Chapter 9

51 1 0
                                    


Chapter 9

Two weeks have past. Wala namang pagbabago, bukod sa isa. Ang buong two weeks na iyon ang naging training at paghahanda namin para sa plano naming pag alis dito. Plinano naming gawin iyon kapag handa na kaming dalawa at makumpleto na namin ang mga kailangan namin.

Ang two weeks din na iyon ay naging malapit kami ni Jett sa isa't isa. Hindi ko alam pero ayoko nang nararamdaman kong ito. Kasi hindi pwede, hinding hindi pwede lalo na sa ganitong klaseng lugar. Ayokong dumipende lang kay Jett, kailangan kong matutong lumaban nang 'di siya kasama.

Isang araw no'n, lumabas akong mag isa. Kailangan ko iyon bukod sa ilang araw na akong hindi lumalabas ay kailangan ko nang matuto sa sarili. Ayaw ko na sa lugar na ito. Gustong gusto ko nang umalis. Miss ko na si Daddy, si Ate, si Renzo, what if bumalik na siya? Paano kung hinahanap niya na ako? Kailangan ko nang bumalik.

Binuhos ko lahat nang nararamdaman ko sa mga zombies na lumalapit sa'kin at minsan, hindi ako gumagamit ng baril. Kailangan ko ding matuto na makipag laban gamit lamang ang katawan ko. Laking gulat ko nun nang meron palang zombies sa likuran ko hindi ko iyon napansin dahil abala ako pakikipag laban sa zombies na nasa harap ko. Bigla na lamang itong bumulagta sa sahig. Pero mas lalo akong kinabahan dun, kasi sigurado si Jett yun. Lagot nanaman ako!

"Tasia! Ano ba?! Pumasok ka nga dito!" Shit, ayan na!

Tumakbo na ako nun papasok at dumiretso na sa kwarto ko at nilock iyon. Kahit na alam ko namang mabubuksan niya rin iyon. Ayaw ko lang talagang pagalitan niya ako ngayon, lalo't nang ngayon wala ako sa mood baka masabayan ko lang siya. Kumatok siya sa pinto pero hindi ko iyon pinansin.

Humiga nalang ako sa kama at tumalikod sa pintuan. Narinig kong nabuksan niyo na iyon. Pero ipagsawalang bahala ko iyon. Nilalamig pa ako dahil walang kumot dito, sa klima dito ay kahit wala kang air conditioner ay okay lang dahil malamig ang klima rito.

Narinig kong umupo siya sa gilid ng kama ko at bumuntong hininga. Hinawakan ko ang mga braso ko sa lamig.

"Alam ko na gusto mo nang umalis dito, pero Tasia naman, 'wag kang padalos dalos. Bakit parang kumilos ka ay parang wala kang kasama? Nandito ako Tasia. Hindi mo ba naiisip iyon? Kaya nga tayo nagttraining nang magkasama ay para magkasama tayong lumaban hindi iyon ikaw lang mag isa." Napapikit ako nang mariin sa sinabi niya.

"Bakit ang selfish mo? Hindi mo ba alam na gusto ko na ding umalis dito? Miss mo na ang pamilya mo. Ako ba hindi? Two years, Tasia. Ikaw weeks pa lang. Sumusuko ka na agad. Ang selfish mo, hindi mo ba alam na..." Naputol ang sinabi niya na parang nahihirapang sabihin iyon. Nanatili lamang akong nakatalikod sakanya.

"Na nag aalala ako sayo?" Nagulat ako nang narinig na nabasag ang boses niya, humarap ako at nakitang bumagsak ang luha niya. Hindi ko alam ang gagawin ko nung oras na iyon, bakit ganyan ka Jett? Bakit ginagawa mo sa'kin to?

Lumapit ako sakanya at niyakap siya. Napahagulgol din ako. Parang ngayon ko lang gustong ilabas yung nararamdaman ko nang mga nakaraang araw. Yung sobrang pangungilila sa pamilya ko. Iniyak ko lahat iyon sa bisig niya.

"I'm sorry kung ang selfish ko Jett, hindi ko na kaya, hindi ako sanay nang ganito eh, hindi ako sanay na mahiwalay kay Daddy, sa mga kaibigan ko." Niyakap niya lang din ako pabalik. Medyo tumahan na ako at hinarap niya ako sa kanya at pinunasan ang mga luha ko gamit ang kamay ko. Inayos niya din ang buhok ko.

"Tama na Tasia, hindi ka magandang umiyak." Sabi niya at humalakhak. Pinalo ko siya sa dibdib niya dahil sa sinabi niya. Nagawa pa talagang magbiro!

Hiniga na niya ulit ako at sinabing sandali lang. Patagal nang patagal, lumalalim ng lumalalim. Kailangan kong pigilan na to, pero paano? Bumalik siya dala ang isang kumot. Binalot niya sa'kin iyon. Manipis lang iyon pero nakatulong naman. Aalis na sana siya nang hinawakan ko yung kamay. 'Di ko alam pero ayokong umalis siya.
Tumingin siya sa akin at nagtaas ng kilay.

"D-d-ito ka muna please." Pakiusap ko.

•enjoy•
Share your thoughts!

City of ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon