Chapter 8
•Devil Sister•
Beatrix POV
"Uhmmmm baby" Ungol ko habang nagm-make out kami ni- sino nga itong kasama ko? Nevermind! Natigil ako nang tumunog ang cellphone ko. Tinulak ko ang lalaking nasa harapan ko at hinanap ang cellphone ko. Nakita kong si Daddy iyon. Bigla akong kinabahan, alam niya na kaya nawawala si Tasia? Sinagot ko ang telepono at lumabas na.
"Beatrix. Go to my office. Now." Yun lang ang sinabi niya at binaba na. What the?! Anong problema nanaman ni Daddy? Si tasia ba? Alam na ba niya na nawawala siya?
Speaking of Anastasia, i wonder kung buhay pa ba siya o zombie na? Natutuwa talaga ako kapag iniisip kong hinding hindi na siya babalik dito. Sakin lahat mapupunta ang ari-arian ni Daddy plus sa'kin lahat ang atensyon ni Daddy.
Si Jett kaya? Im sure zombie na rin siya. Sa totoo lang minahal ko naman siya eh. Pero hindi yung pagmamahal na magpapaiwan ako sa mga zombies dun. No! Never! Siya magisa niya!
Nakasakay na ako sa kotse ko at pinaharurot papunta sa company namin. Ang company na gusto ni Daddy na kay Anastasia mapunta. Hinding hindi ako papayag! Halos lahat ako ang nagtrabaho dito. Siya wala siyang ginawa kundi mag bar, pumarty, magshopping tapos mapupunta sakanya ito?! Hell no!
Tapos ang dahilan niya kaya siya nagba bar ay dahil sa fiance niya? Ang fiance niya na inagaw niya lang sa'kin! That bitch! Si renzo lang ang minahal ko sa buong buhay ko tapos aagawin lang niya?! Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga ginawa niya sa'kin.
Kaya naalala ko noon ang Pripyat at gumawa ng plano para mapunta siya doon. Sinakto kong nasa business trip si Daddy at nakapatay ang phone para 'di siya matawagan ni Tasia.
Bumaba na ako sa kotse at pumunta na sa office ni Daddy.
"Good afternoon ma'am Beatrix" Nginitian ko naman sila ng plastik at nag good afternoon din. Ugh, kailangan bang lagi kong gawin iyon? Pero kailangan kong imaintain ang pagiging mabait ko sa paningin nila at maldita naman sa kapatid ko.
"Dad." Umupo ako sa upuan sa harap niya.
"Trix, may alam ka ba na nawawala ang kapatid mo?" Dahan dahan niyang sabi sa'kin.
"What?! Si anastasia nawawala? Kailan pa?!" Kunwaring nag alala ako para hindi ako mapagdudahan ni Daddy.
"Are you sure hindi mo alam Beatrix?"
"Dad pinagbibintangan mo ba ako? Alam kong may alitan kami ni Tasia pero mahal ko ang kapatid ko kahit inahas niya sa'kin si Renzo!" Kunwaring galit ko.
"How many times do i have to tell you that Renzo is the one who flirted to Tasia? And tasia, he is her first love!" Paliwanag ulit ni Daddy, ilang boses ko nang naririnig yan!
"Pero alam niya na boyfriend ko si Renzo nun! Kayang kaya niyang umiwas Da-"
"ENOUGH! Siguraduhing mong wala kang kinalaman dito magpapaimbestiga ako, once na nalaman kong may kinalaman ka dito, i swear itatakwil kita!"
"WHAT?! God you're impossible!!" Tumakbo na ako at umalis na nang umiiyak. Kaya niya akong itakwil para lang sa babaeng iyon. Ang babaeng walang ginawa kundi pasakitin ang ulo niya?!
Tinawagan ko si Endrix ang kaibigan kong investigator dahil alam kong siya ang tatawagan ni Daddy. At may gusto sa akin si Endrix kaya for sure hindi siya makaka-hindi sa'kin.
"Hi Endrix! Are you free tonight?" Sabi ko nang malambing na tono.
"Oh Beatrix! Sure saan tayo?" Sabi niya.
"My condo. See you tonight. Bye." Sabi ko nang malambing pa rin.
Daddy, I'm sorry but hinding hindi ko papayagan na may malaman ka na kahit anong kuting na pruweba para itakwil mo 'ko. And Ginagawa ko na din to para sa'kanya dahil alam kong zombie na si Tasia ngayon. Magsasayang lang siya ng oras para pumunta pa sa Pripyat. I smiled devilish.
"Tasia, tasia, my dearest sister. I'm sorry but nararapat kang maging zombie dyan."
•enjoy•
Share your thoughts! I would love to hear it!
BINABASA MO ANG
City of Zombies
Mystery / ThrillerIn a city full of zombies, will Anastasia survive?