko na ulit ang baril sa target ko at sinubukang mag focus.
Nang ipunutok ko na ay sobrang layo niyon sa target. Bwisit!
"Nanginginig kasi yung kamay mo. Ulitin mo. Focus Tasia."
Umubo ako at tinutok ulit ang baril sa target. Sa pagkakataon na ito ay sa dibdib na nang target ito tumama. Tumingin naman ako kay Jett at ngumisi. Ngumisi din naman siya sa'kin.
"Not bad."
Napatigil kami nang may marinig na kalabog sa baba. Nagkatinginan kami at sabay na kumuha ng baril. Naglakad na kami sa pababa nasa likod lamang niya ako. Nasa hagdan kami at sumilip sa baba. Shitt! May mga iilang zombies wari ko'y nasa bente sila!
Tumingin si Jett sa'kin at parang sinabing dito lamang ako. Tumango naman ako. Bumaba na siya at binaril ang mga sumusugod na zombies sakanya ngunit meron akong nakitang nasa likod niya na handa na siyang kagatin. Dali dali akong bumaba at pinaputukan iyon zombie na yon.
At dahil nakita ako nang mga zombies ay ako naman ay puntirya nila.
"Uh oh."
"Shit! Ba't ka bumaba?!" Nagawa pang sigaw sa'kin ni Jett.
"Kung hindi ako bumaba edi sana zombie ka na rin ngayon!" Sigaw ko din sakanya habang binabaril ang mga zombies na pumupunta sa'kin. Dalawang zombies nalang ang natirang sumusugod sa'kin sunod sunod ko namang binaril ang dalawang iyon. Phewww! Safe.
Napatay na rin ni Jett ang mga kalaban niya. Nagkatinginan kami Jett at sabay napatawa.
"That was a good fight huh? Napaaga ang training mo."
"Yeah Jett, whatever!" Tumayo na ako at pumunta nang kusina. Nagulat ako nang makitang ito yung nasirang pintuan.
"JET!" Tawag ko sakanya
"What?" Nakita niya din ang sirang pintuan kaya nagmadali siyang kumuha nang mga gamit para magawa ulit iyon.
"Darn. Paano nila nabuksan ito?!"
"Paano nga ba?" Tanong ko din sa sarili ko. Tinulungan ko siya sa ginagawa niya at may nakita ulit zombies na papunta sa amin. Pinagbabaril ko ulit sila kaya naka agaw ng atensyon ang ibang zombies at sumusugod na samin.
"Damn! Kailan ba sila mauubos?! Gaano ba kadami ang tao noon dito sa Pripyat at ganito kadami ang mga zombies?!" Sabi ko habang pinagbabaril ang mga zombies.
"Pumasok kana dito Tasia!" Sigaw sa akin ni Jett dali dali na akong pumasok at sabay naming sinara ang pintuan.
"Ba't ba hindi maubos ubos ang mga pesteng zombies na yan?!" Singhal ko.
"Kasi nga malaki ang population ng tao sa lugar na ito noon." Sagot niya sa'kin.
"Pero bakit sila naging zombies? Pwede namang natedo lang sila ba't naging zombie sila?" Nagkibit balikat na lang siya sa sinabi ko.
"Jett?"
"Hmm?"
"Wala ka bang plano umalis dito sa lugar na ito?"
•enjoy•
Sorry, short update lang.
Sa mga nagtatanong po, totoong abandoned city na ang Pripyat, Ukraine.
BINABASA MO ANG
City of Zombies
Mystery / ThrillerIn a city full of zombies, will Anastasia survive?