Scream 29

954 58 12
                                    

SILENT SCREAM

---

Shiela's POV



Anong nangyayari?

Killer din ba si Marian?

Shit.

Kahit gulong-gulo yung utak ko, mas binilisan ko pa sa pagtakbo. Sobra yung kaba na nararamdaman ko lalo na't hindi ko inaasahan na isa pala si Marian sa mga killer. Pero pa'no? Lahat ba ng ginawa nya pag-papanggap lang? Ang gulo.

"Wag ka nang tumakbo, Shiela. Hahaha!" Rinig kong sigaw ni Marian sa likod ko. Hindi ako nagpatinag kahit ramdam ko na parang ibang Marian na ang humahabol sakin. Bagkus mas lalo ko pang binilisan.

Malayo pako sa gate pero tanaw na tanaw ko na sila Lloyd na hirap sa pagbubukas ng gate sa dami ng nakandado dito. Lumingon ako sa likuran ko at saka ko napansin na wala na palang humahabol sakin. Ni anino ni Marian hindi ko makita. Dumiretso ako sa kinalalagyan nila habang kinakapos ng hininga.

"O? Shiela? Anong nangyari sayo? 'Bat pagod na pagod ka?" Tanong sakin ni Lloyd habang unti-unti nang tinatanggal ang kadena sa gate. Habol habol ko naman ang hininga ko habang pinag-iisipan kung paano ko sasabihin sa kanila na isa si Marian sa mga killer.

"G-Guys.. si Marian.." Nauutal kong saad.

"O? Anong meron sa kaibigan mo? Kala ko ba susunduin mo sya? Asan sya?" Sabat naman ng babaeng hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung anong pangalan.

"Yun na nga yung gusto kong-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang lumitaw si Marian sa likuran ng isa pang lalaking kasama namin. Hindi na nya suot ang maskara pero abot-tenga naman syang nakangisi. Mukhang sa gubat sya dumaan para hindi mahalata ng mga kasama ko nahinahabol nya ko at gusto nya kong patayin.

"Ayan na pala si Marian e. Tara na?" Ani Lloyd. Napalunok ako nang unti-unti nang lumapit samin si Marian. Kitang-kita ko parin ang higpit na pagkakahawak nya sa kutsilyo.

"O? Shiela? Bakit parang takot na takot ka? HAHAHA!" Pabiro nyang saad sakin. Humahagalpak na sya ng tawa at halos mangiyak-ngiyak habang nakasandal sa gate. Lahat naman kami ay nakatitig sa kanya na tila ba nagtataka.

"Ibig mong sabihin-" Muli na naman nyang pinutol ang sasabihin ko .

"Oo! HAHAHAHAHA! Kung nakita mo lang itsura mo kanina! Uto-uto ka rin e! Pfft." Ani Marian.

Shit. Halos magkandarapa ako kakatakbo tapos pinaprank nya lang pala ko?!

"Ano 'bang nangyayari, guys?" Tanong ni Lloyd habang patuloy parin na nakakunot ang noo. Sumagot naman kami ni Marian ng "wala" at saka dumiretso na palabas ng resort.

Marian's POV

Hindi ko parin maiwasang matawa pag naaalala ko yung itsura ni Shiela habang pinaprank ko sya. Pfft. Ngayon lang ata ako nakagawa ng kalokohan sa buong buhay ko. Hahaha.

Bago kami tuluyang maglakad papunta sa siyudad, muli kong nilingon ang Resort na nagpahirap sa buhay naming lahat. Ang Resort na naging huling hantungan ng mga kaklase ko. Nakakalungkot lang isipin na sobra yung excitement na naramdaman namin bago magbakasyon sa resort na'to pero dito pala kami makakaranas ng impyerno. Ang sakit lang isipin na pumunta kami sa Resort na marami ang bilang pero ngayon, tatlo nalang kaming buhay pati narin yung dalawa naming kasama na mukhang naligaw lang naman.

"Marian. Tara na?" Alok sakin ni Shiela. Napabuntong-hininga na lamang ako at saka sumunod sa kanila sa paglalakad. Malayo-layo pa ang lalakbayin namin bago marating ang siyudad.

Habang naglalakad, tsaka namin nakilala yung dalawa naming kasama. Yung lalaking tahimik ay si Mark, at yung babaeng madaldal naman ay si Lee. Naghahanap lang pala sila ng makakainan 'nun pero napadpad sila sa Miya Resort. Nawalan din pala sila ng mga kaibigan.. tulad namin.

Habang unti-unti na kaming nakakalayo sa resort, mas lalo akong napapanatag na magiging ligtas na kami. Sa wakas.

"Alam nyo kung walang nangyaring patayan, siguro nag-sswimming tayo ngayon sa pool 'no?" Biglang tanong ni Lloyd sa kawalan.

"Siraulo ka ba? Naisip mo pa yan sa ganitong panahon?" Pagmamataray naman ni Shiela.

"Malamang! Sayang kaya yung mga inimpake kong damit. Di ko rin nagamit." Sagot naman ni Lloyd.

"Teka, Lloyd. Asan ka nga pala nung panahong nagkakagulo na sa loob ng Resort?" Muling tanong ni Shiela.

"Ha?" Lloyd.

"Asan ka nung mga panahong-" Hindi na natapos ni Shiela ang sasabihin nya nang barahin sya ni Lloyd.

"HATDOG! HAHAHAHAHAHA!" Napangiti nalang din ako dahil sa usapan nilang dalawa. Kitang-kita ko naman ang inis sa mukha ni Shiela. Medyo gumaan na atmosphere, hindi katulad kanina na parang nagluluksa kaming lahat.

Maya-maya pa ay tumahimik na naman sila at mukhang pagod na pagod na. Kanina pa kami naglalakbay pero hanggang ngayon pinapalibutan parin kami ng mga puno. Wala parin kaming matanaw ni isang building na nakatayo.

"Kung magpahinga nalang kaya muna tayo? Kanina pa tayo lakad nang lakad e." Suhestyon ni Lee. Nagsi-upuan naman kami sa gilid ng daan. Pare-parehong hingal.

"Guys. Wala ba kayong pagkain dyan?" Tanong ni Lloyd.

"Mukha ba kaming may pagkain?" Balik na tanong ni Shiela.

"Kaya nga nagtatanong diba?! Kainin kita dyan e!" Mataray na sagot ni Lloyd. Nagtawanan naman kami nang biglang syang hampasin ni Shiela.

"Bastos ka!" Aniya.

"Ang bastos nakahubad! Special nakatuwad!" Ani Lloyd.

Nagtawanan na naman kami dahil sa sagutan nilang dalawa. Maya-maya pa nagsimula na ulit kaming maglakad. Pasikat na rin ang araw kaya medyo maliwanag na. Mas mabuti narin yung ganito para mas nakikita namin yung daan. Ilang lakad pa ang nakalipas nang matanaw na namin ang siyudad.

Sa wakas.

End of chapter 29

Authors note:

MALUPITANG AUTHORS NOTE PAGTAPOS NG DALAWANG BUWAN!

Hahaha ok. Basahin nyo 'to. Ang hindi magbasa, dadalawin ng mga kaluluwa. Eme. Kung nababasa mo 'to ngayon, salamat sa patuloy na paghihintay. Sobrang naging hiatus ako dahil sa mga ganap sa aking life. Actually, di pa talaga ko ready mag-UD pero sabi ko sayang naman kung hindi ko tatapusin diba.

Don't forget to vote and spread Silent Scream to your co-wattpaders!

Silent ScreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon