Scream 28

1K 61 14
                                    

SILENT SCREAM
By Its_Daphii

---

Shiela's POV

"Hindi pa tapos ang laro." Naglakad papalapit si Andrei sa kinatatayuan namin ni Aki at saka pumwersa na para 'bang sasaksakin kami. Buti nalang nakaiwas si Aki sa kutsilyo ngunit nagawa parin nitong magalusan ang kanang braso nya.

"Shiela, tumakbo ka na!" Sigaw ni Aki.
"Hindi! Hindi ko kayo iiwan dito!" Sagot ko at saka pinulot ang palakol sa sahig.

Handa nakong makipag-patayan para lang makaalis sa Resort na'to.

Nakita kong pumihit si Andrei sa Direksyon ko habang nakangisi.

"Sigurado ka 'bang kaya mo kong patayin, Shiela?" Aniya.

Napalunok ako at mas lalong hinigpitan ang kapit sa palakol.

Kakayanin ko.

Lumapit pa si Andrei sakin hanggang sa maya-maya pa ay napaupo sya sa sahig habang hawak-hawak ang ulo nya. Nabitawan ko ang hawak kong palakol habang maigi syang tinititigan. Bigla na lamang syang sumigaw nang pagka-lakas-lakas kaya naman lumayo ako nang kaunti sa kanya.

Nilapitan naman sya ni Aki at saka sya inakay.

"Andrei?! Anong nangyayari?!" Aniya.
"Aki, ano ba?! Wag mo na syang lapitan!" Sigaw ko. Masyadong delikado si Andrei.

"Pero kaibigan parin natin sya!" Ani Aki habang nakatingin sakin. Nakita kong inangat ni Andrei ang kamay nya at saka pumwersang sasaksakin si Aki.

"Aki.." Saad ko. Kumunot naman ang noo nya at saka binalik ang tingin sa likuran nya. Ngunit bago nya pa iyon magawa ay nagawa na syang saksakin ni Andrei sa likod.

"Hahahahaha! Mga uto-uto!" Biglang tawa ni Andrei na para 'bang nang-aasar. Natumba si Aki sa sahig habang umaagos ang dugo sa bibig nya.

Aki..

Tumayo si Andrei at saka lumapit sa akin. Hindi agad ako naka-galaw. Hindi ko magawang kunin ang palakol sa sahig. Para 'bang bigla akong nanghina.

"Asan na ang tapang mo, Shiela?" Tanong nya na tila ba nang-aasar. Napalunok ako at mas lalo pang umatras.

Nang makalapit na sya sa'kin ay bigla nyang tinaas ang kutsilyong hawak nya at saka pumikit. Na-stock nalang din ako sa kinatatayuan ko. Isang saksak, pwede nang matapos ang buhay ko. Dumilat sya at saka bumulong.

"S-Shiela.. takbo." Aniya. Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi nya.

"Ngayon na.." Dagdag pa ni Andrei. Dahan-dahan akong lumayo sa kanya hanggang sa pumwersa sya at saka isinaksak ang kutsilyo sa tyan nya. Napatakip ako sa bibig ko habang patuloy naman sa pag-agos ang dugo sa bunganga nya. Ilang beses nya pang sinaksak ang sarili nya hanggang sa tumumba na sya sa sahig.

Mabilis akong lumapit sa direksyon ni Aki at saka sya inakay. 

"Aki.. kailangan na nating umalis dito." Saad ko. Dahan-dahan nyang kinapa ang bulsa nya at saka inabot sa akin ang isang susi. Nanginginig pa ang kamay nya dahil sa panghihina.

"U--Umalis na kayo.." Aniya. Napailing na lamang ako. Ayoko syang iwanan dito.

"Aki.. m-mabubuhay ka pa. Sumama ka na sa'min. Sabay-sabay tayong lalabas dito." Sagot ko. Tumabi naman sakin si Lloyd at maigi 'ring tinitigan si Aki.

"H--Hindi.. hindi ko na k-kaya. Nauubusan na'ko ng dugo." Saad nya habang nakangiti samin. Hinawakan naman ni Lloyd ang kamay nya. Di ko maiwasang maiyak sa mga pangyayari.

"Alam mo, Aki. Kahit mas gwapo ka sakin, hanga ako sayo. Wait. Uhm gwapo naman ako pero mas gwapo ka nga lang. Tska may lahi ka kasi, ako wala kaya ganun. Hays. Nevermind. Wow english. HAHAHAHAHA. Pero ano. Mag-ingat ka kung saan ka man pupunta ah? Wag ka mag-alala, dadalawin ka namin dito sa resort minsan. Joke! Hehehe." Pagtapos ng speech ni Lloyd at saka ko sya binatukan.

"Kung ano-ano pinagsasabi mo, mamamatay na nga yung tao!" Bulyaw ko. Napabusangot na lamang sya at hindi na muling nagsalita.

"Iyang susi na yan.. ang gamitin nyo para makalabas.. Shiela.. mag-ingat kayo." Aniya at saka dahan-dahang pumikit.

Aki..

"Hoy! Tara na! Ano pang tinutunganga nyo dyan?!" Biglang bulyaw ng babaeng hindi pamilyar sakin.

"Lee. Kumalma ka." Ani naman ng kasama nyang lalaki na kaninang nakapako rin sa krus.

Tumayo kami ni Lloyd at saka dumiretso sa gate. Itong susi na'to ang makaka-tulong samin para makaalis sa Resort na'to. Nasa kalagitnaan palang kami ng paglalakad ay tska pumasok sa isip ko si Marian.

"Lloyd. Sandali." Saad ko sa gitna ng katahimikan. Tumigil rin naman sila at saka nagsalita si Lloyd.

"Bakit Shiela?" Nakakunot nyang tanong sa akin.

"Si Marian. Kailangan kong balikan si Marian." Ako.

"Sigurado ka ba dyan? Pwede naman natin syang balikan nalang kapag nakarating na tayo sa siyudad at nakahingi ng tulong." Ani Lloyd.

"Hindi. Hindi pwede. Sabay kaming aalis ni Marian sa Resort na'to. Mauna na kayo kung gusto nyo." Dali-dali kong inabot sa kanya ang susi at saka tumakbo pabalik sa direksyon kung saan nagtungo si Marian. Narinig kong tinawag ni Lloyd ang pangalan ko pero hindi ko na sya nilingon pa.

"Marian?! Nasan ka na ba?!" Sigaw ko sa bawat gusaling nadadaanan ko. Kung saan-saan naman kasi sya nagpupupunta. Panatag ang loob ko dahil alam kong nasa mabuting kalagayan sya lalo na't patay na ang lahat ng killer.

"Marian?!" Muli kong sigaw sa kawalan ngunit wala parin akong nakukuhang sagot.

"Shiela.." May narinig akong nagsalita sa likod ko kaya naman nilingon ko ito.

"Marian?" Kunot-noo kong tanong sa kanya. Gamit nya ang maskara ng mga killer pero nakilala ko parin sya dahil sa suot nya. May hawak-hawak syang kutsilyo na pinaglalaruan nya gamit ang mga kamay nya.

"Kamusta ka?" Aniya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot sa kanya.

"A-Ayos lang. Uhm. Kailangan na nating umalis dito, Marian." Kahit kinakabahan ay nilakasan ko parin ang loob ko para makapagsalita sa harap nya. Bigla na lamang syang tumawa nang malakas kaya hindi ko maiwasang magtaka sa inaakto nya.

"Akala ko pa naman Shiela matalino ka. Hindi ko alam na may katangahan ka palang taglay. Hahahahaha!" Aniya.

"A-Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Takbo! Hahahaha!" Ani Marian at saka isinaksak ang kutsilyo sa pader. Napatakbo ako palayo sa kanya at saka dumiretso sa gate.

Shit.

END OF CHAPTER 28

A/N

OMG! HAHAHA! So ayun, nakapag-update rin ako. Pasensya na sa matagal na update. Pasensya na po talaga *lumuhod*. Actually hindi ko alam kung ano talagang scene ang gagawin ko sa chapter na'to pero eto na nga. Kayo na mag-judge. HAHAHAHA. So ayun. Again, sorry sa matagal na update. Matatapos na Silent Scream, konting push nalang. Ahe. Thankyou!

Silent ScreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon