Scream 27

1.2K 88 26
                                    

SILENT SCREAM
By Its_Daphii

---

Aki's POV

Hawak-hawak ang kutsilyo mula sa bulsa ko ay dumiretso ako sa kinalalagyan ni EJ. Wala kong ibang gustong gawin kundi ang patayin sya dahil sa ginawa nya sa taong mahal ko. Ramdam na ramdam ko ang pangigigil ko sa kanya. Gustong-gusto ko na syang patayin.

Nang makarating ako sa kinalalagyan nya ay agad syang tumayo at saka ako sinalubong. Agad kong nakita ang dalawang bangkay sa sahig na naka-suot ng katulad ng sa amin. Pinagsawalang-bahala ko nalang sila dahil ang mahalaga ay maiganti ko si Jennie.

"Tama nga ang hinala ko. Mga nagpapanggap lang silang katulad natin. Hahaha." Saad ni EJ nang makita nya ko. Nginisian ko sya at saka sya nilapitan.

"Hindi ka tumupad sa usapan." Saad ko.

"Hahahaha. Alam ko. Anong gusto mong gawin ko? Hayaan na lang syang mabuhay?" Sarkastiko nyang tanong.

"Oo dahil yun ang usapan!" Bulyaw ko. 

Tinalikuran nya ko at saka kinuha ang palakol mula sa upuan nya.

"Alam ko ang binabalak mo, Aki." Aniya habang pinaglalaruan pa ang palakol nya.

"Gagawin ko 'to bilang ganti dahil sa ginawa mo kay Jennie!" Galit na galit kong sigaw sa kanya.

Lumapit sya sakin at tatagain na sana ang ulo ko nang makaiwas ako sa kanya at saka napahiga sa lupa.

"Hindi mo ko kaya Aki. Isa ka lang sa mga nagamit ko at kayang-kaya kitang patayin ngayon mismo." Aniya. Hindi ako masyadong makatayo dahil sa maling pagkakabagsak ko kaya naman nakatitig lang ako sa kanya habang naglalakad sya papalapit sakin.

Tinaas nya ang palakol nya at sinentro ito sa ulo ko. Pilit kong tinataas ang kamay ko ngunit hindi ko talaga magawa.

"Katapusan mo na." Aniya at saka pumwersa. Napapikit ako at inantay na lamang ang kamatayan ko nang maya-maya ay wala kong naramdamang pagtama ng palakol sa ulo ko. Pagdilat ko ay nakita ko na lang si EJ na nakahiga sa lupa at may kutsilyong nakasaksak sa kanyang puso.

"A-Andrei?" Gulat na gulat kong saad nang makita ko kung sinong gumawa nito sa kanya.

"Pasensya na. Medyo nahuli ako." Aniya.

"S-Salamat, bro." Saad ko habang nakatitig parin sa kanya. Maya-maya pa ay nakita kong bumangon mula sa pagkakahiga ang dalawang taong nagpanggap na killer. Tinanggal nila ang maskara nila at nakita ko ang buhay na buhay na si Shiela at Marian.

"Teka.. akala ko?" Saad ko.

"Pasensya na ha. Mautak kasi ako. Hahaha." Ani Shiela. Hinubad nila ang suot nilang Bulletproof vest at saka ito tinapon sa sahig.

Napatingin naman si Marian sa akin at saka nagsalita.

"Isa parin kayo sa pumatay sa mga kaibigan ko." Aniya.

"Marian, hindi. Hindi ako ang pumatay--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla nya kong sinigawan habang bumubuhos ang luha nya.

"E ano?! Ikaw ba Andrei?! Kahit anong gawin nyo, hindi parin mabubura ang kasalanang nagawa nyo! Mga mamamatay tao kayo!" Sigaw nito at saka tumakbo palayo. Tinawag sya ni Shiela pero hindi nya na kami nilingon pa.

"Hayaan nalang muna natin sya. Baka kailangan nya munang mapag-isa." Ani Shiela.

Sandali kaming natahimik lahat at ako naman ay tinitigan ang bangkay ni EJ.

"Sino si EJ?" Tanong ni Shiela sa gitna ng katahimikan.

"Kaklase natin noon baka tayo tumungtong ng Senior high." Sagot ko. Napakunot naman ang noo nya at saka nilapitan ang bangkay ni EJ at dahan-dahang tinanggal ang maskara nito.

"Evert?" Aniya. Napatingin naman sya sakin at tumango na lamang ako.

"Matalik ko syang kaibigan simula pa ng pumasok sya sa eskwelahan natin. Oo, weird sya. Pero kumportable ako kapag kasama ko sya. Napag-alaman ko rin na wala na syang pamilya kaya naman tinuring ko syang kapatid." Walang nagsasalita ni isa sa kanila kaya't tinuloy ko ang kwento ko.

"Napaka-amo ng mukha nya. Pero ang totoo, punong-puno ng galit ang puso nya. Sinubukan kong ipakita sa kanya na hindi ang galit ang paraan para maging masaya sya. Pero kapag ginagawa ko yun, iniisip nya na hindi ko sya tinuturing na kaibigan. Naalala nyo pa ba si Alyssa?" Ako.

"Yun 'bang nagbigti sa 2nd floor ng school natin?" Tanong ni Shiela.

"Oo. Pero ang totoo nyan, hindi sya nagbigti. Foul play lang ang lahat. Pinagmukha lang na suicide, pero ang totoo pinatay sya ni Evert dahil sa inggit." Saad ko.

"Ibig sabihin noon pa man, pumapatay na si Evert ng mga schoolmates natin?" Muling tanong ni Shiela.

"Oo. Sinubukan ko syang pigilan, pero ayaw nya talaga magpapigil. Tinolerate ko ang pagiging mamamatay tao nya. Lahat ng patayan na naganap sa eskwelahan natin, sya ang may kagagawan. Pero kahit kailan hindi ako nagsalita. Nagpasalamat nalang ako nang tumungtong tayo ng senior highschool, umalis na kasi sya sa school nun. Pero hindi ko naman akalain na babalik sya." Saad ko.

"Napag-alaman ko na tuluyan na syang nabaliw at pinagpapatay nya ang mga naging kaklase nya noong senior high sya. Pero ni isa walang nakaalam kung sino nga ba ang puno't dulo ng nangyaring patayan. Hanggang sa matapos ang year na yun at kinausap nya ko para maging kasabwat nya sa mga nangyayari ngayon." Dagdag ko pa.

"Bakit ka pumayag na maging kanang kamay nya sa pagpatay?" Shiela.

"Dahil tinakot nya ko. Papatayin nya ang pamilya ko kapag hindi ako pumayag sa gusto nya. Pero Shiela maniwala ka, wala kong pinatay ni isa sa mga kaklase natin." Ako.

"Hoy kwentuhan kayo nang kwentuhan dyan! Tulungan nyo kaya kami makababa dito!" Sigaw ni Lloyd habang nakapako sa krus.

Lumapit kami ni Andrei sa dalawang krus na nakatayo at saka dahan-dahan itong binaba.

"Paano kayo makakaalis dyan kung hindi namin tatanggalin ang pako sa kamay at paa nyo?" Tanong ko.

"Whaaaa! Masakit yun! Kailangan ba talagang tanggalin?" Ani Lloyd.

"Malamang. Kung ayaw mo, edi sige dyan ka nalang habang-buhay." Ako.

"Uy ito naman joke lang e! Sige na sige na! Tanggalin nyo na. Huhuhu. Konting ingat lang ah!" Aniya. Dahan-dahan naming tinanggal ang pako sa kamay at paa nila. Hindi ko kilala ang isang lalaki na kasama ni Lloyd pero bahala na.

"Whaaaa nagdudugo kamay ko! Whaaaa! Red cross, red cross! Baka maubusan ako ng dugo!" Sigaw ni Lloyd. Bigla naman syang binatukan ni Shiela.

"Red cross mo mukha mo! Di ka mauubusan ng dugo dahil lang dyan!" Shiela. Bigla namang nag-pout si Lloyd at saka di na nagsalita. Ew? Di bagay.

"Hoy! Baka gusto nyo ko tulungan makalaya dito ha?" Napatingin kami sa isang babaeng nakatali sa isang upuan. Mabilis naman syang nilapitan nung lalaking kasama ni Lloyd at saka tinulungan ito makalaya.

Maya-maya pa ay bigla nalang napasigaw si Andrei habang hawak-hawak ang ulo nya.

"Andrei? Anong nangyayari sayo?" Tanong ko.

Hindi nya ko sinagot at patuloy parin sya sa pagsigaw. Hanggang sa maya-maya ay nakangisi na sya samin at saka tinaas ang kutsilyong hawak nya.

"Hindi pa tapos ang laro." Aniya.

To be continued..

End of Chapter 27

---

A/N

Whaaaa ngayon lang ako nakapag-UD. Nagkasakit kasi ako. Sakit ng katamaran. HAHAHA. So ayun? Namiss nyo bako? Haha charot. Malapit na matapos men, pero di ka parin nagvvote! Eme. Vote ka na men. Para makatulong ka sa ekonomiya. Hahahahaha. So ayun. Enjoy!

PS: Medyo lame yung ud ko. Kasalanan 'to ng Hishimaro. Hahaha. Eme.

---

Silent ScreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon