Scream 4

1.9K 132 20
                                    

SILENT SCREAM

---

Lexie's POV

Tinitigan kong maigi ang mukha ko sa harap ng salamin. Gosh. Ang ganda-ganda ko talaga kahit kailan. Kinuha ko ang lipstick sa bag ko at pinahidan muli ang kissable kong lips. For sure maaakit sakin nito si Aki.

Nakaramdam ako ng pagka-ihi kaya nilagay ko na yung lipstick sa loob ng bag ko at pumasok sa isang cubicle. Kinilig-kilig pako habang umiihi. Hays. Sa ihi nalang talaga ko kinikilig.

Finlush ko ang inidoro. Pinihit ko ang pinto ng Cr para sundan ang mga kasama ko pero hindi ko 'to mabuksan. Mukhang nalock pa ata ako dito sa loob.

Kinalampag ko ang pinto para humingi ng saklolo. Shocks! Ayokong makulong dito buong magdamag.

"Tulong! May tao pa ba dyan?! Nalock ako dito sa loob! Buksan nyo naman 'tong pinto!" Sigaw ko pero parang wala nang tao sa labas at wala nang nakakarinig sakin.

Kinuha ko ang phone ko at sinubukang i-dial ang number ni Karylle pero wala palang signal sa Resort na'to. Gosh. Paano na'to.

May kumalampag sa isang cubicle kaya inaasahan ko na baka may kasama ako dito sa loob.

"Hello? May tao ba dyan?" Ako.

Naglakad ako papunta sa harap ng mga cub. Mas maigi nang may kasama kesa mag-isa dito sa loob 'no.

Ilang oras akong nakatitig sa pintuan ng bawat cubicle para hintaying lumabas yung kasama ko dito pero parang nilamon na ata sya ng inidoro.

Kahit labag sa loob ko ay lumuhod ako sa sahig at sinilip kung may tao ba sa loob. Sa pinaka-dulong cub ay may nakita akong dalawang paa so it means may kasama nga ko dito! Hindi ako nag-iisa. Omg. Tatayo na sana ako nang bumukas ang pintuan ng cub at pag-angat ko ng mukha ko ay nakita ko lalaking nakasuot ng maskarang pang-demonyo at may hawak-hawak na palakol.

"AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!"

Jennie's POV

Naglakad nako palabas ng lobby pero parang may naririnig akong sumisigaw at humihingi ng tulong. Aish. Bahala na nga. Baka sa sobrang busog lang 'to kaya kung ano-ano na naririnig ko. Tama, tama.

Paglabas ko ng lobby, may nakita akong cartolina sa gitna ng daan. Ano kaya 'to? Kinuha ko ito at may nakasulat ditong salita at parang dugo pa ang ginamit na ink para ipang-sulat. Ew.

Mirror, mirror on the wall.
Who's the fairiest of them all?
- EJ

Ano ba yan. Ang korni naman ng nakasulat. Hahaha. Dinala ko nalang ito hanggang sa makarating ako sa gate kung nasaan sila.

"Jennie! San ka ba nagpunta?! Nag-alala kami sayo!" Sigaw sakin ni Hikari.

"E naglabas lang naman ako ng sama ng loob. Ang dami kong nakain e. Sumakit tuloy yung tyan ko. Hehe." Paliwanag ko.

"Buti naman at ligtas ka. Kala namin kung ano nang nangyari sayo e." Phara.

"Hehehe. Ligtas na ligtas. Ako pa ba." Nakangiti kong saad sa kanila at nag pogi sign.

Umupo nalang ako sa gilid at nakiramay nalang sa pinag-gagawa nila. Wala naman ata silang balak sabihin sakin kung bakit sarado ang gate at ayoko namang magtanong dahil tinatamad ako.

"Jennie. Ano yang hawak mo?" Tanong sakin ni CK.

"Ah eto ba. Napulot ko lang 'to sa gitna ng daan. Ang ganda nung kulay nung font e. Parang dugo. Hehehe." Ako.

"Pwedeng patingin kami?" Tanong ni Dinielle.

"Oo naman! Hehehe. Wait." Ako.

Binuklat ko ang cartolina at pinakita sa kanila. Binasa naman nila ito ng sabay-sabay.

Mirror, mirror on the wall.
Who's the fairiest of them all?
-EJ

"Sino namang magsusulat ng ganyan dito at parang dugo nga ang ginamit na ink?" Cindi

"Isa lang ang ibig sabihin nyan. May salamin ang lugar na sinasabi sa cartolina. What if clue yan kung nasaan ang isa sa'tin ngayon?" Seryosong pagkakasabi ni Joro. Ang isa pang weird sa klase.

"Hahanapin namin sila. Dito nalang kayo. Kami nang bahala." Marwin.

"Sasama ako sa inyo." Ani Karylle.

"Wag ka nang sumama. Delikado masyado." Sagot ni Hikari.

"Pero nawawala ang kaibigan ko! Alangang tumunganga lang ako dito habang alam ko na nasa panganib si Lexie?!" Sigaw ni Karylle.

"OA mamsh ha. Ako nga boyfriend ko nawawala di naman ako nag-rereact ng ganyern." Sabat naman ni Rein habang nakataas pa ang kilay.

"Kailan ka pa nagka-boyfriend, Rein?" Tanong ni CK

"Tama na nga yan. Karylle, sumama ka na sa'min kung yan ang gusto mo. Tara na Hikari." Ani Marwin.

Umalis na silang tatlo at natira naman kaming iba dito. Hays. Gutom nako.

Karylle's POV

Natatakot ako. Baka kung ano nang nangyari kay Lexie. Dapat kasi hindi ko sya iniwanan mag-isa. Nakakainis. Ang tanga-tanga ko.

Natigil kaming lahat sa paglalakad nang may narinig kaming sigaw. Sigaw na parang pinapahirapan.

"Marwin.. si Lexie yun!" Sigaw ko.

Tumakbo ako sa lugar kung saan nang-gagaling yung sigaw ni Lexie. Kinalampag ko yung pinto pero naka-lock pala ito sa taas.

"Kailangan natin ng hair pin!" Ani Hikari.

Kinuha ko ang isang hair pin na nakaipit sa buhok ko at mabilis na binigay 'to kay Hikari. Umiiyak na si Lexie sa loob hanggang sa hindi na namin marinig ang sigaw nya.

"Lexie?! Lexie!" Sigaw ko.

Naririnig ko pa ang boses nya pero parang hindi na sya makapag-salita ng maayos.

"Hikari bilisan mo!" Sigaw ko kay Hikari.

Sobrang lakas na ng tibok ng puso ko at pinagpapawisan na'ko.

Unti-unti. Tinanggal ni Hikari ang lock at tuluyan naming nabuksan ang pinto.

Pagpasok namin, bukas na bukas ang bintana sa taas at wala na yung taong nagpa-hirap kay Lexie. At si lexie..

Nakahiga sa sahig. Duguan. Tapyas din ang kapiraso ng labi nya. Parang pilit itong hiniwa. At yung dila nya ay nakita namin sa lababo. Siguro ito ang ginawang paraan ng demonyong yun para hindi makasigaw si Lexie. Nakakalat din sa sahig ang utak nya na parang inuntog sya ng ilang beses sa sahig.

Hindi ko magawang lumapit sa kanya. Tuluyan nakong naiyak at lumabas ng CR.

Saksi ako sa pagkamatay nya at  kasalanan ko 'tong lahat.

Marwin's POV

Nilapitan ko ang bangkay ni Lexie at tinitigan syang mabuti. Kung ano man ang trip ng taong pumatay sa kanya ay hindi ko alam. Basta ang alam ko, papatayin nya kaming lahat.

Kinuha ko ang Cam ko at nagstart ulit mag-video.

"I am Marwin Acosta. Isa akong vlogger at gusto kong ipaalam sa inyo ang mga nangyayari ngayon." Napansin kong nakatingin sa'kin si Hikari pero hindi nalang ako umimik.

"Pumunta ako dito sa Miya Resort para magbakasyon at mag-spend ng time together with my classmates. Pero hindi ko inaasahan ang mga susunod na pangyayari. May isang tao na gustong-gusto kaming patayin lahat. Kinulong nya kami sa Resort na'to at ngayon.."

Hinarap ko ang Camera ko sa bangkay ni Lexie.

"May isa nang namatay kaninang madaling-araw at ngayon, ito naman."

Hindi ko mapigilang malungkot sa harap ng camera.

"Baka ito na ang huling video na mauupload ko o baka wala nang chance para maupload ko 'to. Pero salamat sa suporta nyong lahat and sa Family ko. Kung ano mang mangyari, andito lang po ako palagi. Salamat sa lahat. Bye."

Sinave ko ang video at pinasok ito sa maliit na bag na dala ko.

Masakit man sa loob ko na talikuran si Lexie, inaya ko na si Hikari palabas at bumalik na kami sa mga kasama namin.

End of Chapter 4

---

Silent ScreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon