Chapter 4

69 2 0
                                    


• Anastasia POV •

Naglilibot lang ako sa mansion na ito nang umakyat si Jet. Napansin kong malaki ito at parang bahay ng bampira dahil madilim. Nakita ko yung mga larawan ng dating nakatira dito, buong pamilya sila.

Naalala ko si Daddy, okay lang kaya siya? Sigurado akong hindi siya ang nagpadala sa'kin dito. Posibleng si ate dahil malaki ang galit sa'kin non. Pero ayokong magisip muna nang masama sakanya. Siguro naman kahit galit siya sa'kin hindi niya kayang gawin yon. Kapatid niya ko eh. Tama. Kapatid niya ako kaya hindi niya magagawa iyon. Kumbinsi ko sa sarili.

Tinignan ko yung pintuan, gusto kong lumabas. Siguro naman walang zombie noh? Kailangan kong makalanghap ng sariwang hangin. Pumunta na ako sa pintuan at binuksan iyon.

Ngunit may mga zombies palang naka abang doon at narinig ang pag bukas ng pinto.

"JETTTTTTT!" Sigaw ko at umaasang maririnig niya ako. Dali dali akong pumunta sa likuran ng pintuan para harangan bago pa sila maka pasok. Nagawa kong harangan iyon ngunit medyo madami sila. Shit! Naipit pa ang mga kamay nila sa siwang ng pintuan kaya hindi ko masara iyon ng lubusan.

Bigla na lamang may bumaril sa kamay ng mga zombies at nakitang si Jet iyon. Dali dali ko nang sinarado at nilock ang pintuan. Napasandal nalang ako sa likod ng pintuan at dumausdos pababa. Muntik na ako dun!

"BAKIT MO BINUKSAN ANG PINTO?! HINDI MO BA ALAM KUNG GAANO KADELIKADO?!" Nagulat ako sa sigaw ni Jet. Nakakatakot siya. Tsaka paano niya nalamang binuksan ko iyon?
Biglang huminahon ang mukha niya at bumuntong hininga na parang isa akong malaking pabigat sa kanya.

"Hindi alam ng mga zombies kung paano buksan ang pintuan. Kaya please lang, wag na wag kang magbubukas ng kahit ano, bintana o kahit ano man yan. Masyadong delikado." Paliwanag niya. Tumango na lang ako.

"Pasensiya na. Hindi ko alam. Pasensiya na nagkaroon ka nang pabigat ah? Wag kang magalala, wala na akong pakikialaman dito." Sabi ko. Ngunit nagtataka lamang ako, paano kaya siya kumakain? Saan siya kumukuha ng pagkain?

Naalala ko yung malaking bag na dinala ko. Naiwan yung luggage ko nung hinabol ako ng mga zombies. Buti na lamang at puro damit lang ang naroroon at ang mga pinaluto kong pagkain at sandwiches ay naroroon sa bag.

Pinuntahan ko yung bag ko at tinanong kung kumain na ba siya.

"Kumain ka na ba? Meron akong pagkain dito! Buti na lamang at nagdala ako!" Magiliw kong sabi sa kanya. Lumapit siya sa inuupuan ko at umupo rin doon. Kinuha ko yung sandwich at inalok sa kanya.

"Gusto mo?" Tanong ko sakanya nang nakangiti. Kinuha niya iyon, at tipid na ngumiti rin. Napapatitig ako sa kanya ng ngumiti siya. Shit, ang gwapo pala talaga nitong kasama ko!

"Sabi ko 'di ba wag mo akong pagpantasyahan? Anyway, thank you sa sandwich. Meron namang pagkain sa taas." Sabi niya.

"Huh? Saan ka nakakakuha ng pagkain dito?"

"Malaki ang lugar na ito. Madaming convenient store. Buti na lamang ng sumabog ang lugar na ito ay hindi gaanong napinsala ang ibang mga store." Paliwanag niya.

"Oh. So, lumalabas ka din pala dito?"

"Kailangan. Dahil kung hindi, baka hindi nga ako maging zombie, mamamatay naman ako sa gutom."

Tumango-tango nalang ako at Nanahimik na inubos yung sandwich. Tatayo na sana ako nang bigla siyang may tinanong.

"May kilala ka bang Beatrix?" Laking gulat ko nang kilala niya ang Ate ko.

"Beatrix Fleur?"

"Oo."

"Ate ko iyon! Bakit mo siya kilala?" Nakita ko ang gulat sa mata niya nang tumingin siya sa akin. At mabilis na umiling.

"Wala. Tara na, ihahatid kita sa taas, dun sa kwarto mo." Magtatanong pa sana ako kaso umakyat na siya. Bakit niya kilala ang ate ko? Weird. Nagkibit balikat na lang ako.

Umakyat na din ako at nakitang mas malaki pala sa taas, sa hagdan pa lamang makikita na ang napaka laking chandelier at ang mga kwarto ay higit sa lima. Nakita ko si Jet dun sa pangalawang pintuan ng mga kwarto.

Pinagbuksan niya na ako nang pintuan at pumasok na. Nakita kong, doble ang laki nito kesa sa kwarto ko sa bahay namin. May kulay black na queen size kama. At may side table. Bukod don ay puro kurtina na ang nakita ko. Madalim din at lamp shade lang ang nakabukas.

"Kung may kailangan ka, nasa unang kwarto lang ako. Magpahinga ka na." Aalis na sana siya nang naalala ko si Ate Mildred tinanong ko kung saan ang kwarto niya.

"Sa pangatlong kwarto." Sabi niya at umalis na. Napahiga nalang ako sa kama ngunit napaubo nang medyo maalikabok iyon. Naghanap ako nang damit at hinampas hampas iyon sa kama para maalis ang alikabok. Nang pakiramdam kong wala na ay humiga na ako.

Naisip kong ano na kaya ang mangyayari sa'kin sa lugar na ito. Makaka alis pa kaya ako dito? Napapikit ako nang mariin sa iniisip ko. Hindi! Makakaalis din ako dito! Kailangan kong magisip ng positibo. Nakaramdam ako nang antok at bago ipikit ang mata may nakita akong nakasulat sa salamin doon.

CITY OF ZOMBIES.

• enjoy •

City of ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon