SILENT SCREAM
---
Kath's POV
Pumasok ako sa parking lot at may nakita akong elevator na mukhang konektado sa Lobby ng isang building sa Resort na'to. Buti nalang at nasa bulsa ko lang ang cellphone ko at nagagamit ko ang flashlight nito para kahit papano ay magkaroon ng liwanag. Dumiretso ako sa Elevator at pinress ang button papuntang lobby. Buti nalang unti-unting naka-recover ang katawan ko mula sa pagkakabagsak ko sa bangin.
Tangina ng elevator na'to. Ang bagal. Hindi nako makapag-timpi.
Nang bumukas ang pintuan ng elevator ay dumiretso ako sa kitchen ng lobby. Mukhang isa 'to sa mga building na hindi nagagamit kaya kitang-kita mo ang alikabok na nakadikit sa mga gamit.
Kumuha ako ng itak para kung sakali 'mang makatapat ko ang killer ay meron akong magagamit para maprotektahan ang sarili ko.
Isa lang naman ang gusto kong gawin.
Ang makipagpatayan sa kung sino 'mang gustong pumatay sa'min.
Hindi pako nakakalabas ng lobby nang may marinig akong sumabog. Pag-silip ko ay nakita kong nasusunog na ang isang building dito.
Dumiretso ako sa pinang-gagalingan ng sunog at may nakita akong tao na tumatakbo papalayo sa building na'to. Mukhang naramdaman nya ang presensya ko kaya't napatingin sya sa direksyon ko.
"K-kath?!" Gulat na gulat nyang saad. Kitang-kita ko pa kung paano manlaki ang mga mata nya.
Napatingin ako sa coat at maskarang hawak nya. Napangisi na lang ako nang mapagtanto ko ang katarantaduhang ginagawa nya. So hindi lang pala isa ang pumapatay. Marami sila.
Kaya pala walang kahi-hirap syang nakatakbo kanina papalayo samin. Kaya pala. Ngayon nabigyan ko nang linaw ang lahat. Tangina.
"Kamusta Andrei? Masaya ba?" Saad ko sa kanya habang nakangisi.
"K-kath.. anong ginagawa mo dito?! Akala ko patay ka na?!" Aniya.
Napangisi ulit ako dahil sa sinabi nya. Halata sa mga mata nya ang takot. Takot sa akin.
"Maraming namamatay sa maling akala, Andrei." Saad ko.
Sinubukan nyang lumapit sakin ngunit bago nya pa magawa iyon ay nagsalita ulit ako.
"Subukan mo lang lumapit. Magkaka-patayan tayong dalawa." Sabi ko habang nakatingin sa kanya ng diretso.
Umatras sya at saka ulit nagsalita.
"Ayokong kalabanin ka, Kath. Pero may paraan pa para hindi ka madamay sa gulong 'to." Saad nya.
Napatawa ako nang marinig ko ang mga salitang lumabas sa bibig nya.
"Hindi madamay? Pasensya na ha. Pero mukhang sa umpisa palang, dinamay nyo nako." Ngumisi ulit ako sa kanya at nakita kong napalunok sya dahil sa sinabi ko.
Ganyan nga, Andrei. Kabahan ka pa.
"Kath. Sumama ka sa'min. Patayin natin silang lahat." Aniya.
Mukhang naghahanap sya ng paraan para hindi nya ko makalaban. Hindi nya alam na tuso rin ako kagaya nya. Kapag pumayag ako sa alok nya, ito ang magiging daan para mahanap ko ang iba naming kasama at para malaman kung sino pa ang ibang pumapatay.
Gusto nila ng laro? Pagbibigyan ko sila.
"Dahil kaibigan kita, Andrei. Papayag ako sa gusto mo. Saan tayo magsisimula?" Painosente kong tanong.
"Kaibigan nga talaga kita, Kath. Sumunod ka sakin." Sagot nya.
Sumunod ako sa kanya at nakarating kami sa isang stock room na medyo may kalayuan sa mga building na nakatayo dito sa loob ng resort.
Inabot nya sakin ang isang coat at maskarang pang-demonyo pati na'rin ang isang palakol.
"Kapag may nakita ka, patayin mo. Sigurado akong mag-eenjoy ka sa larong 'to." Saad nya habang nakangiti sakin. Ginulo nya pa ang buhok ko na parang bata.
Ganyan nga, Andrei. Kung paano ako nahulog sa bangin, ganun kita ihuhulog sa patibong ko.
Jennie's POV
Sumandok pako ng isang sandok ng kanin at sinimulan ulit lumamon. Siguro naman hindi ako mapapansin ng killer dito sa kusina kasi ang dilim-dilim dito at alam ko namang busy yun patayin ang iba kong kasama.
Tanggap ko na ang kamatayan ko kung sakali pero mas ok nang mamatay na busog kesa gutom. Baka mamaya habang nasa bangka kami ni kamatayan biglang kumulo ang tyan ko. Nakakahiya naman yun diba.
Lumagok ako ng isang bote ng alak. Shet. Mukhang malalasing pako bago ako mamatay. Bigla akong nahilo dahil sa ininom ko. Tangina. Ang bilis ko talagang malasing kahit kailan.
Dumakot ako ng isang dakot na piattos at ginawa itong pulutan. Sayang wala man lang akong kainuman. Pero mas ok na'to. Atleast solo ko lang yung mga pagkain.
Habang nakikipag-inuman sa sarili ko ay may biglang umupo sa harapan ko. Hindi ko makita ang mukha nya dahil naka-maskara sya.
"Waw pre! Halloween ba ngayon? HAHAHAHAHA!" Hindi ko maiwasang matawa dahil sa itsura nya. Mukha syang tanga.
Hindi sya nagsalita kaya muli ko syang kinausap.
"Ok naman yung props mo, *huk* pre. Hindi ka ba naiinitan dahil sa suot mong coat? Tanggalin mo nga yan!" Saad ko habang sumisinok pa.
Inabot ko sya at pilit kong tinanggal yung coat na suot nya. Inaalis nya yung kamay ko pero wala kong pake. Gusto kong tanggalin yung coat na suot nya.
"Pre ano ba! Naiinitan ako sa suot mo e! Tanggalin mo na!" Bulyaw ko.
Mukhang wala syang balak tanggalin yung coat na suot nya kaya umupo na lamang ulit ako at nagsimula ulit kumain. Hmmp. Bahala sya sa buhay nya. Pag ayaw wag pilitin.
Napansin kong ginalaw nya ang kamay nya at sinimulang tanggalin ang coat na suot nya. Tinaas nya hanggang ilong ang maskara nya at sinabayan nya kong kumain.
"Nagugutom din pala ang mga mascot." Saad ko. Ngumiti sya sakin kaya hindi nako nagsalita pang muli.
Siguro dumiretso rin sya dito sa kusina dahil nakaramdam sya ng gutom. Hays. Imbes na sa akin lang ang pagkain, may kahati pako.
Lloyd's POV
Sobrang dilim na dito sa bus na pinaglalagyan ko. Ayoko namang buksan yung ilaw dahil baka mamaya mapansin ng killer na may tao pa dito sa loob. Kinuha ko ang pinabaon sakin ni Mommy na fita sa bag at sinimulan itong kainin. Hindi pako nagllunch at mukhang itong fita nalang ang makakain ko ngayong dinner.
Habang nakain ng fita na pinabaon sa'kin ni Mommy, hindi ko maiwasang maisip si Kath. Kamusta na kaya ang lagay nya? Sana naman mapatawad nya ko sa hindi ko pagpapapasok sa kanya sa loob ng Bus. Nag-iingat lang naman ako at ayokong magbayad ng malaking halaga sa driver.
May kumaluskos mula sa likod ko kaya hindi ko maiwasang kabahan. Unti-unting nagsitayuan ang mga balahibo ko at dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran. Paglingon ko ay nagulat ako sa nakita ko. May iba na pala syang mahal. Ang sakit. Naalala ko na naman ang ex ko. Si Nene. Kamusta na kaya sya? Hays.
End of Chapter 8
---
A/N: Unti unti lang muna tayo guys. Dont forget to vote and share your feels sa comment box. Share nyo rin 'tong story sa mga friends nyo. Salamat!
BINABASA MO ANG
Silent Scream
HorrorHighest Ranking #13 (Horror) -- "Andyan na sya! Papatayin nya tayong lahat! Umalis na tayo dito! Magtago ka na! Shhh.. wag kang maingay. Nakatingin sya sa'tin! Papatayin nya tayo! Hahahahahaha!"