SILENT SCREAM
---
Andrei's POV
Nagising ako sa isang kwarto na hindi pamilyar sa'kin. Sobrang sakit ng ulo ko at may bahid pa ito ng dugo.
Ano na naman 'bang nangyari?
Biglang pumasok sa isip ko si Perlas kaya naman dali-dali akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa gubat.
Hindi ko na masyadong matandaan ang lugar kung saan huli kong iniwan si Perlas kaya medyo naliligaw nako.
Lakad lang ako nang lakad at may mga ilang bangkay pakong nadadaanan.
Asan na ba yun si Perlas?
Medyo nagiging pamilyar na sakin ang lugar na tinatahak ko at maya-maya pa ay nakita ko na ang bangin kung saan huli ko syang nakita.
Iniwanan ko lang sya sa gilid ng bangin hindi ba? Bakit wala sya dito?
Kinuha ko ang maliit na flashlight na nakapa ko sa coat ko at inilawan ang bangin. Wala naman sya dito kaya't sobra nakong nag-alala kung nasaan na sya.
May napansin akong tao sa hindi kalayuan kaya't dali-dali ko itong pinuntahan at nakita ko nga ang bangkay ni Perlas na inu-uod na. Nilalanggam na rin ang bangkay nya lalo na sa parteng bunganga. Nandiri ako sa nakita ko ang napansin ko ang kutsilyong nakatusok sa puso nya.
Sino ang gumawa sayo nyan, Perlas?
Hindi na pwede 'to. Kailangan nang matigil ang mga nangyayaring pagpatay sa loob ng Resort na'to.
Shiela's POV
"Shiela? Sigurado ka ba talaga dito?" Tanong sakin ni Marian na may halong pag-aalala.
"Kailangan natin 'tong gawin, Marian." Sagot ko.
Huminga sya nang malalim at saka sinuot ang costume na kagaya ng sa killer. Suot-suot namin ngayon ang costume na ginagamit ng mga killer para itago ang identity nila. Nakalabas kami ng cr nang walang kahirap-hirap dahil abala ang isa sa mga killer na paglaruan ang ilan sa mga biktima nya. Buti nalang hindi nya masyadong naramdaman ang paglabas namin ng cr at pagpunta namin dito sa stock room para gawin ang plano namin.
Nilagay ko ang ilang kutsilyo sa bulsa ng coat ko at dinala ang isang palakol. Sabay naming sinuot ni Marian ang maskara at saka lumabas ng stock room.
Natigil na ang malakas na buhos ng ulan at buti nalang may maliit na lababo sa tabi ng stock room kaya medyo nabasa namin ang suot namin. Hindi magiging kapani-paniwala kung makikita ng isa sa mga killer na hindi man lang kami basa.
Dumiretso na kami sa pinaglalagyan ng mga kasamahan namin at nakita namin ang isang killer na nakaupo sa isang upuan at deretsong nakatingin sa amin ni Marian.
Napatigil si Marian sa paglalakad kaya't napatingin ako sa kanya.
"Marian! Ano ba! Tara na!" Saad ko.
"Mukhang hindi ko ata kaya, Shiela." Aniya.
"Marian, look. Pinahirapan nya sila Cindi. Saksi ka rin sa pagkamatay ni Rein. Pinatay nya ang mga kaklase natin. Ngayon ka pa ba panghihinaan ng loob? Kasi dalawa lang yan e, papatayin mo sila o ikaw ang papatayin nila." Saad ko at dere-deretsong naglakad sa harap ng killer.
Napatayo ang killer nang makalapit ako sa kanya at saka tumawa.
"Saan kayo nanggaling?" Tanong nito.
Gamit ang voice changer na nakuha namin sa stock room ay lakas loob akong nagsalita sa harap nya."May inasikaso lang kami." Sagot ko.
"At ano naman iyon?" Muli nyang tanong sa akin.
"Ang ilang bangkay na pakalat-kalat sa daan." Saad ko.
Tumango naman sya at saka muling nagsalita.
"Meron akong.. pabor sayo." Aniya. Hindi ako umimik at pinakinggan na lamang ang sasabihin nya.
"Ang isa nating kasamahan. Tapusin mo na ang buhay nya." Aniya. Tinamaan ako ng matinding kaba. Anong gusto nyang gawin ko?
"A-Ano? Bakit ko naman gagawin yun?" Kinakabahan kong tanong.
"Dahil kailangan. Ayoko ng pabigat sa grupo ko. Tapos ko na syang pakinabangan. Ngayon kailangan nya nang mawala." Aniya. Tinignan ko si Marian na hindi parin nakakalapit sa amin ngayon. Tumango ako sa killer at saka lumapit kay Marian.
Kailangan kong magmukhang katiwa-tiwala sa pangingin ng killer. Kailangan kong patayin si Marian.
"Anong sabi nya, Shiela? Napansin nya ba--" Hindi na nya natuloy ang sasabihin nya nang tagain ko ang parteng puso nya. Umagos ang dugo sa dibdib nya at saka sya natumba't nawalan ng hininga.
Bumalik ako sa kinalalagyan ng killer at saka nya ko pinalakpakan.
"Magaling, magaling. Ganyan ang hinahanap ko. Walang puso." Aniya at saka umupong muli sa upuan nya.
Nilingon ko ang katawan ni Marian na nakahandusay sa sahig. Pagtapos nun ay pinagmasdan ko ang kawawang katawan ni Lloyd na nakapako sa Krus. Kami nalang 'bang dalawa ni Lloyd ang natitira sa aming magkakaklase? Hays.
"May isa pa pala kong gustong sabihin sayo." Biglang saad ng killer kaya't napatingin ako sa direksyon nya.
"Magaling ka. Kaya mong pumatay ng kasamahan mo para lang sa akin. Hindi ko yun inaasahan. Akala ko susuwayin mo ang utos ko dahil alam kong kaibigan mo sya. Nakakatuwa ka." Aniya. Hindi parin ako umimik kaya't nagpatuloy sya sa pagsasalita.
"Ngayon meron pakong isang pabor." Saad nya.
Ano na namang pabor yun? Tangina.
"Ngayong napatay mo na ang kasamahan mo, bakit hindi mo naman subukang.. patayin ang sarili mo?" Aniya. Kinabahan ako sa binitawan nyang salita. Niloloko nya ba'ko? Gusto nyang patayin ko ang sarili ko?
Napatawa sya nang malakas. Mukhang hinihintay nya ang gagawin ko. Tinitigan ko si Lloyd mula dito sa baba at saka tinignan ang killer. Napangisi ako.
Kinuha ko ang kutsilyo sa bulsa ko at saka ito tinapat sa dibdib ko.
Pinikit ko ang mga mata ko at sinuguradong nakasentro ang kutsilyo sa gitnang dibdib ko. Pinwersa ko ang kamay ko at mabilis na sinasaksak ang sarili ko.
Tumumba ako sa sahig at saka nawalan ng malay.
End of Chapter 25
---
BINABASA MO ANG
Silent Scream
HorrorHighest Ranking #13 (Horror) -- "Andyan na sya! Papatayin nya tayong lahat! Umalis na tayo dito! Magtago ka na! Shhh.. wag kang maingay. Nakatingin sya sa'tin! Papatayin nya tayo! Hahahahahaha!"