Chapter 28

36 1 0
                                    



"A map?" Napatingin ako kay Jett sa sinabi niya.

"Yeah. Pwede sana nating malaman kung nasaan ang daan palabas. Nakita ko iyon nung hinahanap kita pero wala ako sa sarili kaya hindi ko nakuha agad yun. I was so worried."

"I guess, hindi na talaga tayo makaka alis dito." Mapait akong ngumiti sakanya. Kailangan ko nang tanggapin ang katotohanang yon.

"No, may pag asa pa. Remember, natext mo si Beatrix?" Walang pag asa sa babaeng yun.

"Oh ano naman? Umaasa ka bang ililigtas tayo nun? Eh siya nga nagpadala sa'kin dito eh." Napailing nalang ako sa sinabi niya at tinapos na ang pagkain. Nanatili pa rin siyang nakaupo.

"I have this feeling na malalaman yun ng Daddy mo. Sana. Sa ngayon dun nalang tayo aasa. Kung lilipas ang isang linggo, wala pa ring tumutulong sa'tin itutuloy natin ang unang plano. Lalabas tayo dito at hahanapin kung saan ang labas." Sabi niya at tumayo. Pumunta siya sa may bintana at binuksan yun. Nasa taas kami kaya, okay lang. Nakita kong sumilip siya sa baba.

"Madami nanamang naka abang na zombies sa baba." Sabi niya sakanyang sarili.

Zombies. Naalala ko nung araw na pumunta ako dito. Hindi ako hinatid nung driver wala pa man sa eksaktong papasok ng Pripyat. Naalala kong nilakad ko pa nun yung hotel.

"Hotel." Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun pero isa lang ang alam ko. Kapag nakita namin ang hotel na yun ay ibigsabihin malapit na kami sa exit ng Pripyat.

"Huh?" Napatingin si Jett sa'kin. Nagtama ang tingin namin.

"Hotel. Malapit sa isang hotel ang labasan ng Pripyat." Sabi ko habang diretsong nakatingin sakanya.

"Hotel? Paano mo naman nasabi yan?"

"Nung unang araw ko dito hindi ako hinatid ng driver sa eksaktong Pripyat. Nilakad ko pa iyon hanggang sa may nakita akong hotel. Pumasok ako dun at doon na ako nakakakita ng zombies." Iniwas ko ang tingin sakanya.

"Kailangan nating mahanap yung hotel na iyon." Sabi ko nang wala sa sarili. I badly need to get out to this shitty place. Patagal ng patagal ay pakiramdam ko ay nawawala na ako sarili ko.

Naramdaman kong lumapit sa'kin si Jett at umupo sa gilid ng kama. Sinulyapan ko siya pero umiwas din ng tingin. Hindi ko kayang tignan siya nang matagal. Pakiramdam ko kasi hindi ako yung kilala niya dating Tasia.

"Anong nangyari sayo, Tasia? Bakit simula nung nangyari kahapon parang hindi na ikaw yung dating nakakangiti pa rin kahit nasa ganitong klaseng lugar?" Pakiramdam ko ay nagiinit nanaman ang mata ko sa sinabi ni Jett. Hindi ko din alam Jett. Siguro nagsasawa na ako sa lahat. Pagod, pangungulila sa pamilya ko. Nag samasama na lahat na hindi ko na kayang ngumiti.

Tinitigan ko si Jett. Nakatingin din siya sa'kin kaya nagtama ang mga mata namin. Nagtagal ang mata ko sa mata niya. Jet black eyes. Blanko lagi ang nakikita ko mata niya. I want to read his eyes. But I can't. Emotionless. Anong iniisip mo, Jett?

Nagiwas ako ng tingin nang mapansin na kanina pa ako nakatitig sakanya. Nanatili pa rin ang mata niya sa'kin.

"Tasia, smile please. Paano kita ilalabas dito kung ganyan ka? Saan ako kukuha ng lakas kung hindi ka na ngumingiti?"

"Your smile is my strength, so please smile..." 

Iniwas ko ang tingin ko kay Jett. Ba't ba ganyan siya? Masyado siyang ughh nevermind. Hindi ko naman mapipilit yung sarili ko na ngumiti kung hindi ako masaya. I can fake my smile, but It's really obvious when i'm faking my smile. Magmumukha lang akong tanga.

"I can't." Nilagay ko ang tray ng pagkain sa side table at humiga na ulit patalikod kay Jett. I'm sorry, Jett. Narinig kong bumuntong hininga si Jett.

"Okay. Tawagan mo 'ko kung may kailangan ka. Nandyan lang ako sa kabilang room." Narinig kong sinara ni Jett ang pintuan. Nang siguradong wala na siya ay doon palang ako umupo. Hinalamos ko ang kamay ko sa mukha ko.

"Ano bang nangyayari sa'kin?" Bulong ko sa sarili.

Gusto kong magbalik sa dati pero paano? Hindi ko alam. Pakiramdam ko ang bigat ng puso ko. Iniisip ko pa lang yung bukas nanghihina na 'ko. Paano ako makakangiti kung ganito yung nararamdaman ko?

Tumayo at pumunta sa may bintana. Binuksan ko iyon para makalanghap ng sariwang hangin. Tumingin ako sa baba at tama si Jett. Madami nanaman sila sa baba. Bilib talaga 'ko dun kay Jess eh. Nakulong niya lahat ng zombies? Wow. Kung kaya ko lang gawin yun eh.

Sandali, pwede! Kung wala na kaming choice ni Jett ay pwede naming planuhin iyon! Napatawa nalang ako sarili kong kadesperadahan. Wala na 'kong maisip na ibang paraan kung hindi makipag habulan sa mga zombies hanggang mahanap ang pesteng hotel na iyon.

Tanda ko pa ang itsura ng hotel na iyon. Luma na iyon pero hindi gaanong halata kung hindi ka lang papasok sa loob. Wari ko'y yun lang ang nagiisang hotel dito.

Biglang umihip ang hangin kaya nagulo nang bahagya ang buhok ko. Inayos ko iyon at ginawang messy bun. God, I miss styling my hair in front of my vanity mirror. I miss painting. I miss my room. I miss my Art Studio. Magagawa ko pa kaya ang hilig ko noon? Sana...

Si Daddy kaya kamusta na? Miss ko na siya... gusto kong umasa sa sinabi ni Jett na baka makita niya ang message ko kay Ate. Pero hindi. Imposible. Si Beatrix pa ba? Eh napaka sama at inggitera nun. Kung hindi ba naman kasi ako tanga ay si Ate pa ang minessage ko. Dapat ay si Dad nalang. May napala pa sana ako. Ngayon ko pa talaga 'to naisip kung kailangan deadbat na ang cellphone ko. Napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa langit.

Maganda ang panahon ngayon. Maulap pero hindi gaanong tirik ang araw. Mararamdaman mo pa rin ang lamig pero hindi na gaya nung dati. Nakaka lungkot na kahit mga ibon ay wala akong makita sa himpapawid. Kami lang ba talaga ni Jett dito?

Tumitig ako lalo sa kalangitan ng makitang may isang helicopter na lumilipad papunta sa gawi namin. Teka napadaan lang kaya ito?! Pero hindi... imposible. Base sa nakita ko sa mga tao sa ukraine ay takot silang pumunta sa Pripyat.

Pero kahit papaano ay umaasa ako na dito maglalanding ang helicopter. Oh God, please...

"JET!"

• enjoy •

Short update? Sorry. Bawi ako sa Chapter 29. 😊

Follow my watty acc.

/ rosey_quin

City of ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon