Chapter 23

43 2 0
                                    

Chapter 23

"Siguro ay noong mga nakaraang araw ay nagtataka kayo ng kasama mo kung bakit parang wala ng zombies. Ito ang sagot, kinulong ko silang lahat dyan. Amazing, right?" A-ano? Paano niya ginawa yon? Seryoso ba siya?

"Nagbibiro ka lang 'di ba? Paano mo magagawa yun eh babae ka lang!"

"Minamaliit mo ba 'ko?" Sabi niya at tumingin ng malamig sa'kin.

"Alam mo, wala yan kung babae ka man or lalaki. Alam mo bang nasa lungga tayo ng mga zombies? Yung lawa na pinuntahan niyo. Dyan sila lagi. At etong bahay na to. Marami rin sila dito. How did I do that? Simple, ang mga zombies ay parang uhaw sa mga tao. Once na makakita sila ng tao para silang nakakakita ng pagkain. So, what I did is, ofcourse may pain ako. Alam mo kung ano? Gumawa ako malaking manika na gawa sa mga unan. Walang utak ang mga zombies, Tasia. Kaya nagawa ko yon. Itong lugar na ito ay ginawa ko. Matagal ko nang plano ito. Pero hindi madaling gumawa ng kulungan na ganito kalaki. Kaya natagalan ako." Humarap siya sa'kin.

"And now is the right time. Tagumpay ang plano ko. Pero hindi pa ako kuntento. Gusto ko makulong ko din kayong dalawa dyan. So, habang wala pa ang kasama mo, pwede ka pang magdasal dasal. Pero, one thing is for sure, Tasia. Magiging isa ka din sakanila." Sabi niya at ngumisi sa'kin. Shit! Nakakatakot siya! Dapat ay wag na akong mahanap ni Jett para hindi na siya madamay. Base sa sinabi niya ay parang malapit lang kami sa lawa. Hindi ako pwede mahanap ni Jett. Okay na yung ako nalang ang mamatay. Sobra na ang paghihirap ni Jett dito. Kaya hindi ko hahayaang maging zombie siya. Dalawang taon siyang nakipagsapalaran sa mga zombies. Hindi ko hahayaang masayang lamang yon dahil sa kabaliwan ng babaeng to.

"Hindi siya pupunta dito, Jess. Wag ka nang umasa" madiin kong sinabi sakanya. Humalakhak siya ng malakas.

"Oh, okay. You say so. Numb girl." Ngumiti siya sa'kin ng nakakatakot.

"Ano bang nagawa namin sayo?! Bakit pati kami ay dinadamay mo? Dapat magtulungan nalang tayo kung paano tayo makakaalis dito!"

"May mga bagay na dapat hindi niyo malaman. Lalo na ikaw. May sikreto ang lugar na ito Tasia. At hinding hindi ko hahayaang malaman mo yon. Dahil pag nalaman mo... for sure yayanig ang pagkatao mo." Anong sinasabi niya? Sikreto?  May sikreto ang lugar na ito?

"Sikreto? Anong sikreto? Bakit hindi ko pwedeng malaman? " Naguguluhan kong tanong sakanya.

"Sinabi ko na sayo. Hindi mo pwedeng malaman, hanggat wala la ang kasama mo." Pagkasabi niya nun ay bumukas ang pinto. Nagulat ako nang makita si Jett! Shit! Lagot na!

"Oh, hindi ko alam na ganito ka kabilis mahahanap ng lalaking 'to. " Ngumisi siya. Lalapit na sana sakanya si Jett nang itunutok ng babae ang baril kay Jett.

"Jett! Wag kang lalapit! "Sigaw ko.

"Lumapit ka, sige lang. Sisiguradahin kong bago ka makalapit ay parehong sasabog ang ulo niyo. "Sabi ni Jess at ngumisi kay Jett. Ngumiti din sakanya si Jett.

"Tama ako. Buhay ka pa din."Ngumisi si Jett.

"Kamusta naman ang pagmamanman sa'min? "Umigting ang panga ni Jett. 

"Well, it's boring. It's like I'm watching a boring romance novel. Sa sobrang pagka bored ko nga ay gusto ko na kayong patayin. Nakakasuka kayo. "Nakangiti pa rin niyang sabi. Nakakatakot siya. Parang bawat salitang lalabas sa bibig niya ay kayang kaya niyang gawin.

"Really, Jess? " Sandali, bakit niya kilala si Jess?

"I'm glad that you still know me, my dearest bestfriend Jett. "Bestfriend?! Magkaibigan sila?

"Ofcourse, paano kita makakalimutan, Jess. It's your fault why we're here." Nakita ko ang galit sa mata ni Jett. Nanatili lang akong nakatunganga sakanila dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. Pero ano? Kasalanan ng babaeng to kung bakit sila napunta dito? Paano?
Lalong ngumisi si Jess.

"You should be thankful Jett. Kung hindi ko kayo isinamang dalawa ni Beatrix dito sa lugar na ito ay malamang hindi mo makikilala ay kapatid niya. Anastasia." Sabi niya at tumingin sa'kin. Pati ba naman yun alam niya? 

"Thank you, then." Sabi ni Jett at nilabas din ang baril niya. Lalong humigpit ang hawak sa akin ni Jess.

"Hindi mo ako kayang barilin, Jess." Sabi ni Jett nang nakangisi kay Jess. Sumulyap siya sa'kin.

"Yeah, pero kayang kaya kong barilin ang babaeng 'to." Itunutok niya sa ulo ko ang baril niya. Shit!

"Don't. You. Dare." Nagaalab na ang tingin ni Jett sa babae.

"Oooh,  I'm so scared, Jett." Bakas ang sarkastiko sa boses ni Jess.

"Ano ba talagang kailangan mo sa'min ha?!" Sigaw ko sakanya

"Shut up, sinabi ko na sainyo nakakasuka na kayo." Idiniin niya ang baril lalo sa ulo ko. What the hell. Ano bang kabaliwan ng babaeng to?!

"Pakawalan mo na siya Jess. Ako naman ang kailangan mo hindi ba?"

"Woah. Do you think that I'm still into you?" Nakita ko ang sakit sa mata ni Jess. Sandali, may gusto ba siya kay Jett? What the?!

"Oo, please pakawalan mo na siya Jess."

"Papakawalan ko siya pag sumama ka sa'kin na lumabas sa lugar na ito Jett! Iaalis kita sa lugar na to! Alam ko ang daan! " desperadang sigaw ni jess. Satingin mo papayag siya? Umasa ka!

Nanatiling tahimik si Jett. Wait... hindi niya ako iiwan dito, 'di ba? Please jett...

"Sige, sasama ako sayo. "

° enjoy °

City of ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon