SILENT SCREAM
---
Chapter 1
Marian's POV
Alas-singko na ng umaga ng makarating kami sa Resort ng kaklase ko. Bumaba ako sa maliit na bus na inarkila namin at pinagmasdan ang lugar. Medyo luma na ang mga nakatayong building dito pero mapapansin mo parin ang ganda ng pagkakagawa. Malaki rin ang pool at siguradong nalinis na'to bago pa man kami dumating.
May kalayuan ang Resort na'to sa Siyudad. Parang nasa mataas at magubat na parte kami kung tutuusin. Maraming puno at matatarik ang daan. Marami 'ring bangin sa dinaanan namin kaya doble ingat kami. Dito namin napag-pasyahang mag-bakasyong magka-kaklase since pag-mamay-ari ito ng pamilya ng kaklase kong si Aki kaya hindi na namin kailangang mag-bayad ng malaking halaga para lang makapag-bonding kaming lahat. Nag-desisyon kami na mag-bakasyon dahil tapos na ang school year at malamang sa susunod na pasukan ay hindi na namin magiging kaklase yung iba sa kanila.
"Marian! Tara na! Room 103 daw tayo nila Cindi." Tawag sakin ng kaibigan kong si Pamela.
"Oo. Susunod na. Kukunin ko lang yung maleta ko sa bus." Ako.
"Sige! Basta Room 103 ha. Sunod ka nalang."
Tumango nalang ako sa kanya at dumiretso sa bus para kunin ang maleta ko.
Naramdaman ko na parang may tao pa sa loob ng sasakyan kaya sinilip ko ang bawat upuan para makumpirma kung may tao pa nga ba. Nakarating ako hanggang sa dulo at dun ko nakita ang si Lloyd. Nakaupo sya sa seat nya, nanginginig at paikot-ikot ang mata na para 'bang takot na takot.
"Lloyd?" Tawag ko sa kanya.
Hindi nya ko pinansin at patuloy parin sya sa ginagawa nya.
"Lloyd. Uhm. Nagsibabaan na silang lahat. Wala ka bang balak bumaba?" Tanong ko sa kanya.
Wala kong nakuhang sagot kaya pumihit na lamang ako patalikod at uumpisahan na sanang maglakad papalayo sa kanya nang tinawag nya ang pangalan ko.
"M-Marian.." Nauutal nyang saad.
Humarap ako sa kanya pero ganun parin ang posisyon nya. Ang weird nya talaga.
"Bakit?"
"A-Alis n-na tayo.." Aniya.
"Huh? E kakarating pa'lang natin dito. Tska ang laki ng pool. For sure mag-eenjoy ka."
Luminga-linga pa sya na animo'y may hinahanap at saka nagsalita nang pabulong.
"Shhhh.. nakita ko sya." Sya.
"Ano? Sinong sya?" Ako.
Luminga-linga ulit sya at saka nagsalita.
"Nakita ko sya! Nakatingin sya sa'tin.. papatayin nya tayo. Hahahaha! Mamamatay tayong lahat! Wag kang maingay!" Sya.
"A-ano 'bang pinagsasabi mo? Tumigil ka nga." Saad ko sa kanya.
"Hindi! Hahabulin nya tayo! Papatayin nya tayo!-" Hindi pa sya natatapos na pagsalita nya ay nagsalita na ako.
"Nababaliw ka na Lloyd! Tumigil ka nga! Kung ayaw mong bumaba, pwes bababa na'ko. Sumunod ka nalang dun kung gusto mo." Tumakbo nako palabas ng bus dala-dala ang maleta ko. Ewan ko. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa sinabi nya pero alam ko namang baliw lang talaga sya kaya kung ano-ano ang lumalabas sa bibig nya.
Wala nang masyadong tao nang makapasok ako sa resort at malamang ay mga nagpapahinga na yun sa mga kwarto nila. Pumasok ako ng building at umakyat sa First floor. Hinanap ko ang Room 103. Buti nalang nasa pangatlong pinto lamang ito.
Kumatok ako at pinagbuksan naman ako ni Cindi.
"O? Marian? Bat parang pawis na pawis ka? Anong nangyari sayo? Hahaha! Haggard ah! Para kang galing sa gera."
"Nagmadali lang sa pag-akyat. Si Lloyd kasi, ewan ko ba dun. Inaalboroto na naman." Saad ko.
"Hay nako. Bat mo pa kasi kinausap. Hahaha." Sya.
"E kung pinapapasok mo nalang kaya ako diba?"
Gumilid sya sa pinto at pinapasok ako.
"Ok na Ma'am? Satisfied ka na? Higblood na highblood e 'no. Pfft." Natatawa nyang saad sakin.
Hays. Pumasok ako sa kwarto at di nalang sya pinansin. May kalakihan naman ang kwarto na'to. May dalawang kama at isang sofa. May cr din na maliit sa bandang dulo.
"Teka. Asan nga pala si Pamela?" Tanong ko kay Cindi.
"Nasa Cr. Naliligo. Haggardo Bersosa daw sya kaya kailangan nyang magpaka-fresh. Ikaw teh? Wala kang balak?" Sagot nya.
"Ewan ko sayo. Magpapahinga na muna ako." Ako.
Humiga ako sa kama at pinikit ang mga mata ko. Nakakapagod.
---
Lloyd's POV
Ayaw sakin maniwala ni Marian. Walang maniniwala sakin alam ko. Pero nakita ko talaga sya. Nakakatakot. Gusto ko na umuwi. Wala na rin yung driver dito sa bus at kung nasa akin lang ang susi baka kanina ko pa'to pinatakbo. Hindi ko alam kung nasundan nya kami basta ang alam ko kailangan ko nang magtago. Pero hindi. Wag sa loob. Dito. Dito lang ako. Papatayin nya kami. Ayoko. Hindi nya ko makikita. Kailangan kong maghanda. Ayoko 'pang mamatay.
Tumayo ako at dahan-dahang naglakad papunta sa pintuan ng bus. Sinara ko ito at nilock. Ngayon ligtas nako. Hindi nya ko mapapatay. Magtatago lang ako dito. Tama. Dito lang ako.
Narinig kong may kumakaluskos sa labas kaya naman sumilip ako sa bintana at nakita ko sya. Sya nga! Nakatalikod sya sa'kin kaya hindi nya ko nakikita. Pumasok sya sa resort na tinutuluyan ng mga kaklase ko.
Ito na. Mag-uumpisa na.
Umupo na lamang ako dito sa loob ng bus at sinigurado ang aking seguridad.
Dadanak ang dugo ngayong gabi at sisiguraduhin kong makakaalis ako dito ng buhay.
End of Chapter 1
---
A/N: Feel free to share your feels, guys! Dont forget to hit the vote button. Spread love! <3
BINABASA MO ANG
Silent Scream
HorrorHighest Ranking #13 (Horror) -- "Andyan na sya! Papatayin nya tayong lahat! Umalis na tayo dito! Magtago ka na! Shhh.. wag kang maingay. Nakatingin sya sa'tin! Papatayin nya tayo! Hahahahahaha!"