SILENT SCREAM
---
Kate's POV
Hindi ako mapakali sa loob ng kwarto kaya sinundan ko si Lee sa labas. Sobrang lakas ng ulan kaya naman basang-basa ako.
Nakita ko sa hindi kalayuan si Lee na nakatali sa isang upuan. May tatlo 'ring krus at dun naka-pako sila Nicole at isang lalaking hindi pamilyar sakin. Napansin ko rin ang dalawang taong naka-itim na coat at may dala-dalang palakol. Hindi ko maaninag ang mukha nila dahil sa mala-demonyo nilang maskara.
Nakakasiguro akong sila ang nagpako sa mga kaibigan ko at nagtali kay Lee. Kinuha ko ang batong nakita ko sa lapag at dahan-dahang naglakad papunta sa likod ng mga killer.
Napatingin sakin si Lee ngunit umakto sya na kunwari hindi nya ko nakikita para hindi ako mahalata ng mga killer. Mabilis kong pinukpok sa ulo ang isa sa kanila at tumumba ito sa sahig. Napansin ito ng kasama nya kaya mabilis nyang naagaw ang bato sakin bago ko pa sya mapukpok.
Sinabunutan ako ng killer at mabilis na tinali sa isang upuan.
"Hindi lang yan ang aabutin mo sa susunod na kalabanin mo kami!" Sigaw nya at saka inakay ang kasama nyang nawalan ng malay.
Jennie's POV
Ala-una na ng madaling araw at sa sobrang boring dito sa loob ng kwarto bumaba ulit ako sa kusina para kumain. Minsan nga iniisip ko na baka mamaya may dragon sa loob ng tyan ko kaya palagi akong gutom e. Hehe.
Pagbaba ko ng kusina ay nag-hain muli ako ng maraming pagkain. Lamon lang ako nang lamon nang maya-maya ay umupo sa harapan ko ang lalaking naka-maskara na palaging nangingielam sa buhay ko.
"Andito ka na naman? Di mo ba talaga ko tatantanan?" Saad ko sa kanya ngunit hindi sya umimik.
Hindi ko nalang sya kinibo at tinuloy nalang ang pagkain ko. Maya-maya pa ay tumayo sya at may nilahad saking ulam na nakalagay sa mangkok.
"Wow. Para sakin ba yan?" Tanong ko.
Tumango naman sya kaya't kinuha ko na ang ulam na offer nya at dali-dali itong kinain. Maya-maya ay may nasandok akong buhok sa loob ng mangkok kaya't napakunot ang noo ko.
"Ano 'to?" Saad ko.
Pinagmasdan ko ang mga laman ng mangkok at napansin kong may mga daliri dito ng tao, mga tinapyas na labi, at may mga mata pa. Napangiwi ako at parang bumaliktad ang sikmura ko.
Maya-maya ay napansin kong tinaas nya ang palakol na hawak nya at mabilis nyang tinaga ang kamay ko.
"Aaaaaarrrghhhhh!!!" Sigaw ko. Nagsi-talsikan sakin ang sumisirit kong dugo kaya't dali-dali akong napatayo at saka tumakbo palabas ng kusina. Ngunit masyado syang mabilis kaya naabutan nya ko.
"A-Anong ginagawa mo?! Bitawan mo ko!" Sigaw ko nang hatakin nya ang ulo ko at tinapat sa leeg ko ang palakol.
"Rest in peace, Jennie." Aniya at saka tinaga ang leeg ko.
EJ's POV
Dala-dala ang mangkok na punong-puno ng ulam ay dumiretso ako sa pinaglalagyan ng mga biktima ko. Gusto kong makatikim sila ng masarap na pagkain bago sila mamatay. Tumigil na ang malakas na buhos ng ulan kaya naman hindi malalagyan ng tubig ang niluto ko.
Pagdating ko dun ay wala ang dalawang killer na pinagbabantay ko sa mga biktima. Kumulo ang dugo ko ngunit pinagsawalang bahala ko na lamang.
"Kamusta kayo? Ito nga pala. May hinanda akong masarap na pagkain para sa inyo. Sana magustuhan nyo." Saad ko at isa isa silang nilapitan. Hindi naman sila makakakain dahil nakatali ang mga kamay at paa nila.
Una kong nilapitan ang isang babaeng hindi pamilyar sa akin. Hindi ko man lang sya nakita kanina pero bahala na. Ang importante maraming makakatikim ng luto ko.
"Ibuka mo ang bibig mo para masubuan kita ng maayos." Saad ko.
Mukhang takot na takot sya kaya't dali-dali nyang binuka ang bibig nya. Hinalo-halo ko muna ang ulam sa mangkok bako kumuha ng laman para sa kanya. Pinili ko ang mata dahil sya ang unang titikim kaya't dapat masarap ang para sa kanya.
Nang makita nya ito ay mabilis nyang sinara ang bibig nya at tumingin sa ibang direksyon.
"Ayaw mo ba tikman ang luto ko?" Tanong ko na may halong hinanakit.
"Ayoko." Sagot nya.
"Ngunit pinaghirapan ko itong iluto para lang sa inyo." Saad ko.
"Bakit hindi ikaw ang kumain? Tutal ikaw naman ang nagluto diba?" Aniya.
Sobra akong nainis sa sinabi nya kaya't tinusok ko nang paulit-ulit ang ulo nya ng tinidor hanggang sa bumaon ito sa kanyang bungo. Kumapit pa ang ilang laman nya sa tinidor at maya-maya pa ay tuluyan na syang nawalan ng hininga.
Masyadong mataas ang krus na ginawa ng mga tauhan ko kaya naman hindi ko kayang abutin ang mga biktima ko para ipatikim sa kanila ang ulam na ginawa ko. Sayang naman.
Dumiretso nalang ako sa isang babaeng nakatali sa upuan at nakatingin sa'kin na para 'bang gustong-gusto nya kong patayin.
Tinanggal ko ang busal sa bibig nya at hindi pako nakakapagsalita ay sinigawan nya nako.
"Putanginamo hayop ka! Pinatay mo si Kate! Tanginamo! Papatayin rin kita!" Bigla nya kong dinuraan sa mukha kaya naman ramdam ko ang pagkapit ng dumi sa maskara ko. Tumawa ako at mabilis na hinawakan ang panga nya at pinubuka ang bibig nya.
Nang nakanganga na sya ay saka ko binuhos ang ulam sa bunganga nya hanggang sa mabulunan na sya't hindi na sya makahinga nang ayos.
"Hahahaha! Masarap ba? Syempre masarap yan! Luto ko yan e!" Nagmamayabang kong saad. Tinanggal ko ang pagkakahawak sa panga nya para naman makanguya sya nang maayos. Maya-maya ay sinuka nya ang mga ulam na niluto ko at kitang-kita pa dito ang buo-buong laman ni Jennie.
Hinayaan ko na lamang sya dahil malamang nagsuka sya sa sobrang busog.
Kinuha ko ang dart sa bulsa ng coat ko at pinaglaruan ang tatlong nakapako sa krus na nasa harap ko ngayon.
Kung saan-saan ko lang pinapatama ang dart at nakikita kong may umaagos na dugo sa katawan nila tuwing natatamaan sila nito. Tumingin ako sa babaeng nakapako sa Krus at saka kinuha ang kutsilyo sa bulsa ko.
Sinakto ko ang kutsilyo sa noo ng babae at tsaka malaya itong hinagis. At shoot! Sakto ito sa noo nya. Bigla nalang natumba ang Krus na pinaglalagyan nya paharap kaya naman lalong bumaon ang kutsilyo sa kanyang noo.
Napatawa ako nang malakas dahil sa kinahinatnan nya at saka kinuha ang camera ni Marwin sa bulsa ko. Pinipicturan ko silang lahat nang bigla nalang nag-power off ang camera. Hays. Sayang naman.
Umupo nalang ako sa isang upuan at saka sila pinagmasdan.
End of Chapter 24
---
A/N
Malapit nang matapos! AaaaAaAaaaA! Hahahahaha! Malapit na matapos yung story hindi ka parin nagvvote. Anong klase ka?! Hahaha. Charot!
Abangan ang mga susunod na pangyayari~
BINABASA MO ANG
Silent Scream
HorrorHighest Ranking #13 (Horror) -- "Andyan na sya! Papatayin nya tayong lahat! Umalis na tayo dito! Magtago ka na! Shhh.. wag kang maingay. Nakatingin sya sa'tin! Papatayin nya tayo! Hahahahahaha!"