Scream 30

1K 46 9
                                    

SILENT SCREAM

By Its_Daphii

--

Chapter 30

Lloyd's POV

Dalawang buwan na ang nakalipas pero comatose parin ako. Hindi pa'rin ako maka-move..on.

"Lloyd! Ano na?! Ang tagal mo! Ma-lelate na tayo!" Rinig kong sigaw ni Shiela mula sa gate ng bahay namin.

"Oo na! Sandali lang!" Sigaw ko pabalik sa kanya at saka dali-daling sinuot ang sapatos ko. Kainis naman. Ang aga-aga pa kaya.

Sinalubong ko si Shiela na mukhang pinagsuklaban na ng langit at lupa kakahintay sa'kin. Pfft.

"Bakit ba ang tagal tagal mo ha? Tsk." Aniya.

"Kumain pa'ko e. Tsaka ang aga pa kaya!" Sagot ko sa kanya.

Hindi naman na sya sumagot kaya dumiretso nalang kami sa paglalakad papuntang eskwelahan. First day of school ngayon, kaya siguro excited 'tong si Shiela na pumasok. Pero ako, ewan ko ba. Hindi ko ramdam yung excitement.

Napatigil ako sa paglalakad nang mapadaan kami sa bahay ni Marian. Dalawang buwan na'rin pala ang nakalipas nang mag-migrate sila ng pamilya nya sa ibang bansa. Pagtapos kasi nang nangyari sa'min sa resort, napagpasyahan ng pamilya ni Marian na lumayo na. Siguro takot nalang din sila na baka maulit na naman yung ganung pangyayari sa anak nila.

"Hoy! Ano? 'Bat ka tulala dyan?" Bulyaw sa'kin ni Shiela habang pinipitik-pitik pa ang daliri nya sa harap ng mukha ko.

"Wala! Tara na nga." Saad ko at saka nagpatuloy na sa paglalakad.

Puro kwento si Shiela tungkol sa mga nangyari sa kanya nung mga nakaraang lingo samantalang ako, pumapasok parin sa isip ko yung mga pangyayari sa resort hanggang sa makarating kami sa siyudad.. Halos pinagkaguluhan nga kami ng mga tao nun dahil siguro sa first time nilang makakita ng mga taong duguan na rumarampa sa daan. Pero ayun, salamat naman sa kanila kasi dumating na agad yung ambulansya kasama ng mga pulis. Nang medyo ok na yung kalagayan namin, tsaka kami ininterview ng mga pulis about sa nangyari. Agad din silang umaksyon tungkol sa nangyaring massacre sa Miya Resort. Napabalita pa nga sa TV yung nangyari sa'min. Nakakatawa lang kasi dati gustong-gusto kong makita sa TV pero hindi ko akalain na sa ganung pangyayari pa.

Yung mga pamilya naman ng mga kaklase kong namatay, halos isumpa yung tumapos sa buhay ng anak nila. Wala na namang nagawa ang mga pulis kasi patay narin yung mga killer. Ewan ko lang kung anong reaksyon ng pamilya nila Aki nang malaman nila na mamamatay tao pala yung anak nila. Nakakalungkot lang lalo na't kitang-kita ng dalawa kong mga mata kung paanong bumagsak ang mundo ng mga pamilya ng mga kaklase ko nang makita nilang wala nang buhay ang anak nila.

Kahit gusto kong maging depressed nun para maki-uso, di ko nalang ginawa. Wala namang mangyayari e. Siguro kaya kami nabuhay ay para kahit papano ay makaalala parin sa mga mabubuting nagawa ng mga kaklase ko.

Maya-maya pa ay nakarating na'rin kami sa School. Pinagtitinginan na agad kami pagpasok palang namin ng gate. Bigla namang kumapit sa damit ko si Shiela. Alam kong naiilang sya tingin ng mga estudyante sa'min. Bawat hallway ata na nilalakaran naming ay pinaguusapan kami.

'Sila ba yung mga nakaligtas sa Massacre na nangyari 2 months ago?'

'Grabe siguro yung pinagdaanan nila 'no.'

'Ano kayang nararamdaman nila ngayon?'

'Bakit parang hindi naman sila malungkot?'

Nakakainis yung ganitong mundo. Nakarinig lang ng issue, tsismisan na agad. Tsk.

"Hoy! Anong tinitingin-tingin nyo? Tigilan nyo yan kung ayaw nyong tusukin ko mga mata nyo! Ano?!" Napalingon kami ni Shiela sa likod namin nang may marinig kaming babaeng binubulyawan ang mga estudyante.

Si Lee.

Bigla naman syang ngumiti nang makita nyang nakatitig kami sa kanya. Naglakad sya papalapit samin at saka kami inakbayan.

"Ano mga par? Ayos ba?" Aniya. Napatawa nalang kami ni Shiela at dumiretso na sa room namin.

Nung bakasyon kasi, nagkita-kita kaming tatlo at napag-usapan namin na sa iisang school nalang kami mag-aaral. Simula kasi nang mawala yung mga kaibigan ni Lee, samin narin sya sumama. Mabait naman pala sya kahit minsan sobrang sungit. Samantalang yung isa naman nyang kaibigan na si Mark, ayun. Lumipat ata sila ng pamilya nya sa ibang lugar. Pinaniniwalaan kasi ng pamilya nya na kasalanan daw ni Lee kung bakit muntik nang mawala sa kanila yung anak nila.

Pero ngayon, medyo nagiging ayos na yung pakiramdam namin. Syempre kahit mahirap, kailangan namin na magsimula ulit.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko nang maramdaman kong nag-vibrate ito. Napangiti ako nang mabasa ko ang text ni Nene.

From: Neneq

Mag-ingat ka dyan sa school ha! Hehe.

Agad naman akong nagreply sa kanya.

To: Neneq

Opo. Ikaw din. Mwaps!

Mukhang tuloy-tuloy na talaga ang lovelife ko. Hays. Ang puso talaga, parang heart.

End of Chapter 30

A/N

Get ready for the Epilouge?! 

Silent ScreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon