Scream 15

1.3K 105 33
                                    

SILENT SCREAM

---

Lloyd's POV 

Mahimbing lang akong natutulog nang maramdaman kong umuga ang bus at magbukas ang pintuan nito. Napabalikwas ako ng tayo at nakita si Kuyang Driver na pumasok dito sa loob. Nagtaka sya nang makita nya ang mga nakakalat na balat ng chichirya sa sahig kaya't napatingin sya sa'kin at saka nagsalita.

"Akala ko ba nasa Resort na kayong lahat?" Tanong nya.

"Ah eh. Oo nga po. Hehehe. San nga po pala kayo galing?" Medyo kinakabahan nako. Baka mamaya pagbayarin nya ko dahil sa mga kalat ko na nasa sahig. Whaaaaa!

"Naghanap ako ng Gas para dito sa Bus. Baka kasi maubusan tayo pag nasa byahe na kaya mas mabuti nang handa. Kaya ayun. Uhm boy. Baka pwedeng bumaba ka muna. Lilinisin ko muna 'tong bus." Pakiusap nya.

"Uhmm.. kailangan ko po ba talagang bumaba?" Tanong ko.

"Oo eh. Pasensya na ha. Akyat ka nalang ulit dito pag-tapos ko." Sagot nya. Lalo akong kinabahan. Nagsisi-labasan na ang pawis sa katawan ko. Ayokong bumaba ng bus. Alam kong delikado.

"Uhm Manong. Nakapag-desisyon na po ako." Saad ko.

Tumingin sya sakin na tila ba nagtataka. Hindi sya nagsalita kaya tinuloy ko ang pagsasalita ko.

"Nakapag-desisyon na po akong.. ako nalang ang maglilinis nitong Bus nyo. Kung gusto nyo kayo nalang po yung bumaba. Hehehehe." Saad ko.

"Hindi naman pwede yan, boy. Tska hindi mo malilinis nang maayos itong Bus kung ikaw lang mag-isa." Aniya.

"Ganun po ba? Ah edi tutulungan ko nalang po kayo!" Saad ko. Huhuhu sana naman pumayag sya.

"Hmmm.. pwede rin naman. Sige. Kung yan ang gusto mo. Gagasulinahan ko muna 'tong Bus. Pulutin mo nalang yung ibang kalat dito." Utos nya.

Bumaba na sya ng Bus at ako naman ay natira dito sa loob. Maya maya pa ay narinig ko syang sumigaw kaya lumabas ako ng bus para icheck kung anong nangyari.

Nakita ko hawak hawak na ng taong nakamaskara ang pugot nyang ulo na dilat na dilat pa ang mga mata at nakatingin sa direksyon ko.

"Whaaaaaaa!!!!!!" Hindi ko napigilang sumigaw at nakita kong bigla syang tumakbo papunta sa direksyon ko kaya tumakbo na rin ako palayo. Masyadong mabagal ang pagsara ng pinto ng bus kaya alam kong delikado ako dun pag dun ako pumasok. May utak naman ako 'no kahit papano.

Dere-deretso lang ako sa pagtakbo at paglingon ko ay nakita kong malapit na sya sa'kin at handa nang pugutin ang ulo ko gawa ng palakol na hawak nya.

Lalo ko pang binilisan sa pag-takbo hanggang sa may makita akong parking lot kaya dumiretso ako dito. May nakita akong elevator at dali-dali kong pinindot ang button nito at saka pumasok sa loob.

Tangina! Ang bagal mag-sara ng pinto!

Ilang agwat nalang at makakapasok na sya ng tuluyan sa elevator nang magsara ito.

Shet! Huhuhuhu! Muntik na yun!

Pinindot ko ang button ng lobby. Hindi ko alam kung saan ako makakapunta pero bahala na. Kesa naman mapatay ako ng taong yun.

Pagbukas ng elevator ay mabilis akong lumabas dito at nakita kong puro dugo ang lobby na pinuntahan ko.

Anong klaseng lugar 'to?! Bakit puro dugo?!

Dere-deretso lang ako sa paglalakad. Walang kong makitang bantay dito sa lobby. As in sobrang gulo. Para akong nasa isang Horror movie. Whaaaa! Tangina!!!

Baka mamaya may Zombie nalang na kumain sakin dito. Huhuhuhu. Ayoko pang mamatay.

Nagtago ako sa front desk at sumiksik sa ilalim nito. Haha! Kala nya makikita nya ko ha!

Narinig kong tumunog ang elevator hudyat na nandito na rin sya sa lobby.

Susmaryosep.

Balak nya ba talaga kong patayin?

Narinig ko ang yapak nya. Palapit ng palapit sa kinalalagyan ko. Tangina. Yung puso ko.

Maya-maya pa ay narinig kong naglakad na sya palayo kaya medyo nawala ang kaba ko. Hayssss.

Dito lang ako sa front desk. Hindi ako aalis dito. Ayoko 'pang mamatay. Huhuhuhu.

Kath's POV

Nang walang kong nadatnang umakyat sa 3rd floor ay sumunod ako kila Marian sa rooftop. Doon kami namalagi hanggang sa sumikat ang araw. Wala pa kaming kain at ramdam na ramdam na namin ang gutom.

"Hindi ba tayo aalis dito sa kinalalagyan natin? Ang init init dito gosh! Tska gusto kong makita si Fafa Aki" Tanong ni Rein.

Napatingin ako sa kanya at hindi ko rin naiwasang isipin ang tanong nya.

"Aalis tayo kung kina-kailangan. Kapag may umakyat dito na killer, makikipag-patayan ako sa kanya at kayo namang dalawa ni Marian ay tatakbo pababa." Sagot ko.

Napatingin sa'kin si Marian na tila nag-aalala. Binigyan ko lang sya ng isang ngiti.

"Hindi ko inaasahan na mangyayari sa'tin 'tong mag-kakakaklase. Akala ko magiging masaya 'tong bakasyon na'to. Hindi pala." Ani Marian.

"Wag kayong mag-alala. Pprotektahan ko kayo." Paninigurado ko sa kanila.

Pare-pareho lang kaming nakatingin sa kawalan. Iniisip ang mga posible 'pang mangyari. Sa lagay ko, handa nakong mamatay. Pero pprotektahan ko muna ang mga kaibigan ko bago mangyari yun. Kahit wag nakong mabuhay, kahit sila nalang. Ok na sakin yun.

"Kath. Paano mo nalaman na killer si Andrei?" Biglang tanong ni Marian sa'kin.

Napatingin ako sa kanya at saka sya sinagot.

"Pagpasok ko dito sa Resort, nakita ko sya. Nakasuot ng coat na itim at saka hawak-hawak ang maskara na gamit nila." Sagot ko.

Hindi ko parin maiwasang malungkot dahil sa ginawa ni Andrei. Hindi ko alam kung paano nya nagawa yun. Matalik kaming magkaibigan kaya kahit kailan ay hindi ko inisip na kaya nyang pumatay ng tao.

"Sino si EJ?" Napatingin kami pareho ni Marian kay Rein nang bigla itong magtanong sa gitna ng kawalan.

"EJ?" Pabalik kong tanong sa kanya.

"Oo. Nung namatay si Lexie, may napulot na sulat si Jennie sa dinaanan nya. Dugo yung pinang-sulat sa papel at may codename na EJ." Ani Rein.

Napaisip ako kung meron ba kaming kaklase na EJ. Walang pumapasok sa utak ko na kahit sinong pwedeng mag-codename ng ganun.

"Kung sino man yung EJ na yun. Dapat natin syang makilala. Sigurado akong isa sya sa mga pumapatay." Ani Marian.

Wala nang nagsalita maski isa sa'min. Pare-parehong gulo ang utak. Kung sino man ang EJ na yun. Dapat ko syang makilala. Dapat kong malaman kung ano ba ang kasalanan namin sa kanya at kung bakit gusto nya kaming patayin lahat.

End of Chapter 15

---




Silent ScreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon