Scream 9

1.3K 113 14
                                    

SILENT SCREAM

---

Ar Ar's POV

Mag-isa nalang ako ngayon dito sa Kwarto. Lumabas muna sandali si Aki dahil hahanapin nya daw yung susi ng gate sa office nitong Resort nila para makalabas na kami dito. Sinubukan ko syang pigilan pero mukhang desidido na sya.

Pumunta ako sa bintana nitong kwarto para makita kung ano 'nang nangyayari sa labas. Pagsilip ko ay nakita ko ang taong naka-maskara na papasok sa loob ng building na kinalalagyan ko.

Tangina. Baka pasukin nya ang bawat kwarto at makita nya ko dito sa loob. Naka-lock naman ang pinto pero mas mahahalata ng killer yun na may tao dito sa loob ng kwarto at nagtatago.

Pumunta ako sa pinto at tinanggal ko ang pag-kaka-lock nito. Alam kong mas delikado itong gagawin ko pero mas safe 'to para hindi matukoy ng killer na may tao dito sa loob. Sumiksik ako sa ilalim ng kama. Buti nalang maliit ang katawan ko kaya kasyang-kasya ako.

Habang nakahiga sa sahig. Hindi ko maiwasang kabahan. Natatakot ako. Baka makita ako ng killer at ito na ang katapusan ko.

Maya-maya ay narinig kong bumukas ang pinto at hindi nga ko nagkakamali. Nakita ko pa ang naka-sayad na coat ng killer mula dito sa ilalim ng kama. Dumiretso pa sya sa dulo nitong kwarto at narinig kong binuksan nya ang pintuan ng cr pero bigo sya dahil wala syang nakitang tao.

Palabas na sya ng pinto nang tumunog ang alarm ng phone ko. Shit. Tangina. Nakita kong bumalik ang killer at sinundan ang tunog ng cellphone ko.

Shit, Ar. Mag-isip ka ng gagawin. Tangina.

Pinadulas ko ang phone ko palabas sa ilalim ng kama at sinigurado kong malayo ang mararating nito. 'Nang sa ganun ay lumayo rin ang killer sa kinalalagyan ko.

'Nang makalayo ang killer ay tsaka ako lumabas sa pagkakatago ko at tumakbo palabas ng kwarto.

Dere-deretso lang ako papuntang hagdan. Paglingon ko ay nakita kong hinahabol nako ng killer. Bumaba ako papuntang lobby. Muntik pakong madulas 'nang may matapakan akong makipot na bagay. Tangina. Hindi ko masyadong makita ang dinadaanan ko kaya minsan ay bumabangga ako sa mga gamit na nandito. Nakita ko ang pinto palabas nitong building kaya dumiretso ako dun.

"Aarrghhh!" Sigaw ko nang may matulis na bagay na tumusok sa likod ko.

"Takbo, Ar. Takbo. Hahahahaha!" Saad ng killer na humahabol sakin. Mukhang kutsilyo ang tumusok sa likuran ko. Hindi nya ko mahabol kaya pinalipad nya ang kutsilyong hawak nya papunta sakin. Ramdam na ramdam ko ang pagtagas ng dugo mula sa katawan ko. Hindi ganun kalalim ang pagkakatusok ng kutsilyo pero sapat na iyon para maramdaman ko ang sakit.

Gayunpaman, nag-patuloy parin ako sa pagtakbo. Hindi ako pwedeng tumigil dahil sa oras na tumigil ako ay katapusan na ng buhay ko.

Pumasok ako sa isang building na pinaka-malapit sa gusaling pinanggalingan ko. Nakita kong hinahabol nya parin ako kaya't pumasok ako sa isang kwarto na nakita ko at dali-dali itong nilock. Wala akong cellphone na dala kaya wala kong magamit na flashlight para magkaron ng liwanag dito kahit papano.

Kinapa ko ang dingding at mukhang walang masyadong gamit na nandito. Napa-inda ako nang maramdam ko ang kutsilyo na nakatusok sa likuran ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba'ko dahil ito lang inabot ko o maiiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

May nakapa akong cabinet at naisip kong pwede ako ditong magtago. Narinig kong sinisira nya na ang doorknob kaya dali-dali akong pumasok sa cabinet na nakapa ko. Nang pagpasok ko dito ay napansin ko ang malaking butas sa loob nito pati narin ang pader kaya't sa tingin ko ay isa itong daan papunta sa kung saan.

Narinig kong tuluyan nya nang nabuksan ang pinto kaya kahit hindi ko alam kung saan ako makakapunta pag pumasok ako sa maliit na lagusan ay pumasok parin ako. Para akong baby na nagapang dito sa loob. Kahit masakit sa tuhod dahil sa bato na ginagapangan ko ay mas lalo ko 'pang 'binilisan ang pag-gapang. Dere-deretso lang ako at mukhang hindi nya na'ko nasundan. Hindi mo kasi malalaman na may butas ang cabinet kung hindi ka papasok dito lalo na't madilim.

Mukhang wala pa sa kalahati nitong lagusan ang natatahak ko nang maramdaman ko ang pananakit ng tuhod ko.

Maya-maya pa ay may narinig akong boses sa di kalayuan kaya't pinakinggan ko ito.

"Kung hindi ka naman kasi tanga Cindi e! Kung san-san tuloy nakarating!" Teka. Boses ni Pam yun ah?

"Aba malay ko 'bang dead end na yun!" Boses naman ni Cindi ang narinig ko. 

Nabuhayan ako ng loob nang marinig ko ang boses nilang dalawa. Ibig sabihin ay may makakasama nako palabas.

"Sabi ko naman kasi sayo sa kabila yung daan! Aish! Ang sakit-sakit na ng tuhod ko o!" Sigaw ni Pamela.

"Masakit na rin naman yung tuhod ko! Hindi lang ikaw!" Sigaw naman pabalik ni Cindi.

Pag-deretso ko ay nakita kong dalawa ang butas na pwede kong tahakin. Isa sa kanan at ang isa naman ay sa kaliwa. Maya-maya pa ay nakalabas na sila sa kaliwang lagusan at halatang gulat na gulat pa sila nang makita nila ko. Tinapat pa nila sa mukha ko ang flashlight na hawak nila kaya naman sobra akong nasilaw.

"Ar Ar?! Omg!" Gulat na gulat na sigaw ni Cindi.

"Ah eh--ako nga. Aargh!" Napa-inda ulit ako nang maramdaman ko ang kutsilyo na nakatusok sa likod ko.

"Ohmygod Ar! Anong nangyari sayo? 'Bat puro dugo yang damit mo?!" Nag-aalalang tanong ni Pamela.

"Hinabol ako ng killer at hinagisan nya ko ng kutsilyo sa likod. Hanggang ngayon nakatusok parin ang kutsilyo sa likod ko. Hindi ko 'to maalis dahil hindi ko naman maabot." Ani ko habang iniinda ang sakit sa likuran ko.

"Ar. Dumiretso ka sa kabilang lagusan. Susubukan kong alisin yung kutsilyo na nakatusok sayo." Pamela.

"Sigurado ka ba dyan, Pam? Baka naman ikamatay yan ni Ar Ar ah!" Nag-aalalang tanong ni Cindi.

"Sigurado ako dito tska President ako ng Red Cross ako kaya kahit papano ay may alam ako sa ganito." Sagot ni Pamela. 

Dumiretso nalang ako sa kabilang lagusan at sumunod naman sila sa'king dalawa.

"Ready ka na, Ar?" Tanong ni Pam.

"Ready na." Saad ko kahit sobra nakong kinakabahan.

Nagbilang si Pamela ng tatlo at saka tinanggal ang kutsilyo sa likod ko.

"Aaaaaaarrrghhhhhh!!!" Daing ko nang tinanggal nya ito. Akala ko dun na natatapos ang pagiging Red Cross nya pero hindi pa pala. Binuhusan nya ng alcohol ang likuran ko kaya lalo akong napa-daing.

"Aaaaaahhh!!! Pam!! Tangina!" Halos mangiyak-ngiyak ako ng buhusan nya ito.

"Hehehe. Sorry di ko sinabi. Alam ko kasing di ka papayag. Nilagyan ko ng alcohol para mag-sara yung sugat sa likod mo at tumigil yung dugo sa pag-tagas." Aniya.

May dala-dala pala syang maliit na bag at dun nakalagay ang alcohol na binuhos nya sa likod ko. Di ako makahinga ng maayos pagtapos nyang gawin ang bagay na'yon. Hinayaan ko munang mawala ang hapdi sa likod ko at saka kami nagpatuloy sa pag-gapang.

End of Chapter 9

---

A/N: So ayun! Napapasama na yung silent scream sa rankings! Salamat sa suporta nyong lahat. Dont forget to vote and share this story sa mga friends nyo! Iloveyou all!

You can message me at my Fb Account dahil mas active ako dun kesa sa twitter if ever may mga tanong kayo.

*sabog confetti!*












Silent ScreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon