Scream 22

1.1K 84 14
                                    

SILENT SCREAM

---

Marian's POV

Nagising ako at nadatnan kong wala na sa loob ng kwarto si Rein. Chineck ko ang cellphone ko at napagtanto kong alas-nuebe na pala ng gabi. Dali-dali akong tumayo at lumabas ng building para hanapin sya. Sobra man akong natatakot pero kailangan ko syang mahanap. Kung may nangyari mang masama sa kanya, sisisihin ko talaga sarili ko.

Lakad lang ako ng lakad sa Resort. Ayokong pumasok sa mga building dahil alam kong mas delikado. Basang-basa nako ng ulan pero kailangan ko talagang mahanap si Rein.

Ilang minuto nakong naglalakad ngunit hindi ko parin sya makita. Pumasok ako sa building na tinuluyan namin kahapon at sinubukan syang hanapin doon. Hindi naman yun lalabas ng kwarto nang walang dahilan.

Dumiretso ako sa kitchen at nakita ko si Jennie na kumakain--kasama ang killer. Tinamaan ng matinding kaba ang puso ko. Takot na takot man ay nilapitan ko si Jennie at saka nagsalita.

"Jennie. Halika na! Umalis na tayo!" Saad ko. Baka mamaya may gawin pang masama ang killer sa kanya. Kailangan ko syang ilayo sa killer.

"Ha? E nakain pako e. Mamaya na." Ani Jennie.

"Pero Jennie delikado! Tara na!" Bulyaw ko sa kanya ngunit mukhang ayaw nya talaga sumama sakin. Napatingin ako sa killer ngunit wala man lang itong ginagawang aksyon para patayin ako. Hindi ba dapat patayin nya na kami ni Jennie ngayon? Bakit wala man lang syang ginagawa?

Tumalikod nako at tumakbo palayo. Ayokong iwanan si Jennie pero kailangan ko ring hanapin si Rein.

Dere-deretso lang ako sa labas nang may mapansin akong dugo sa lupa. Medyo hindi na ito pansin dahil sa malakas na ulan pero kitang-kita ko parin ito. Sinundan ko ang bawat bahid ng dugo na natatapakan ko at maya-maya pa ay nakita ko ang kaawa-awang bangkay ni Rein sa sahig.

"Rein?! Rein!" Sigaw ko. Maraming kutsilyo ang nakatusok sa katawan nya kaya hindi ko sya magawang hawakan nang mabuti. Ni hindi ko man lang sya mayakap sa huling pagkakataon.

Napaiyak nalang ako dahil sa nadatnan ko. Kasalanan ko 'to. Ako ang kasama nya pero hindi ko man lang sya nagawang pigilan sa paglabas nya kanina sa kwarto. Hindi sana nangyari 'to kung hindi ako tatanga-tanga.

May narinig akong yapak sa likuran ko kaya't lumingon ako dito at nakita ko ang killer na ilang agwat nalang ang layo sakin.

Unti-unti. Palapit na sya nang palapit. Lalo akong kinabahan. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Tinignan ko ang nakakaawang bangkay ni Rein.

Ganyan din ba ang mangyayari sa'kin?

Unti-unti nang nakakalapit ang killer pero hindi ako natinag mula sa pagkakaupo ko sa tabi ng bangkay ni Rein. Wala na akong pake kung mamatay narin ako ngayong gabi, tutal lahat naman kami ay mamamatay sa Resort na'to.

"Miss? Hindi pa ba tapos ang event?" Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko ang killer. Wala syang dalang kahit anong bagay na pwede nyang gamiting pampatay sa mga biktima nya. Labis akong nagtaka sa tanong nya.

"A-Anong event?" Tanong ko.

"Itong event. Tignan mo. Mukhang naacting ka paring hanggang ngayon. Tsaka ang angas naman ng fake bangkay na yan. Parang totoo yung mga nakatusok sa kanyang kutsilyo. Hahaha. Nice!" Saad nya.

Napatayo ako at saka sya hinarap. Dali-dali kong tinanggal ang maskara nya at nakita ko ang maaliwalas nyang mukha.

"Iniisip mo na event lang 'tong lahat? Totoo ang lahat nang nakikita mo dito! Iyang kaibigan ko? Patay na sya! Pinatay sya nang walang hiyang killer na gusto tayong patayin lahat!" Bulyaw ko.

"Whoah, whoah. Chill, Miss! Haha. Oo nalang. Pasensya na ha. Wala kasi akong balak seryosohin ang event na'to. Wag ka rin magpapadala, Miss. Baka mabaliw ka nang tuluyan. Hahaha!" Saad nya at saka naglakad na palayo.

Sino ba sila? Anong ginagawa nila dito?

Muli kong tinignan ang bangkay ni Rein. Hindi ko sya magawang yakapin kaya't hinalikan ko nalang sya sa noo.

Rest in peace, Rein.

Tumayo nako at saka naglakad palayo. Narinig kong may sumitsit sakin at tinatawag nang mahina ang pangalan ko.

"Marian.. uy! Dito!" Rinig ko.

Luminga-linga ako nang makita ko si Shiela na nakasilip sa pinto ng cr. Dali-dali akong lumapit sa kanya at pumasok sa banyo.

"Gosh! Marian! Buhay ka pa! Akala ko ako nalang ang natitira sating magkakaklase." Saad nya.

"Shiela? Anong ginagawa mo dito? Bakit puro bahid ka ng dugo?" Sunod sunod kong tanong sa kanya.

"Gumulong ako sa dugo ni Lexie nang pumasok dito ang killer. Nagpanggap akong patay. Buti nalang hindi nya napansin. Kahapon pako nandito sa banyo. Nakita ko rin kung paano patayin si Rein." Sagot ni Shiela. Pareho nalang kami napaupo sa sahig kasama ang naaagnas na bangkay ni Lexie.

"Hindi ko na alam kung sino nalang ang mga buhay. Pero nakakasiguro ako na hindi titigil ang mga killer hanggat hindi nila tayo napapatay lahat." Saad ko.

"Kamay nila ang ginagamit nila para patayin tayo pero utak natin ang gagamitin natin para mapatay natin sila." Ani Shiela.

Napatingin ako sa sinabi nya at saka napaisip.

"Paano natin gagawin yun? Mahina ako, Shiela." Saad ko.

"Mahina rin ako, Marian. Pero kailangan nating lumaban para sa buhay natin." Aniya.

Alam ko sa sarili kong hindi ko kaya. Pero mukhang wala nakong choice. Kailangan kong lumaban.

"Paano ka nakakasiguro na makakalabas tayo dito nang buhay?" Saad ko.

"Basta magtiwala ka sa sarili mo, Marian. Magtiwala ka lang." Aniya.

Hindi nako umimik pa at pinag-isipan nalang ang lahat.

Kailangan kong lumaban. Para sa buhay ko.

End of Chapter 22

---

A/N

Sorry medyo lame. Pero kailangan talaga mapakita yung side nang bawat character. Haha. So ayun, dont forget to vote. Thankyou!

Silent ScreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon