SILENT SCREAM
---
Aki's POV
Pagtapos kong ipagpahinga si Andrei sa isang kwarto, lumabas na'ko dito at dali-daling dumiretso sa kwarto ni Jennie.
Naiwan ko pala ang maskara ko sa tabi ni Andrei. Shit. Pero bahala na, kailangan ko munang kamustahin ang lagay ng taong mahal ko.
Mabilis akong bumaba sa Kusina dahil alam kong palagi lang nandun si Jennie. Pagka-rating ko roon ay napansin ko na agad ang mga nakahain sa lamesa. Paanong hindi ko 'to mapapansin e nakalagay sa isang malaking plato ang ulo ng taong pinaka-mamahal ko?
Dahan-dahan akong lumapit dito at hinimas ang pugot na ulo ni Jennie. Hindi ko na namalayan, unti-unti na palang tumutulo ang luha mula sa mga mata ko.
FLASHBACK
"Gagawin ko ang gusto mo. Pero hindi mo pwedeng idamay si Jennie sa mga gusto mong mangyari." Saad ko kay EJ.
"At bakit? Espesyal ba sya sayo?" Tanong nya habang nakangisi.
"Wala ka nang pakielam dun. Basta ang usapan, hindi mo idadamay si Jennie. Tapos." Sagot ko at nakipag-kamay naman sya sa'kin. Kailangan kong protektahan si Jennie. Hindi sya pwedeng masaktan ng kahit na sino man.
---
Mukhang mag-uumpisa na ang plano ni EJ. Hindi ko parin napapansin si Jennie na lumabas patungo sa gate.
Nadatnan ko sya na kumakain parin sa kusina kaya naman nagtago ako sa isang pader at malaya syang pinagmasdan.
Ang cute nya parin kahit puro amol ang bibig nya. Haha.
Nakita kong sinundo na sya ni Hikari at pinag-aayos na sya ng damit. Dali-dali akong nagpunta sa back door ng Building namin at saka doon dumaan. Maraming sikretong daanan dito sa Resort ng Parent ko kaya naman malaya kong nasusundan si Jennie nang wala man lang syang kamalay-malay.
Hinintay ko lang sya hanggang sa makalabas sya ng kwarto nya. Susundan ko na sana sya palabas nang bigla akong tawagin ni EJ at pinapunta ako sa cctv room.
---
Bagot na bagot na'ko dito kakatingin sa monitor at nakita kong nasa kusina na naman si Jennie at mukhang nag-iinom pa.
Dali-dali akong lumabas at dumiretso sa kinalalagyan nya. Umupo ako sa harap nya at mukhang napansin nya naman agad ito. Hays. Kababaeng tao, lasinggera.
"Wow pre! Halloween ba ngayon? HAHAHAHAHA!" Saad nya sakin kaya naman hindi ko maiwasang mapangiti sa likod ng maskara ko.
"Ok naman yung props mo, *huk* pre. Hindi ka ba naiinitan dahil sa suot mong coat? Tanggalin mo nga yan!" Bulyaw nya sakin at saka hinigit ang coat ko. Winawaksi ko ang kamay nya pero ang totoo ay gusto ko lamang itong mahawakan. Nakaramdam ako ng kuryente ng magdikit ang mga palad namin. Napaka-weird.
"Pre ano ba! Naiinitan ako sa suot mo e! Tanggalin mo na!" Sigaw nya. Mukhang naiirita nga talaga sya sa suot ko. Maski naman ako.
Hinubad ko ang coat ko at tinaas nang kaunti ang maskara ko. Sasabayan ko nalang sya sa pagkain. Minsan lang 'to kaya lulubusin ko na.
"Nagugutom din pala ang mga mascot." Aniya. Wala nakong ibang nagawa kundi ang ngumiti nalang.
---
Lagi lang akong nasa cctv room. Pinapanood kung paano patayin ni Andrei at EJ ang iba kong kaklase. Ayokong saktan ang kahit isa sa kanila. Hindi ko masisikmurang patayin ang mga taong minsan ko nang naging kaibigan.
Napatitig ako sa monitor nang makita ko si Jennie na pa-gewang-gewang habang naglalakad. Aish. Itong babaeng 'to talaga.
Dumiretso agad ako sa pinaglalagyan nya at mukhang huli nako dahil akay-akay na sya ni Dinielle ngayon.
"Ibigay mo sya sa'kin at hahayaan kitang makatakbo palabas ng building na'to." Saad ko.
"Bakit ko naman sya ibibigay sayo?" Tanong nya habang nakangisi. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Bakit nga ba?
"Simple lang. Dahil mo pa ang buhay mo." Shit. Di ko alam kung anong pwede kong isagot kaya kung ano-ano nalang sinasabi ko. Aish. Bahala na.
"Hmmm. Totoo namang mahal ko ang buhay ko. Pero pasensya na ha. Madamot kasi ako." Aniya. Ayaw nya talagang ibigay si Jennie. Fuck. Nilabas ko ang kutsilyo na binigay sakin ni EJ kanina. Wala kong balak gamitin 'to sa kahit kanino pero sana naman tumalab 'tong pananakot ko sa kanya.
Nginisian nya ko at saka nya kinuha ang maliit na kutsilyo mula sa bulsa nya. Damn? Anong binabalak nya?
"Mukhang mahalaga si Jennie sayo ah? Hahahaha. Sige lumapit ka. Sisirit ang dugo ni Jennie sa loob ng building na'to." Dinielle.
Shit. My Jennie.
Kahit mahirap ay tinalikuran ko na lamang sila. Baka kung ano pang gawin nya sa mahal ko kapag nanlaban pako.
"Pag nalaman ko lang na may ginawa ka kay Jennie, tatapusin ko na agad ang buhay mo." Saad ko at saka lumabas na ng building.
---
Habang nakatingin sa monitor ay napansin ko na naman si Jennie na kumakain sa Kusina. Hindi ba nya alam ang mga nangyayari? Bakit parang hindi sya apektado? Nababaliw na ba sya? Dali-dali ko syang pinuntahan at nadatnan ko syang lalagukin na ang isang bote ng alak. Dali-dali kong hinawakan ang kamay nya para mapigilan sya sa pag-inom.
"Iinom ka na naman nyan? Gusto mo 'bang masira baga mo?" Saad ko. Winaksi nya ang kamay ko at saka nagsalita.
"Ano 'bang pake mo? Tska trip ko 'to e. Wag mo kong pakielaman." Aniya. Kinuha nya ulit ang alak at sinubukan ulit itong inumin nang kuhanin ko 'to sa kanya at saka tinapon sa sahig.
"Ang kulit mo talaga, Jennie." Ako.
"Ang kulit mo rin! 'Bat mo tinapon yung alak ko?!" Bukyaw nya sakin. Para na syang sasabog sa sobrang galit. Pfft.
"Kasi simula ngayon, bawal ka nang uminom ng alak. Kumain ka nalang dyan." Saad ko. Hindi nya nako pinansin at pinagpatuloy nalang ang pagkain nya. Ang lakas nya talaga kumain kahit kailan. Parang hindi babae. Hahaha.
"Ang cute mo." Bigla kong saad sa kawalan. Shit. Bakit lumabas yun sa bibig ko? Nakakahiya.
"Kung hindi mo tinapon ang alak ko, masaya sana akong nag-iinom ngayon." Aniya. Hays. Buti naman hindi na nya masyadong pinansin ang sinabi ko.
"Hindi ka ba masayang kasama ako?" Tanong ko. Ewan ko kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para sabihin ito sa kanya pero di ko maiwasang mapangiti.
"Paano ako magiging masayang kasama ka e hindi naman kita kilala?" Tanong nya. Lalo akong napangiti sa sagot nya. Kilala mo ko, Jennie. Kilalang-kilala.
END OF FLASHBACK
Umupo ako sa harap ng lamesa at maiging tinitigan ang putol putol na parte ng katawan ng taong pinaka-mamahal ko.
"Ginawa ko ang lahat para lang maprotektahan ka pero bakit hindi parin kita naprotektahan hanggang sa huli?" Saad ko habang hawak-hawak ang pugot nyang ulo.
Tuluyan nakong napahagulgol. Pumayag ako sa plano ni EJ at ang tanging kapalit lang ay ang hindi nya paggalaw kay Jennie. Pero bakit hindi sya sumunod sa usapan?
Nilapit ko ang labi ko sa noo ng taong mahal ko at saka marahang bumulong.
Wag kang mag-alala, Jennie. Ipaghihiganti kita.
End of Chapter 26
---
A/N
Go Aki! Gantihan na yang hampaslupa na yan! Hahaha charot! Gogogo! Bts! HAHAHAHA keme. Saya ko na naman. So ayun! Dont forget to vote bes! Para sa ekonomiya. Mwamwamwa!
PS: Sana po makabalik na si Crisan sa katawan nya para happy na lahat. Amen.
BINABASA MO ANG
Silent Scream
HorrorHighest Ranking #13 (Horror) -- "Andyan na sya! Papatayin nya tayong lahat! Umalis na tayo dito! Magtago ka na! Shhh.. wag kang maingay. Nakatingin sya sa'tin! Papatayin nya tayo! Hahahahahaha!"