Scream 20

1.2K 88 19
                                    

SILENT SCREAM

---

Jennie's POV

Bumaba ulit ako sa kusina dahil nakaramdam na naman ako ng gutom. Nag-hain ako ng maraming pagkain sa lamesa para chumibog. Syempre hindi mawawala ang alak. Favorite ko na ata ang alak bilang inumin ko. Kain lang ako ng kain kahit medyo madilim na dito sa kusina. Mas ok na'to. Walang makakakita sakin.

Maya-maya ay may umupo sa harapan ko at parang pamilyar sakin ang itsura nya. Naka-coat syang itim at naka-maskara. Parang nakita ko na sa kung saan ang ganung itsura pero hindi ko lang matandaan.

Iinumin ko na sana ang alak nang bigla nyang hawakan ang kamay ko at pigilan ako sa pag-inom.

"Iinom ka na naman? Gusto mo 'bang masira baga mo?" Tanong nya sakin. Winaksi ko ang kamay nya at saka nagsalita.

"Ano 'bang pake mo? Tska trip ko 'to e. Wag mo kong pakielaman." Saad ko at saka kinuha ulit ang alak at sinubukan itong inumin. Ngunit sa pangalawang pagkakataon ay pinigilan nya na naman ako.

"Ang kulit mo talaga, Jennie." Kinuha nya mula sakin ang bote ng alak at tinapon ito sa sahig.

"Ang kulit mo rin! Bat mo tinapon yung alak ko?!" Bulyaw ko sa kanya.

"Kasi simula ngayon, bawal ka nang uminom ng alak. Kumain ka na lang dyan." Sagot nya. Lumamon nalang akong muli at hindi sya pinansin. Nakakainis sya.

"Ang cute mo." Bigla nyang saad habang kumakain ako. Napatingin ako sa kanya at saka sya siniringan.

"Kung hindi mo tinapon ang alak ko, masaya sana akong nag-iinom ngayon." Saad ko.

"Hindi ka ba masayang kasama ako?" Tanong nya naman sa akin.

"Paano ako magiging masaya kasama ka e hindi naman kita kilala?" Sagot ko sa kanya. Totoo naman e, hindi ko naman talaga sya kilala.

"Pag ba nakilala mo nako, magiging masaya ka nang kasama ako?" Tanong nyang muli.

"Hindi rin! Hmmp!" Sumandok ako ng isa pang sandok ng kanin at lumamon ulit. Muntik pakong mabulunan mabuti nalang inabot nya sa'kin ang isang baso ng tubig.

"Salamat." Saad ko sa kanya.

"Jennie. Wag ka na ulit mag-iinom ha. Makakasama sayo." Malambing nyang sabi sakin. Naramdaman ko ang malakas na tibok ng puso ko dahil sa tono ng boses nya. E?

"Bakit ka namumula?" Tanong nya sakin.

"Hoy! Hindi ako namumula ha! Tska ang dilim kaya. Hindi mo makikita mukha ko kung sakali." Saad ko.

"Hahaha. Kita parin naman kita kahit madilim. Sayo lang naman kasi naka-sentro ang atensyon ko." Aniya. Whaaaaa!!! Grabe. Bakit ganito sya mag-salita. Nakakaramdam ako ng kilig. Ayoko na! Hays.

Tumayo nako at saka bumalik sa kwarto na pinanggalingan ko. Narinig kong tinatawag nya ang pangalan ko pero hindi ko na sya nilingon. Kung ano-ano ang pinag-gagawa nya sa puso ko kaya't dapat ko syang layuan. Whaaa! Omg! Hindi kaya dahil sa sobrang pagkain ko kung ano-ano na nararamdaman ko? Whaaa! Mag-ddiet na talaga ko simula ngayon! Promise!

Nicole's POV

Mag-gagabi na pero hindi parin namin nakikita si Lee at Kate. Gustong-gusto na namin umuwi pero hindi naman kami pwedeng umuwi nang hindi sila kasama.

Habang naglalakad ay hinarangan kami nang sa katulad naming costume. Hindi nalang namin sya pinansin ngunit meron syang sinabi sa'min na labis naming pinagtaka ni Mj.

"Sino-sino na ang napatay nyo?" Tanong nito. Sobrang lalim ng boses nya na sobrang nakaka-panindig balahibo pero pinag-sawalang-bahala ko nalang ito.

"Uhm. Marami na. Hehe." Sagot ni Mj. Tumalikod na ang taong naka-costume kagaya namin ngunit bago sya maglakad papalayo ay may huli syang sinabi.

"Wag nyo kong lokohin. Wala pa ni isang bahid ng dugo ang suot nyo. Ayusin nyo yan, kundi kayo ang papatayin ko." Aniya at naglakad na palayo. Lubos mang nagtataka ay nagtawanan nalang kami ni Mj. Grabe mga linyahan ng mga tao sa event na'to. Parang totoo. Best actor!

Habang naglalakad kami ay biglang umulan ng malakas. Mukhang babagyo pa ata. Dali-dali kaming pumasok sa isang building at hinubad ang mga coat at maskarang suot namin.

"Grabe! Babagyo pa! Paano na tayo makakaalis nyan?" Tanong ko sa kanya.

"Edi bukas nalang tayo umalis. Masaya naman dito tska may mga kwarto naman. Dito nalang tayo matulog." Sagot nya. Nginitian nya ko kaya't pinalo ko sya ng malakas.

"Ikaw ha! Isip mo!" Bulyaw ko.

"Hala? Wala kong ginagawa oy! Hahaha!" Paliwanag nya. Hindi nalang ako umimik at dumiretso nalang kami paakyat ng building.

Hanggang sa mga sahig ng building na'to may mga fake blood parin. Grabe yung effort nila sa pag-organize nitong event, infairness! Magaling!

Pagpasok namin sa isang kwarto ay may nadatnan kaming bangkay na duguan at parang binalatan yung tyan. Lumapit ako dito at kinuha ang phone ko sa bulsa at saka ito pinicturan. Ang sangsang ng amoy nya pero keri lang naman. Parte siguro yun ng pag-kakagawa sa kanya.

"Ang galing babe 'no. Parang totoong tao." Ani Mj.

"Oo nga, babe e. Ang galing ng gumawa ng event na'to. Promise." Saad ko.

Lumipat nalang kami ng kwarto at dun nagpahinga. Hays. Kapagod.

Lloyd's POV

Kain-kain ang fita na dinekwat ko kanina sa kusina ay lalo pakong sumiksik sa front desk nang may marinig akong kaluskos mula sa lobby. Sinigurado kong hindi ako matutunton ng killer dito.

"Ano? Patay na si Dinielle? Paano nangyari yun?" Narinig ko ang boses ni Phara mula dito sa kinalalagyan ko. Sinong kausap nya?

"Oo. Nakita kong palutang-lutang ang katawan nya kanina sa pool. Mukhang nagpakamatay sya." Narinig ko naman ang boses ni Aki. Magkasama silang dalawa? Hmmm. I smell something malansa, ha.

"Hindi pwede yun. Matalik kong kaibigan si Dinielle!" Ani Phara.

"Choice nya yun, Phara. At wala na tayong magagawa." Saad ni Aki at narinig kong naglakad sila palayo. Kung makapag-lakad sila parang walang killer na paga-gala sa resort na 'to ha? Wow.

Kinuha ko nalang muli ang fita na nilapag ko sandali sa sahig at kinain ito. Muntik nakong mapatay ng killer kanina. Dalawa pa sila ha. Buti nalang nakatakbo ako ng mabilis. Siguro natakot rin sila sa tinidor na hawak ko. Aba. Sasaksakin ko sila ng tinidor subukan lang nila ko patayin.

Ako si Lloyd. At hindi ako magpapatalo sa mga killer na yun. Laban!

End of Chapter 20

---

A/N

Para sa mga nalilito sa mga building na pinapasukan nila, apat po kasi yung building na nakatayo sa Resort.

Una yung building kung saan unang nagstay yung magkakaklase. And yes, yun po yung may kusina sa baba (kung san nagsstay ngayon si Jennie at si Lloyd)

Pangalawa, yung bagong building na may elevator. Yes naman! Haha. Dun nagsstay ngayon si Nicole at Mj (yung nakita nilang bangkay ay bangkay ni Regine. Lol)

Pangatlo, yung lumang building kung saan nakita nila Cindi yung lagusan (kuno) at kung nasan din ngayon sila Lee.

Pang-apat, yung building na sumabog.

So ayern. Dont forget to vote and share this story. Lurv you. <3

Silent ScreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon