SILENT SCREAM
---
Ar Ar's POV
"Bes! Picturan mo naman ako dito! Dali! Ang ganda ng view o!" Sigaw ko kay Khatrina.
"Ar! Bumalik na tayo sa kanila! Delikado dito! Baka kung ano 'pang mangyari sa'tin!" Ani Khatrina.
"Sandali lang naman e! Mga sampung shots lang. O dali game. Mag-ppose nako." Ako.
"Hays. Sige na nga." Khatrina.
Nagpose ako ng nagpose habang patuloy naman sya sa pag-capture. Pumikit-pikit pa'ko para kunwari feel na feel.
Pagdilat ko ng mata ko, hindi ko inaasahan ang nakita ko sa likuran ni Khatrina.
"K-khatrina.. sa likod mo." Nauutal kong saad.
"Huh? Ano meron?" Lumingon si Khatrina sa likod nya at bigla nalang syang sinaksak ng itak sa mukha ng lalaking naka-maskara.
"Aaaaaaaahhhhhh!!" Sigaw ko at dumiretso ng takbo palayo.
Lance's POV
Bagot na bagot nako dito. Hindi ko naman talaga gusto sumama sa bakasyon na'to. Pinilit lang nila ko. Imbis na nag-a-ROS ako ngayon, ito. Nakikipag-habulan ako kay kamatayan.
"Tol. Sundan na kaya natin sila Ar?" Ani Marc.
"Di na yun mga bata, Tol. Wag na. Tska nakakatamad maglakad." Sagot ko.
"Alam mo naman yung sitwasyon ngayon, Tol. Delikado masyado. Tara na sundan na natin." Marc.
Naglakad na sya palayo. Ano pa 'bang magagawa ko?
"Lance. San kayo pupunta?" Tanong sakin ni Phara pero hindi ko nalang sya pinansin. Nakakatamad magsalita.
Ar Ar's POV
Tangina! Hindi na talaga ko mag-pphotoshoot kahit kailan! Mama! Papa! Ayoko 'pang mamatay!
Tumakbo lang ako ng tumakbo. Lumingon ako sa likuran ko at nakita kong hinahabol nako ng lalaking naka-maskara. Puta!
Pumasok ako sa building na tinuluyan namin kanina. Umakyat ako sa 2nd floor at pumasok sa isa sa mga kwarto dun. Nilock ko ang pinto at napaupo nalang. Tangina. Ayoko 'pang mamatay.
"Ar Ar? Anong ginagawa mo dito?" Inangat ko ang mukha ko nang may tumawag sakin at nakita ko si Aki na nakatitig sakin habang nakakunot ang noo.
"Aki?!" Sigaw ko.
Lumapit ako sa kanya at tska sya binulyawan.
"Ikaw dapat ang tinatanong ko nyan! Anong ginagawa mo dito?! Alam mo 'bang nasa panganib na yung buhay naming lahat ha?!" Bulyaw ko.
"Uhm. Hindi? Inayos ko lang yung mga gamit ko kaya medyo natagalan ako sa pag-baba." Sagot nya.
"Jusko, Aki! Hinahabol ako nung lalaking naka-maskara! Pinatay nya si Khatrina at gusto nya rin akong patayin!" Sigaw ko. Sobra nakong kinakabahan.
Napatingin kaming dalawa sa pinto 'nang gumalaw ang door knob nito. Nagtago ako sa likod ni Aki.
"Aki. Ayan na sya. Papatayin nya na tayo." Naiiyak kong saad.
Kinakalampag nya yung pinto at kami naman ay walang magawa kundi tumitig lang dito.
"Aki! Andyan ka ba sa loob? Buksan mo 'tong pinto!"
Teka? Si Andrei ba yun?
"Andrei?! Ikaw ba yan?!" Tanong ko.
"Oo. Buksan nyo 'tong pinto! Ano ba!" Sigaw ni Andrei.
BINABASA MO ANG
Silent Scream
HorrorHighest Ranking #13 (Horror) -- "Andyan na sya! Papatayin nya tayong lahat! Umalis na tayo dito! Magtago ka na! Shhh.. wag kang maingay. Nakatingin sya sa'tin! Papatayin nya tayo! Hahahahahaha!"